Chapter 24

635 28 2
                                    

Chapter 24


XANA

"XANA MAY PROBLEMA KA BA?" Nakatitig lang sa akin si Metria. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Hindi ko matanggap. Hindi ko aakalain na siya 'yon. Demonyo na nga ako. Isa na nga ako sa mga may maruruming pagkatao.

"Ang Life Taker..." iniangat ko ang ulo ko at tumingin kay Metria. Bago ko pa man siya masagot unti unti nang nagbagsakan ang mga luha ko sa mata ko. "Ang ama ko."

Hindi ko maipaliwanag kung anong reaksyon ang naipakita ni Metria sa akin dahil kahit ako hindi ko alam kung anong ilalabas kong emosyon ngayon. Parang nahihirapan ako tanggapin ang lahat ng ito. Kahit kasi ako nagulat sa nakita ko, hindi ko aakalain na siya ang ama ko. Nakita ko na siya noon sa isang litrato na nahulog ni Mama at hindi na muling pinakita sa akin. Nagtataka ako noon kung sino siya, hangga't sabihin na lang ni Mama na siya ang Ama ko. Alam ko matagal nang patay ang tatay ko kaya wala na kaming alam sa kanya at ang alam ko, normal kaming lahat, si mama, si papa at ako.

Pero ngayong siya pala ang dahilan kung namamatay ang mga estudyante sa paaralan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Bakit ako nagkaroon ng isang tatay na mamamatay tao ng mga inosente. Kahit buhay o kaluluwa, pinapaslang pa rin niya.

Kung kaya ba patuloy niyang ginagambala ang paaralan dahil patuloy lang din siya sa paghahanap sa akin? Sa anak niya? Kung alam ko lang, pu-pwede namang pahirapan pero ngayon na huli na ang lahat, tatanggapin ko na lang ang lahat dahil nasa dugo ko rin naman ang lahat ng ito.

Bago siya mawala na parang abo, may mga salita siyang binitiwan. 'Sa wakas, nakita rin kita.' Hindi ko alam kung anong ibigsabihin no'n pero nakakabaliw lang at nakakagulo lang ng isipin. Hindi ko maintindihan kung bakit siya pumapatay at siya ang naging ama ko.

Namatay nga siya. Maraming tanong ang pumasok sa utak ko. Lahat ng pwedeng mangyari, ginugulo na ako. Nakaramdam ako nang mahigpit na yakap na nagmumula kay Metria. Patuloy lang ako sa pag iyak. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na nakapatay ako.

Winakasan ko ang sarili kong ama.

"Xana, huwag kang mag alala. Mababalik na rin sa normal ang buhay na ginulo ng Life Taker." Hinahagod hagod lang nito ang likod ko. Habang ang mukha ko ay nakadagan sa mainit niyang dibdib.

"Pero ako, ginulo ng Life Taker ang buhay ko." Marahan akong umalis sa pagkakayakap sa kanya. Tinignan ko siya sa mukha niya at ngumiti lang ito. Ngayon ko lang siyang nakita na nakangiti. It feels just relief to me, nang makita ko ang mga ngiti niya.

May mga itinatago palang kakisigan ang isang Metria Xaxon.

"Tara na?" Yaya niya sa akin. Tumango na naman ako at sumunod sa kanya.

In just few hours, babalik na ang mundong sinira nang Life Taker. Mababalik na ang mga inosenteng buhay ng mga estudyante. Mabubuhay muli sila pero ang mga taong pinatay nito kasama ang kapatid ni Metria ay hindi na muling mabubuhay pa. Masaya rin ako kay Metria dahil nakuha na niya ang hustisya para sa kanyang kapatid. Masaya ako kahit sa mga nalaman ko. Natigil na rin ang gulo, sigurado na akong wala nang mamatay sa paaralan. Babalik na rin ako sa normal kong buhay.

Bumaba na rin kami ng rooftop ni Metria kung saan binalot kami ng kadiliman. Hindi siya lumaban sa amin kundi inaasam lamang nito na pumanik ako sa kagustuhan niyang sumama ako sa kanya pero winakasan ko na siya at natapos na ang lahat. Tahimik ang hallway na mamaya maya lang ay magkakaroon muli ng kasiyahan. Ang paaralan na ilang taong pinanirahan ng mga demonyo, mawawala na. Matatahimik na, ang dating impyernong paaralan. Hindi na muling tatagurian nang ganyang pangalan.

Imyernong Paaralan? Magbabago na ang tingin nila dito.

Nang makalabas kami ng paaralan ay muli ko itong tinignan kahit na medyo madilim pa, mamaya maya na rin naman ay mag uumaga na. "Sa tinagal nang panahon, matatapos na rin." Aniko at bahagyang napayuko.

"Nagkaroon na rin ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko." Napayuko ako sa sinabi niya. Hindi ko pa rin kasi matanggap na ang Life Taker at ang tatay ko ay iisa lamang. Masakit isipin pero kailangan wakasan ang pamamalagi niya dito. "Xana, i-uwi na kita." Tango na lamang ulit ang itinugon ko sa kanya.

Gumawa si Metria nang portal at tuluyan kaming pumasok at iniluwa kami sa tapat ng aming bahay. Pagkalabas namin sa portal ay agad bumungad si mama na nag-aantay na siguro sa aming dalawa. May hawak siyang litrato at nang suriin ko iyon ay ang litrato kung saan tinatago-tago niya noon sa akin kung saan kasama ko si mama at ang ama ko.

Agad akong lumapit kay Mama at niyakap siya. Hindi ko na naman napigilan hindi maiyak sa nangyari. I was too confused no'ng una pero hanggang sa tumagal tagal ay nalilinawan na ako. Malilinawan pa ako sa mga bagay bagay na ito.

"Ma, ang ama ko..." umalis ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Alam ko anak," may pumatak na rin sa mga mata niya. Pinakita niya sa akin ang litrato na kanina pa niya hawak. Nagulat ako nang makita ko sa litrato ay wala na siya. Dalawa na lang kami ni mama sa litrato. "Dito ko nalalaman anak kapag nangyayari sayo, minsan nawala kasa litrato at alam kong nasa delikadong sitwasyon ka no'n pero agad din namang nabalik. Pero ngayon, nakita ko na ang litrato at wala na siya. Wala na, tinapos na siya." Hindi ko alam kung anong irereact ni mama kapag sasabihin ko kung anong totoong nangyari.

"Ma, ako ang pumatay sa Life Taker... sa asawa mo... sa ama ko."

Sa pagkasabi ko ay hindi nagbago ang reaksyon ni mama. Niyakap na lamang ako nito at may ibinulong "Alam kong mangyayari rin ang ganitong sitwasyon, Alam ko anak. Ikaw lang ang may kakayahan na pumatay sa ama mo."

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Ma, paano mo nalaman?" muli na naman akong naguluhan.

"Minsan ko na rin kasi binalak na patayin ang tatay ng ama mo. Pero hindi ko nagawa, wala akong sapat na kaalaman kung paano siya mapapatay. Salamat sayo dahil nagawa niyo. Kayong dalawa ni Metria." Napalingon ako kay Metria na nakatingin lamang sa amin.

"Wala pong anuman." Tugon ni Metria.

Ibinalik ko ang tingin kay mama. "Ma? Bakit po ba ginagawa nang Life Taker ang pumatay ng mga inosenteng estudyante."

Nagbuntong hininga si mama bago sumagot sa katanungan ko. "Una sa lahat anak ka niya, gusto ka niya makuha at manirahan kung saan niya naghari-harian. Ngunit hindi niya nagawa dahil may ginawa akong kakaibang kapangyarihan sayo upang hindi ka niya agad matukoy. Doon nagsimula ang pagpatay niya sa estudyante at nagbabakasakaling isa ka sa mga doon. Hindi ka niya mahahanap at mapapatay dahil sa ginawa ko sayo. Dahil kung sakali mang makuha ka niya, wala na ako ngayon. Pero dahil sa ginawa ko, nahirapan siya."

"Naiintidihan ko na, pero ma? Bakit niya ako kinukuha?

"Ikaw ang susunod na magiging prinsesa kung sakali. Pero ayaw kong mangyari ang isang 'yun. Mapanganib."

Ilang oras din kami nagusap nila Mama. Nakwento ko sa kanya kung paano kami nagtagumpay sa mga bagay bagay na kailangan namin lagpasan. Proud naman siya dahil kaya ko na daw ang sarili ko.

"Teka lang Ma, tawagin ko lang si Metria." Maglalakad na sana ako sa pinto nang makita ko si Metria na pumasok sa portal. Saan siya pupunta? Bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin?

Siguro babalik din kaagad siya. Masaya rin ako kasi tapos na ang lahat. Babalik ako bukas sa paaralan kung ano nang nangyayari.

Atleast kahit papaano, alam kong ligtas na muli ang lahat.

The Life Taker (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon