Chapter 11

891 39 16
                                    

Chapter 11


PAKIRAMDAM ko habang nahuhulog ako ay para akong hinahati-hati sa ilang pares at hindi ko alam kung paano mabubuo muli. Hindi ko alam kung saan ako mapupunta o dadalhin ng portal na ito. Nawawala ako. Portal na humigop sa akin at parang pati mga kalamnan ko ay pilit na lumalabas mula sa sikmura ko. Wala akong ideya kung saan ako dadalhin ngayon ng humigop sa aking portal. I don't know what is the feeling of falling in the darkest part of my life. Ngayon lang sobrang gumulo ang mundo ko.

Kung sino man ang sinasabi ni Metria na Life Taker. Ano bang gusto nito sa akin? Kung papatayin ako ng Life Taker na sinasabi nila bakit hindi pa niya gawin at pinapahirapan pa ako ng ganito. Pero bago ako mamatay, gusto ko, gusto ko malaman ang lahat ng likod ng mga nangyayari sa paaralan at maging sa akin. Oh kabilang ang Life Taker na 'to sa mga karumal-dumal na nangyayari.

Hindi ko mapaliwanag ng maayos dahil sobrang gulong-gulo pa ako ngayon. Hindi ko nga alam kung saan ako mapupunta ngayon eh. Lutang na lutang ang pag-iisip ko.

At maya-maya lamang ay naramdaman ko nang lumapag ang katawan ko sa sahig at ang ulo ko ay nakapanig sa lupa at hirap na hirap akong ibangon ang katawan ko.

I felt my body was dead.

Kaya pinilit kong bumangon mula sa pagkakalapag na 'yon.

Ngayon ay nasa kalagitnaan na naman ako ng kadiliman. Walang mga katao-tao, walang kaingay-ingay ni tunog ng mga insekto ay mailap. Tumayo ako sa pagkakabagsak ko. Wala akong naramdamang kahit na anong sakit, ni hindi ko nga naramdaman na bumagsak ako basta ramdam ko lang na nasa lupa na ako. Pero pagbangon ko, ang ganda nang buong katawan ko. Tinignan ko ang mga kamay ko pero parang normal naman ako. Nang tumalikod ako at tumingin sa ibaba.

"Hindi!" Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Namamalikamata ba ako? Pero hindi pwedeng mangyari 'to. Humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.

Tumakbo ako sa nakahalundusay kong katawan. Pero agad agad din itong naglaho na parang abo na nilipad ng hangin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, wala na ang katawan ko. Isa na lang ba akong kaluluwa? Ito na ba ang tamang panahon para kilalanin ang Life Taker? Siguro, ngayon makikilala na kita.

Bago pa ang lahat, agad kong naisip ang kwintas ko. Kinapa ko agad ang leeg ko kung nandito pa rin ba ito, nakahinga ako ng maluwag ng nandito pa nga ito. Hindi pwede mawala sa akin ang kwintas na ito, ito lang din ang mag gagabay sa akin para kilalanin ang The Life Taker. Hindi ako susuko. Kung may way pa para mabuhay at maligtas ang paaralan na ngayon ay kilala bilang impyernong paaralan ay gagawin ko.

May napansin ako sa lugar na parang gumagalaw kaya bigla akong kinabahan sa nangyari. Hinawakan ko lang ang kwintas ko, protekta na rin sa akin. Pero naglaho bigla ang pagkakatakot at pagkakakaba ko nang nag iba ang lugar na ito. Unti unting nagkakakulay at hindi sa katagalan ay nasa isang silid na ako.

Silid ng aming impyernong paaralan.

Nakakapagtaka lang dahil parang pinaglalaruan na lang din ako dito.

Bumalik na ako sa dati pero hindi sa katawan ko. May misyon ba ako ngayon at kailangan kong gawin upang matigil na ang pagkuha ng Life Taker ng mga inosenteng kaluluwa sa estudyanteng ito? Nakaupo lang ako sa isang sulok at walang katao katao dito. Wala din namang makakakita sa akin dahil isang kaluluwa na lang din ako. May isang kalabog ang narinig ko at biglang gumulo ang nakalinyang upuan sa harapan at nagtalsikan ang mga ito. May isang upuan ang papunta sa akin pero umilag ako. Nahihibang na ba ako? Kahit umilag ako hindi ako masasaktan dahil kaluluwa na lang ako, isang hangin.

Bumukas ang pintuan nang wala man lang akong nakikitang nagbubukas. Agad akong lumapit doon at lumapit. Pagkalapit na pagkalapit ko sa pintuan ay agad akong nagtago ng may nakitang akong isang nilalang na hindi ko inaasahan na makikita ko. Actually dalawa sila at pinag aagawan nila ang kaluluwa ng isang babae.

Pakana na naman siguro ito ng Life Taker.

Sumilip ako ng bahagya upang makita ang nagaganap sa dalawang nilalang na iyon. Ang isa ay naglalaway pa na parang sabik na sabik na sa kaluluwa, may mga matutulis itong pangil sa magkabilaan niyang ngipin. Sa tingin ko ang mga kaluluwa ang nagiging hapunan nila kaya ang mga estudyante sa paaralang ito ay pakunti ng pakunti kaya ang nagiging resulta ay ang pagkamatay ng mga ito. Kahit pa lumipat ka ng paaralan tiyak na susundan ka. Hindi ka ligtas kasi kapag pumasok ka na sa paaralang ito parang dala dala mo na ang malas nito. Agad nagsagupaan ang dalawang nilalang na iyon, masyadong malakas ang isang nilalang na sobrang tangkad at may natataglay pa na lakas. Matangkad pero kuba ito.

And I've do the sign of the cross. Maka-iwas man lang sa mga masasamang nilalang na 'yon.

Natatakot ako, kasi anytime pwede nilang kainin ang kaluluwa ko. Kaya bawal ako magpakita at magpahalata sa kanila na isang tao ako. Dahil tiyak na mawawala na ako ng tuluyan. Hindi ko alam kung meron pa talaga akong pisikal na katawan sa lupa pero sigurado ako. Mabuhuhya pa ako.

"MWAHAHAHAHA!!!" Tinindigan ako ng balahibo ng marinig ko ang halaklak na iyon. Napapikit na lang ako.

Ilang saglit lang din naman ay minulat ko na ang mga mata ko dahil napansin ko na ang katahimikan sa paligid. Ano nang nangyari? Binalik ko pagsilip nang bahagya at nakita kong hinihigop na ng matangkad na nilalang ang kaluluwa ng babae. Pagkatapos niyang higupin ay agad din itong naglakad palayo.

Hindi ko kinakaya ang mga nakikita ko ngayon, ganito pala sa mundo nila. Kahit na patay ka na, kahit na mga nakakadiring nilalang ay nag aaway para lang sa kaluluwa. May tanong na naman ako sa isipan ko, paano sila matitigil sa ganitong uri ng pagkitil ng buhay ng mga inosentent tao? May pinuno ba silang sinusunod? Kailangan na talaga itong matigil.

Lumabas ako nang silid, dahan dahan ako kung maglakad. Maingay ang mga paligid tila mga kaluluwang humihingi ng tulong. Wala akong magagawa dahil isang kaluluwa na rin ako. Pero isang boses ang pumukaw sa pandinig ko.

"Jester?" Aniko.

Nanahimik ako at pinakinggang mabuti ang sigaw ng boses na 'yun. "Hindi!!! Tulungan niyo ako!" Hindi ako nagkamali kay Jester nga nang gagaling ang boses na 'yon pero paano siya napunta dito? At saan ko naman siya hahagilapin kung nandito siya. Natataranta na ako. Ang daming posibilidad na may mangyaring masama sa akin, hindi lang sa akin kundi pati kay Jester.

Agad kong pinuntahan ang silid kung saan nanggagaling ang boses niya. Sumilip ako sa pintuan dahil may transparent na salamin ito para makita ang loob ng silid. Pero kung minamalas nga naman. Nakita pa akong ng nilalang na 'yon. Mapupula ang mga mata at sobrang puti ng kulay niya.

"Xana! Tumakbo ka na!" Sigaw ni Jester ng makita rin ako.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Kundi tumakbo na ako, paano ko malalaman kung sino may kagagawan nito kung sa bawat minuto ay may gustong kumain sa akin. Hindi ko na naman nailigtas si Jester. Pasensya na!

Maiiyak na rin ako kung ganito na lang lagi ang mangyayari sa akin. Tatakbo at tatakbo na lang ako ba ako dito at papatunayan na may forever... sa pagtakbo at pagtakas? Sana hindi.

"Metria, tulungan mo ako..." humawak ako sa kwintas at pumikit habang tumatakbo. "Sana, marinig mo ang boses ko..." Minsan lang ako humingi ng tulong, sana hindi niya ako saktan. Kasi kahit alam kong gusto niya akong saktan no'n, alam kong matutulungan niya pa rin ako.

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now