Chapter 14

667 29 3
                                    

Chapter 14


MINULAT ko ang mga mata ko at medyo hilo-hilo pa ang pakiramdam ko. Masakit ang mga katawan ko at mukhang hindi ako makakagalaw ng maayos. Nakahiga ako sa isang kama sa clinic ng aming impyernong paaralan. Sinubukan kong maupo mula sa pagkakahiga ko. Nagdahan dahan lang ako dahil medyo masakit ang bandang kaliwang braso ko at nang hawakan ko ito ay ang hahapdi pero walang mga sugat. Madilim ang silid na ito pero dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana ay may natatanaw akong taong nakatalikod at nakaharap sa labas mula sa bintana.

Ang mga kamay niya ay nasa likod niya at seryoso lang siyang nakatingin sa bintana. Hindi ko matanaw ang mukha niya dahil nakatalikod ang isang 'to.

"Gising ka na pala," Nagsalita siya, kaya medyo kinabahan ako sa susunod na mangyayari. Humarap siya at medyo nawalan ako nang kaba pero iba ang tingin niya sa akin.

"Anong nangyari sakin?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Wala kang alam?" Balik niya sa akin. Umiling ako sa kanya bilang sagot. Ngumisi siya at dahan dahang naglakad papunta sa akin. "Winakasan mo lang naman ang mga hindi normal na nilalang." Huminto siya sa paglalakad. Hindi pa rin niya inaalis yung kamay niya sa likod niya. Natatakot ako na baka mamaya may hawak na siya sa likod niya at patayin niya ako.

"Talaga nagawa ko 'yon?" Hindi ako makapaniwala. Paano naman nangyari 'yon? Dahil ba sa masakit at mahapdi ang iba kong katawan dahil sa nakipaglaban ako sa mga nilalang na iyon?

"Wala ka talagang alam?" Tumalikod siya sa akin at naglakad pabalik sa bintana.

"Wala," Gusto kong alalahanin 'yon. Pero teka? Normal na ba ako ngayon at nasa pisikal kong katawan na ako? "Normal na ba tayo?"

"Ikaw oo," Humarap ulit siya sa akin "Pero si Jester hindi pa."

Si Jester! Agad kong inalis ang kumot sa harapan ko at umalis sa pagkakaupo. Hindi pwede, si Jester. Pero sa pagkatayo ko ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak ako sa noo ko at humawak sa kama, alalay upang hindi ako matumba.

"Wag mong pilitin ang sarili mo..." Hindi ko siya pinansin kundi nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

"Kailangan ko tulungan ang kaibigan ko." Lalapit na sana ako sa pintuan ng bigla itong nagsara ng wala man lang nagsasara dito. Napaharap ako kay Metria na may itinutok na bagay sa pintuan, bagay na nagpasara sa pintuan.

"Hindi mo siya matutulungan nasa ibang dimesyon pa siya." Sabi niya.

"Pero bakit tayo?! Nagawa natin makabalik!"

"'Yon dahil ay may lakas tayong dalawa, hindi ako normal ganun ka din at tama nga ang hinala ko na ikaw na rin ang hinahanap ko." ngisi pa nito.

Napa-huh na lang bigla ako sa sinabi niya. Anong pinagsasabi niyang hindi ako normal? At anong lakas? At hinahanap niya, kaya ba niya gusto niya akong saktan noon dahil may kailangan siya sa akin? Hindi ko gets.

"Anong? Hindi!"

"Sa tingin mo bakit mo nagawang wakasan ang lahat ng nilalang na 'yon nang mag isa ka lang?"

"D-dahil sa k-kwintas!" utal ko pang tugon sa kanya.

Umiling iling siya. "Kwintas? Hindi umepekto ang kwintas mo sa mga nilalang na 'yon. So paano?" mataray na sabi nito sa akin.

"Aba malay ko!" Tinalikuran ko ulit siya at lumapit sa pinto at binuksan ito.

"Mag iingat ka Xana, ikaw ang kailangan nila. Kung papaigtingin mo ang tigas ng ulo mo, babaiwan ka nila ng buhay." Hindi ko pinansin ang pinagsasabi niya. May kapangyarihan ang kwintas ko. Hindi ako mapapatay. "Hinahanap ka Xana, kailangan mong pigilan ang mga ito."

Pagkabukas ko ng pintuan ay may bumungad sa akin na nakataklob nang itim na kumot sa mukha at agad nitong sinakal ang leeg ko. Hindi ako makapagsalita dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa leeg ko, pilit kong inaalis ang kamay niya subalit malakas siya. Mahahaba ang mga kuko niya na pwedeng tumusok sa leeg ko na pwede kong ikamatay.

"Bitawan mo siya!" Nakahinga ako ng kaunti ng medyo mawalan ng konting higpit ang pagkakahawak niya. Rinig kong nagsalita si Metria at mukhang papalapit siya pero bigla na lang nagsara ang pinto.

Humigpit ulit ang pagkakahawak sa akin ng nilalang na ito.

"Handa ka na bang mamatay?" Sinasabi ko na nga ba.

Ang Life Taker na nga ba ito. Nagkaroon ulit ng portal para dahilan na mahigop kami papasok sa loob.

Nawawalan ako nang hininga ng pumasok kami sa portal na 'yon. Ang hirap huminga, konting pigil ko lang sa paghinga ko ay ikamamatay ko na. Hindi ko pa rin alam kung bakit ako dinala ng Life Taker o kung sino man 'yon dito sa lugar na ito. Hindi ko alam ang lugar na ito dahil parang lumang pabrika lamang ito.

"Huwag kang gagalaw diyan." Nakarinig ako nang isang boses ng lalaki kaya nagtago ako bigla sa may mga tanke na sobrang laki dito. Sumilip ako nang bahagya kung saan siya papunta. May dinuduro duro siya kaya tinignan ko naman.

Hindi ko masyadong maaninag ang mukha no'n. Babae siya at mukhang malakas naman pero kasi may tali ito sa bibig nito at yung mga kamay niya ay nasa likod ng kanyang inuupuan. Hindi ko makita ang mukha niya kasi nakayuko siya at natatakpan pa ng buhok nito. Pumipiglas pa ito at nagpupumilit na sumigaw kahit wala na siyang magawa. Bumalik ang tingin ko sa lalaking nanduduro kanina sa babae. Agad agad nitong pinaghahampas ng lalaking ang nasa harapan nito.

Napabalik na lang ako sa pagkakatago ko at napaupo sa sahig. Hindi ko kaya ang nakikita ko, masyadong marahas. Anong magagawa ko? Hindi ko alam. Nanginginig na ako dito, bakit ba kasi ako dinala ng Life Taker dito at bakit dito pa sa lugar na ito. Naririnig ko pa rin ang mga hampas sa kanya. Napapapikit na lang ako sa sarili ko sa bawat maririnig kong ungol. Susubukan ko sanang ibalik ang tingin sa nangyayari kanina pero pagtingin ko ulit ay wala na ito.

"Nasaan na?" Naguguluhan ako! Nasaan na? Hindi naman pwedeng mawala na lang ng gano'ng kabilis 'yon diba? Nawala na ang kaninang marahas na pangyayari at bumalik na ulit ako sa pinagtataguan ko. Pero sa pagbalik ko ay nasa harapan ko na siya.

"Handa ka na ba?!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Kinukusot ko ang mga mata ko para makita ng malinawan ang mukha niya pero sadyang malabo ang mukha niya at hindi ko maaninag. Napaatras ako at nagsimulang gumapang palayo sa kanya.

Hindi pa ako handang mamatay! Ano ba kasing nangyayari dito!

"Layuan mo ako!" Ipinakita ko sa kanya ang kwintas ko.

"Walang magagawa 'yan!" Kasunod no'n ang nakakapangilabot niyang halakhak na nakapagpatindig ng balahibo ko.

Tumayo ako pero atras pa rin ako ng atras sa kanya. Natatakot ako sa mangyayari, kung hindi ako lalayo sa kanya, mamamatay ako ng hindi sa oras. May misyon pa akong kailangan kong malaman ang lihim ng Life Taker na ito.

"Ano bang kailangan mo?!!" Sigaw ko sa kanya.

"Ikaw! Nahanap na rin kita saw akas!" Nakakapangilabot ang boses nito kung magsalita at napapapikit na lamang ako.

"Hindi ko ibibigay sayo ang buhay ko!"

"Kailangan!" Bigla biglang bumilis ang paglalakad niya na unti unting sumusugod sa akin.

Sumugod siya sa akin pero agad naman akong nakaiwas sa kanya. Hindi ko alam pero gumaan bigla ang pakiramdam ko. Tila ang lakas lakas ko sa pakiramdam ko. Pero sa kabila ay nahihilo ako.

~Narrator's POV

Sa biglang pagkahilo ni Xana ay nakaramdaman ito nang pagbabago ng katawan niya na mistulang bumabalik ang lakas na kanyang tinataglay. Tila nagbabagong anyo siya mula sa normal at pisikal niyang katauhan. Humalakhak si Xana at tuluyang sinugod ang Life Taker.

"Malakas ka! Sa wakas!" pagbubunyi ng Life Taker ng masilayan ang pagbabagong anyo ni Xana Etoria.

Agad namang nakaiwas ang Life Taker mula sa pagsugod nito sa kanya. Walang magawa ang Life Taker sa nangyayari. Tila nasisiyahan din siya sa kanyang nakikita.

"Ikaw na nga." Ngisi pa ng Life Taker. 

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now