Chapter 9

969 36 2
                                    

Chapter 9


XANA

HINDI ko alam kung nasaang silid ako ngayon dahil sa nangyari sa amin ni Jester. Puro dilim lang ang paligid na nakikita ko. Tila bawat paligid ay masisilayan ko ay puro dilim. Hindi ko alam kung nasaan ako. Nasa kawalan na ba ako ngayon? O nilamon ng black hole? Hindi ko sigurado. Napapailing na ako ako habang naglalakad-lakad. Dahan-dahan akong naglalakad at ingat na ingat sa matatapakan ko dahil baka mamaya mahulog pa ako sa isang butas na hindi ko naman nakikita.

Napabuntong hininga na lamang ako. Dapat kasama ko ngayon si Jester eh! Nasaan na nga ba 'yon? Mas pinangalibutan ako dahil sa ihip ng hangin na dumapo sa balat ko, mainit na may halong lamig na hindi mo talaga mapapaliwanag. Minsan nakakapasok, minsan manginginig ka na lang.

"Jester! Jester!" tawag ko dito pero walang sumasagot sa akin bagkus ang boses ko ay nag-e-echo lamang sa di kalayuan at babalik sa akin ang boses ko. Nasaan ba talaga ako, paano ako napunta dito? "Jester!" muli kong tawag sa pangalan nito.

"Xana..." napakunot naman ako ng noo ng may nagsalita. Inikot ko ang ulo ko para hanapin ang boses na 'yon ngunit sa bawat na papakinggan koi to ng mabuti ay mas lalong kumakalat ang tunog sa bawat paligid ko. feeling ko mas dumadami na sila ngayon. Hindi ko sila makita dahil sa sobrang dilim pero sigurado ako na ngayon ay lalamunin na nila ako ng buhay. "Sa amin ka lang!"

Mas naging kabado ako dahil sa hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Sign na ba ito na mawawala na ako. Pero hindi pa ako handang mamatay. Hindi pa ako handa. Kung pwedeng lumaban, lalaban ako. Hindi ako magpapatalo.

Pinangalibutan ako ng balahibo dahil parang bumubulong sa tenga ko ang boses na 'yon pero kapag lilingunin ko naman, walang kung sino man ang nando'n. Madilim. Wala akong makita. Ano pa nga bang aasahan ko?

Maya-maya lamang ay may kumalabit sa balikat ko na siya namang kinabigla ko. Mas bumilis ang kabog ng kaliwang dibdib ko. Parang nanigas na lang ang katawan ko sa pagkakatayo ko. At ilang saglit pa lamang ay naulit ang pagkalabit nito sa balikat ko. Nanlaki ang dalawa kong mata at napapakagat na lamang sa ibabang labi ko at tagaktak na ang tumutulong pawis sa akin. Pero bago ako lumingon ay pumikit ako at humugot ng malalim na hininga at dahan dahan na lumingon sa kung sino man ito.

Nang idilat ko ang mata ko ay agad kong napansin ang samu'tsaring mga nilalang na nakapaligid sa akin at kuminang ang hawak nitong kutsilyo. Nadilat ang mga mata ko nang i-deretsyo nito ang kutsilyo sa kaliwang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Hinang-hina ako habang tinitingnan silang pinagtatawanan ako.

Ano bang kailangan nila?

"Oh my God!" napabangon ako sa kinahihigaan ko. Mabilis ang tibok ng puso ko at hingal na hingal ako. Agad kong nilingon ang paligid ko at nakita ko naman kaagad si Jester na kaagad kong niyakap. Nasa Impyernong Paaralan pa rin pala kami, nasa hallway. Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin kaming dalawa.

"Xana! Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Jester habang hinahagod ang likod ko.

"Medyo, Jester..." saka ako umalis sa pagkakayakap sa kanya. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya.

"H-hindi ko alam Xana, bigla na lang din kasing umilaw 'yang kwintas mo tapos nagtatakip ka ng tenga mo hanggat sa nawalan ka na lang ng malay. Ano bang nangyari sayo, Xana?" tanong naman nito sa akin.

"May gustong pumatay sa akin." 'yon na lang ang nasabi ko sa tanong ni Jester sa akin.

Pero naalala ko naman kahit papaano. Si Metria. May kung anong gusto siya sa akin pero hindi ko alam kung ano 'yon. Hanggat sa nawalan na lang siya ng malay at iniwan namin at sa hallway naman ay sinalubong kami ng mga kaluluwang nilalang na sinusugod ako at si Jester pero nalulusaw kaagad sila dahil sa liwanag na nagmumula sa kwintas ko.

"S-sino, Xana? Sinong papatay sayo?" alala pa niyang tanong sa akin.

"H-hindi ko alam Jester, pero pakiramdam ko marami sila at may isang nilalang na gusto namang bawiin ako. Hindi ko alam. Naguguluhan ako!" ginulo ko ang buhok ko dahil wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Mas lalong lumalala ang sitwasyon.

"Pero sino 'yong sinasabi mong gusto kang bawiin, Xana?" tanong sa akin ni Jester.

Napailing na lang din naman ako sa tanong niya.

"Ang Life Taker 'yon." Napalingon na lang kaming dalawa ni Jester sa nagsalita at namin si Metria na nakatayo sa harapan namin. "Kung ikaw nga 'yon o baka napagkakalaman lang katulad ng ibang estudyante ay gusto ka niyang kunin."

"Pero bakit?" taka kong tanong sa kanya. "Saka paano kami nakakasigurado sa'yo? Muntik mo na akong saktan, patayin!" bulyaw ko sa kanya.

Napangisi naman ito sa akin, "hindi naman talaga 'yon ang puntirya ko dito na patayin ka."

"Anong gagawin mo kay Xana?" matigas na tanong naman ni Jester.

"Saka niyo na malalaman." Masungit nitong tugon kay Jester at naglakad na lang palayo sa amin. Naiwan na naman muli kaming dalawa ni Jester dito sa hallway na walang katao-tao. Inalalayan na akong makatayo ni Jester.

"Teka lang Xana, wag kang gagalaw." Tumingin ako kay Jester na hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong pagalawin.

"Bakit?" Hindi na niya ako sinagot kundi dinuro na lang ng nguso niya. Napalingon agad ako dun. Isang babae ang puro butas ang katawan na tila kitang kita mo na ang nasa kabilang tanawin doon. May trypophobia ako sa isang ito. Natigil ako sa kinagagalawan ko kahit nangangati ako pinipigilan ko. Masyadong delikado kung mapapalapit kami sa kanya. Iba ito madikit ka lang sa balat niya ay mahahawa ka na rin sa kanya. Nandidiri ako sa tuwing makakakita ako ng ganito. May butas ang mga parte ng katawan at ang mas lalo pa akong nandiri ng may mga bulateng naglalabasan sa mg butas ng katawan niya.

Napalunok laway na lamang ako kahit diring-diri na ako.

Palapit siya ng palapit sa amin. Iniwas ko na lang tingin ko dahil ayokong makita ang mga butas butas niyang katawan. Nakakadiri talaga at masusuka na ako kung hindi ko mapipigilan. Nang makalapit siya, napapikit na lang ako dahil nagsisimula nang gumapang sa buong parte ng katawan niya ang mga bulateng iyon na ang iba pa ay nalalaglag sa sahig.

"WAAAAAAAAH!" Bigla siyang humarap sa mukha ko bigla ko na lang din itong nasampal. Tumayo na kaming dalawa ni Jester. Nahawa na rin ako ng butas nito. Tinignan ko ang kamay ko, nagkakaroon na ito ng maliliit na mga butas, ayokong lumala ito. Nakakadiri sobra!

Nakatingin sa amin itong babae na puro butas halos ang katawan. Nag iibang anyo ito hangga't sa naging halimaw ito. Itinapat ko ang kwintas ko na kusa na siyang naglaho. Nilusaw siya ng liwanag na nanggagaling sa kwintas ko at hindi naituloy ang pagtangkang pagsugod sa akin.

Pero nang mapatingin ako sa kamay ko ay nagsisimula ng lumaki ang mga butas noon at kung hindi pa maagapan ay magkaroon din ng bulate ang mga ito. Ngayon pa lang na naiisip ko ay diring-diri na ako. Naisip ko namang itapat ang kwintas ko doon at nagliwanag muli ito at dahan dahan na nawala ng butas nito at bumalik sa dating anyo ang kamay ko. Tiningnan ko pa ito baliktaran at iba nga talaga ang dalang lakas ng kwintas na ito.

Saan naman kaya nakuha ito ni mama?

"Okay ka na Xana?" nag-aalalang tanong ni Jester. Tumango naman ako sa kanya.

"Tara na!" Hinigit ko ang kamay niya saka kami nagtatakbo. Takbo lang kami ng takbo ni Jester sa hallway. Hindi namin nakikita yung palabas ng pinto. Pabalik balik lang ata kami sa lugar na pinanggagalingan namin.

Napunta kami sa isang hallway kung saan mga sirang locker ang nakapaligid. Mga nagliliparang papel. Sobrang tahimik dito. Tahimik nga nang biglang isang kalabog ng pinto ang narinig namin. Nagtago kami Jester para hindi kami makita kung ano o sino man 'yun.

Naghintay kami kung may lalabas ba mula dito subalit wala. Lumabas kami sa pinagtataguan naming at nagdahan dahan kaming naglakad papasok sa pintong iyon. Hawak hawak ko lang si Jester.

"Mamamatay ka na!" Agad kaming napalingon ni Jester sa likuran namin. Agad kami nitong itinulak papasok sa loob.

Para kaming nahuhulog sa kawalan. Saan kami napunta? At sino ang nilalang na tumulak sa amin? Ayoko pang mamatay. Sari-saring mga nakakapangilabot na tawa na lang ang naririnig ko hanggat sa dahan dahan na pumipikit ang mga mata ko.

The Life Taker (Published by LIB)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα