Chapter 8

928 38 9
                                    

Chapter 8


HINDI makapiglas si Metria sa mahigpit na pagkakahawak ni Metria sa kanya. Hindi naman ito makapalag dahil ang mag titig ni Metria sa mata ni Xana ay matatalim ang mga ito. "Ano ba!" sigaw ni Xana kay Metria. Pinipilit pa rin ni Xana na pumalag pero wala talaga siyang kawala at nagkaroon naman siya ng ideya na sipain ang ibabang pribadong parte ni Metria at siya namang nakataas mula sa mga kamay nito. Lumapit sa bandang pintuan si Xana upang mabilis siyang makatakas kung atakihin man muli siya nito.

Naging masakit kay Metria ang pagsipa sa kanya ni Xana kaya nakaluhod lamang ito habang iniinda ang sakit sa pribadong parte nito.

"Ano bang ginagawa mo sa akin? Ha!" hinihingal na sabi ni Xana sa kanya. Noon pa man, simula ng magtagpo ang landas nila hindi talaga naging komportable si Xana na pakisamahan si Metria pero habang tumatagal naman ay nakikita ni Xana na isa siguro ito sa magliligtas at magpapabago ng tingin sa kanilang paaralan pero si Metria rin ba ang magwawakas ng buhay ni Xana.

"Mali! Mali ang ginawa ko." sabi ni Metria nang maka-rekober na sa sakit na natamo niya mula sa ginawa ni Xana. "Ikaw, Xana... mali, hindi dapat." Aniya.

Mas lalo namang gumulo ang pag-iisip ni Xana dahil sa mga sinasabi ni Metria.

At ilang saglit lang ay biglang sumulpot si Jester, "Anong nangyayari dito?" Biglang bungad ni Jester na nagulat sa nakita niya na nakaluhod pa rin si Metria na nakayuko. At nang marinig ni Metria ang boses ni Jester ay napatingal na lang din naman ito at tiningnan silang dalawa.

"J-Jester, tara na." Tatalikod na sana silang dalawa nang biglang sumarado ang pinto.

"Hala ka! Sumarado." Nanginginig na sabi ni Jester. Nakayakap lang ito sa braso ni Xana at palinga linga sa paligid.

Nakatayo lang si Metria at nakatitig sa Dalawa. Hangga't sa nawalan ito ng malay.

Lalapit sana si Xana kay Metria pero pinigilan ito ni Jester at hinawakan sa kamay upang pigilan na makalapit kay Metria "Mapanganib..."

"Pero?" Umiling si Jester.

"Tara na..." Pinihit ni Jester seradura at lumabas na sila ng silid. Naiwang walang malay si Metria sa silid.

Naglalakad ang dalawa pabalik sa kanilang silid. Kinakabahan pa rin ang dalawa, Hindi nila maiwari kung bakit nagawa ni Metria iyon kay Xana. At bigla na lang itong nawalan ng malay nang dumating si Jester.

"Teka lang..." Napatigil si Jester sa paglalakad habang hawak hawak sa kamay si Xana. Pinatigil niya rin sa paglalakad si Xana.

"B-bakit? A-ano 'yon?" Humigpit ang hawak ni Xana sa kamay ni Jester. Naglilingon lingon din ito sa paligid kung bakit sila tumigil.

"May nararamdaman ako." Bigla na lang humangin na lang ng napakalakas na hangin pero sobrang init ngayong panahong ito. Naghahalo ang init at lamig ng hangi na 'yon

Isa isang naglabasan ang mga hindi normal na nilalang. Mga duguan, mga pugo't ulo, mga halimaw. Lalong kinabahan ang dalawa sa nakita

Isa isang sumugod ang mga ito pero kapag palapit sila ng palapit tuluyan silang nawawala. Napatingin si Xana sa kwintas na suot at doon na naman nagmumula iyon. Sa kwintas niya. Nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag at doon walang nakita ang iba kundi puti lang.

"Babawiin na kita!" Isang sigaw ang umalingawngaw sa paligid hanggat sa pahina ito ng pahina. Napatikip na lang din naman ng tenga si Xana dahil sa narinig niya at si Jester na nagtatago sa likod niya. Kakaiba na ang mga nangyayari. Palala ng palala at kung hindi ito masu-solusyonan ay maraming buhay ang magiging kapalit. Naging mali rin ang tingin ni Xana kay Metria na akala'y tagapaglitas pero mukhang may gusto ring patunayan si Metria at misteryo pa rin iyon sa kanya.

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now