Chapter 6

1K 38 10
                                    

Chapter 6


XANA

UMAGA ng biyernes ngayon. Maaga talaga akong nagigising kapag ganitong araw talaga. Hindi ko alam kung bakit pero feel ko hindi talaga ako komportable kapag biyernes kasi feeling ko mas lalong silang lumalakas at naglalabasan. Hindi lang talaga ako komportable lalo na kapag Friday the 13th. Nagpaalam na rin naman ako kay mama na papasok na ako sa Impyernong Paaralan na ilang taon ko ring pinagtiyagaan makatapos lang. Tumango lamang sa akin si mama at lumapit. Maya-maya lamang ay may isinuot siyang kwintas sa akin. Pumwesto siya sa likod ko at nang maayos naman 'yon ay humarap ako sa salamin.

Habang hawak ko ang silver necklace na binigay niya sa akin. Napangiti ako dahil ang ganda ng kwintas na ito na may palawit pang hugis tatsulok na bagay.

"Ma, para saan po pala ito?" tanong ko habang hawak-hawak ito. Kung mapapansin din ay may mga maliliit na bato ang nakapaligid sa tatsulok na ito at siyang nagbibigay kinang sa kwintas na ito.

"Kailangan mo 'yan..." buntong hininga pa ni mama. Humarap naman ako sa kanya dahil bakit ko naman ka-kailanganin ang isang kwintas e, alam ko namang pang-kikay lang din ang mga ito. Ang weird. At nang bigla na lang din ako yakapin ni mama ay napangiti na lang din naman ako. "Basta mag-iingat ka lang." Niyakap niya ako. Wala akong ideya sa mga pinagsasabi sa akin ni mama, wala. Siguro sine-secure niya lang talaga ang kaligtasan ko.

Umalis nan a ako sa pagkakayakap sa akin ni mama at nagpaalam na. Ngiti na lang din ang binigay niya sa akin. Annera Etoria, siya ang mama ko. Hindi ko nga alam kung nasaan na ngayon ang papa ko pero kapag tinatanong ko naman sa kanya, ang sinasagot niya lang... kinuha na dawn g demonyo dahil sa ubod ng sama. Natatawa na lang din naman ako sa kanya kasi kung magkwento may biro pang kasama.

Lumabas na ako ng bahay. Tinago ko sa loob ng uniform ko ang kwintas baka pagsamantalahan at hablutin bigla sa leeg ko, mahirap na at baka maputol pa leeg ko sa paghigit. Nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng palda ko at sinagot ito.

"Jester?"

"Wala lang," Agad niya rin itong binaba. Nakakapagtataka naman. Haay, ewan minsan parang may saltik din ito si Jester. Lalo na nung pumunta kami sa templo, kinukulit ko siya tungkol sa pinag usapan nila ng matandang lalaki. Pero ang sinasabi niya lang ay wala daw. Hindi naman daw importante kaya hinayaan ko na lang. Pero kung ano man 'yon? Ano kaya at bakit interesado akong malaman?

Hindi ko rin alam kung paano kami nasundan ni Metria sa templo. Nagulat na lang kami nang kinuha niya sa mga kamay ko ang pulang bagay na iyon na tinatawag ngang Pulang punyal. Hindi ko pa rin alam kung ano ang balak ni Metria sa impyernong paaralan namin. Oo nahalata ko na iyon, dahil sa simula ko pa lang pagkakita may iba na akong naramdaman sa kanya. Hindi ata siya normal gaya ng mga nakakasalamuha kong nilalang.

Naglakad na lang ako patungo sa paaralan. Nang may biglang dumaan sa harap ko na itim na pusa at hindi lang ito dumaan, mismo ang itim na pusa ay nakatingin at nakakatitig ang pulang mata sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil baka mamaya malasin ako. Kapag kasi nadaanan ka ng itim na pusa pwedeng malasin ka sa araw na iyon. Siguro ako, naniniwala ako kahit kaunti pero hindi na ganoon yun. Pusa lamang yan. Pero umaga ngayon, madalas gabi sila naglalabasan. Anong pinapahiwatid no'n, na susunod na ako sa mga mamamatay?

Pagkadating ko sa impyernong paaralan. Isang nakakapanindig balahibo ang bumungad sa akin. Napatulala lang ako at nakatitig dito. Hindi ako makapaniwala na may ganito na namang nangyayari. Isang babae ang nakabigti, hindi ko alam baka binigti o nagbiti. Nakasabit ang mga ulo nito sa isang tali na nasa kisame. Tinitigan ko ito at lumapit baka sakaling buhay pa ito. Parang mga walang malay naman itong mga kasabayan ko na pumapasok at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Ako lang ba nakakakita? Hindi ko maintindihan! Naguguluhan ako.

Dahan dahan naman akong lumapit sa babaeng nakabigti. Nakatingala na ako sa kanya. Bakas sa mukha nito ang higpit ng pagkakatali sa kanyang leeg. Nangingitim ang kanyang mukha. Hahawakan ko sana ang paa nito ngunit may pumatak na dugo sa kamay ko at nang i-angat ko naman ang ulo ko ay nakita kong nakatingin sa akin ang babaeng iyon. Napasigaw na lang ako dahil sa sobrang takot at nagawa pa akong sipain sa mukha nito gawa na matumba ako sa sahig.

"XANA!" Napalingon ako sa lalaking sumigaw at pagkatingin ko ay si Jester iyon. "Anong nangyari?!" Patakbong lumapit siya sa akin at ngayon nahaharangan na niya ang babae na nakasabit.

Pansin ko na may dugo pa rin ang kamay ko. At nang punasan ko naman iyon ng panyo ko ay nawala din naman kaagad.

"Xana, nagdudugo ilong mo!" bigla pa ni Jester at nang hawakan ko nga ito ay may tumutulo nang dugo sa ilong. Agad ko namang tinakpan ang ilong ko gamit ang panyo ko. Dahan dahan naman akong tinayo ni Jester at binasa naman niya ang panyo niya at pinalit sa puro dugo kong panyo.

"Teka lang," pinatabi ko siya at muli kong binalikan ng tingin ang babae na nakabigti sa kisame ngunit pagkatingin ko ay wala na ang babae na nakabigti. Nag iilusyon lang ba ako o sadya silang nagpapakita sa akin. "Nawala siya." Pero bakit ganito ang nangyari sa akin? Lumalala na ata ang sitwasyon.

"Ha? Anong nawala?" Naguguluhang tanong sa akin ni Jester. Hinawakan nito ang kamay ko pero bigla ko itong tinanggal dahil parang may iba akong naramdaman na hindi mo maipapaliwanag.

Naglakad na kami patungo sa silid namin.

"Nawala yung babae." Aniko.

Hindi na ako sinagot ni Jester at pagkapasok namin sa silid ay maingay ang mga kamag aral ko at naririnig ko na may isa kaming kamag aral na binigti. Mas kinagulat ko pa nang malaman kong babae ang tinutukoy nila ay siguro ang nakita ko. Lalo akong pinangalibutan ng balahibo dahil ang kamag aral ko ang nakita ko. Hindi ko siya nakilala doon, Dahil iba na ang mukha nito.

Umupo ako sa upuan ko at nadaanan ko pa ang upuan ni Metria. Wala pa ito sa ngayon.

Mayroon sari-sariling mundo ang bawat isa sa klase. At isa na ako doon. Ang tukuyin kung sino ang may gawa noon.

--^--

DUMATING na rin Metria pero hindi ito nagpatuloy sa upuan niya kundi huminto sa tapat ng pintuan ng silid. Natigil naman ang lahat ng estudyante sa loob dahil nakita na nila ito at kung ano pang tinatayo-tayo ni Metria doon sa pinto na akala mo may binabantaanan na kung sino man. Pero saglit lang at naglakad na rin ito papasok, pinagtitinginan siya ng mga kaklase niya na tila hindi pa rin mapaliwanag kung bakit ganito kamisteryoso ni Metria pero may mga ilan na nahuhumaling sa tindig nito, hindi mo rin naman maitatanggi na ubod ng kakisigan ang isang 'to. Nalaman niya rin ang babaeng binigti na kamag aral nila ay kaklase pa niya. Ngunit wala siyang pakialam dito dahil hindi ito ang pakay niya, pero isa sa mga kagagawan ng Life Taker ito. Sino nga ba ito?

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now