Prologue

4K 92 7
                                    

Prologue


ISANG misteryo na ang matagal na inaalam. Misteryong kahit kailanman ay hindi makuha kung anong sagot sa mga tanong na kanilang hinahanap. Isang hindi mapaliwanag na pangyayaring bumabalot sa paaralang ito. Paaralan kung saan nanggagaling ang mga misteryong kinatatakutan ng bawat tao. Estduyante o kahit outsider man ng paaralang iyon ay natatakot. Mapadaan ka man lang, papanindigan ka na agad ng balahibo dahil sa tingin mo may sumusunod sayo o nakatingin.

Ano nga bang nangyayari sa paaralang ito?

Simula ng magsimula ang ganitong mga pangyayari sa paaralan ay marami na naging kuro-kuro o mga chismis na kumalat sa bayan patungkol sa nasabing paaralan. Ano nga ba bakit gano'n na lang nila kinatatakutan ang paaralang 'yon?

Hanggat sa mga karumal-dumal na pangyayaring tumambad sa mga estudyante doon. Walang makapaliwanag. Walang may alam. Lahat ay blanko ang pag-iisp at nababalot ng takot ang buong pagkatao. Ni umabot 'yon labas ng paaralan kung saan lubos pa itong kinatakutan. Bakit ka nga ba mag-aaral sa isang paaralan na alam mo namang katakot-takot at may nagpaparamdam pero dahil wala kang mapili at sobrang layo na ng ibang paaralan ay kailangan mong mag-aral doon.

Iyon lamang ang paraan para makatapak ka sa sekondaryang paaralan.

May mga pangyayaring hindi mo aasahan. Walang makakapaliwanag. Takot sa dibdib at kaba ang nararamdaman pero buong tapang na sinusuong ng mga estudyante ang manatili doon sa paaralang iyon.

Ang haka-haka na lamang ng mga tao sa paaralang iyon ay kung may tao ba sa mga nangyayaring iyon. Mastermind? Kung meron, edi sino naman ang gagawa ng mga gano'n na hinding hindi mo kayang makita. Lalamunin ka lang ng takot ko. Masusuka ka na lang dahil hindi mo kakayanin ang makikita mo. Mamamatay ka kasi wala kang alam.

"Magpakita ka na! Alam kong nariyan ka lang!"

Dahil sa mga ganitong pangyayaring hindi inaasahan ng mga estudyante, maging mga guro at principal at ibang staffs maging ang mga janitor at guards ay ipinagpasuspinde ang klase upang matugunan ang misteryong bumabalot sa kanilang paaralan. Kung may tao nga bang gumagawa sa ganitong krimen o kababalaghan. Ngunit bago pa magkaroon ng suspendisyon sa paaralan ay muntik na—muntik nang mamatay ang lahat ng nasa paaralan dahil sa iisang scenario. Ang mga estudyanteng nagbalak maglaro ng spirit of the glass.

"Huwag niyo ako balaking kilalanin, kundi buhay ang magiging kapalit. Nandito lang ako para hanapin siya, para angkinin muli siya!"

At isa, maging sa bahay ay parang sumabit sa mga estudyante ang kamalasan ng paaralan dahil ang mga estudyanteng iyon ay namatay habang tulog. Mas lalong umigting ang katatakutan o hindi maipaliwanag na pangayayaring iyon. Hindi na nila alam kung paano pipigilan ang lahat. Hindi nila alam kung anong gagawin dahil baka isa-isahin din sila.

Kaya ang gawin mo manahimik ka na lang kung ayaw mong sumunod kasama nila. Dahil kung hindi...

"Handa ka na bang mamatay?!"

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now