Chapter 13

763 27 4
                                    

Chapter 13


HINDI ako mapakali sa lugar na ito kahit alam kong nasa impyernong paaralan pa rin kami pero hindi e, ibang iba. Pabalik balik ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako komportable sa mga nakikita ko at naririnig. Walang normal na nilalang dito bukod na lang kay Jester na kaluluwa na lang din. Hindi namin alam kung paano pa kami makakabalik sa dati naming mga katawan na kitang kita ko naman na kung paano naglaho ang mga ito.

"Ano ba Xana, nahihilo ako sayo." Napatigil ako sa paglalakad ng biglang nagsalita si Jester na parang ewan at bigla na lang akong sinigawan.

"Gusto ko nang umuwi." Buntong hininga ko pa.

"Bakit ginusto ba natin na manatili na lang dito hanggang gabi, hindi diba?" Dagdag ni Metria na noo'y nakapikit ang mga mata at mukhang natutulog. Nagising siguro sa biglang pagsalita si Jester.

Lumingon ako kay Metria. "Wala ka bang gagawin para makaalis tayo sa lugar na ito?"

Dumilat ang mga mata niya at bigla siyang tumayo. "Gaya nang sabi ko kanina, maghihintay tayo ng gabi. Kung hindi ka makakapaghintay, mauna ka na at siguraduhin mong makakauwi ka ng buhay at makakabalik sa sarili mong katawan na buong-buon." Hindi ako natatakot sa mga pinagsasabi niya. Ayaw niya lang talaga siguro kami makauwi ni Jester kaya dito kami pinapalipas ng oras.

Hindi ko na lang pina-iigting ang takot na nadarama ko dahil kapag lumala pa kung ano pang mangyari sa akin ngayon. Delikado na.

Hindi ko alam na aabutin pala ako sa ganito. Akala ko makikita at masisilayan ko lang ang mga 'yon pero ngayon ako na ang nakakaranas ng mga 'yon, na pinaghahabol ng mga nilalang na gustong pumatay sayo at bawiin ang buhay mo sa hindi moa lam na dahilan. Lahat ng 'yon, hindi ko naman ginusto pero ito ako ngayon, naka-kulong sa isang pangyayaring hindi ko alam kung paano makakawala.

Ano bang gagawin ko?

Mukhang maging matitigas din si Metria. At kung hindi naman kami kikilos anong mangyayari sa amin? At oo nga pala, di hamak na wala lang kami. I mean, normal lang kami, may tinataglay na lakas si Metria. Kwintas lang ang meron ako. Wala pa ring saysay 'yon dahil mas malakas si Metria.

"Aalis ako sa lugar na ito!" napalingon naman kaming dalawa ni Metria kay Jester at sinundan ko na lamang ng tingin 'to habang tumatayo. "Xana tara na!"

"Ayoko." Narinig kong ngumisi si Metria na lalong ikinakulo ng dugo ko.

"Magsama kayong dalawa!" Padabog akong umalis sa kanilang harapan. Walang mga ginagawa, wala akong pakelam sa mga pinagsasabi niya kasama ko ang kwintas ko at hindi ako mapapahamak dito.

Bahala silang dalawa na magtalo doon. Bahala sila, gagawa ako ng paraan para makaalis dito.

Naglakad ako palayo sa kanila. Pero habang palayo ako sa kanila ng palayo bumibigat ang nararamdaman ko. Nahihirapan akong huminga. Napahawak ako sa dibdib ko, na ngayon ay nahihirapan nang maka inhale ng hangin. Napaupo na lamang ako sahig. Nasilaw ako sa reflection nang sinag ng araw kaya napapikit ako. Malayo pa ang gabi at hindi na ako makakapaghintay pa sa lugar na ito.

Nang ipikit ko saglit ang mga mata ko at pagmulat ko ay nasa ibang lugar na naman ako.

"Nasaan ako?" Sambit ko nang makita ko ang kapaligiran ko. Nang inspekyunin ko ang paligid ko ay napagtanto ko na kung nasaan ako. Pero bakit ako napunta dito? Nang gano'n kabilis? Wala naman akong nilabasanna pinto o kahit ano. Paano nangyari 'yon?

Obvious syempre, kaluluwa ako, tatagos talaga ako sa dingding pero bakit hindi ko naramdaman man lang kung gano'n diba? Nakakapagtaka.

Nasa labas kasi ako ng paaralan sa tapat ng gate namin. Wala na rin ang bigat ng pakiramdam ko at maluwag na rin akong nakakahinga at maayos na ang circulation ng paghinga ko.

Nakarinig ako nang boses ng mga batang babae na naglalaro at mukhang masaya pero hindi ko sila nakikita, mukhang nasa paligid-ligid lang ang mga 'yon. May nakita akong isang babaeng nakatayo sa saradong gate ng paaralan. Lalapit sana ako nang bahagya sa kanya ng bigla itong maglaho kasabay ng hangin. Kinakabahan ako bigla at napa-atras na lamang. Hindi pa ako nasa mundo nang mga normal na tao, nasa dimensyon pa rin ako nang mga nilalang na ito. Nag iba lang ang paligid at napunta ako dito.

Hindi naman pala delikado masyado dito, delikado lang talaga kapag gabi. Gaya ng sabi ni Metria.

Bigla akong napa atras nang bigla na lang may sumulpot sa harap ko na isang babaeng ang mga buhok ay nasa harap "Sadako?!" sigaw ko na lamang dahil nakayuko ito at sobrang itim ng buhok nito na tumatakip sa kanyang mukha.

Nang mabanggit ko 'yon ay agad akong nitong sinampal. Ay close kami? Kaya nananampal? Agad nitong pinakita ang duguang mukha kaya napa atras ako. Pero sa kabila ng pag atras ko ay may nabunggo ako, kaya napilingon ako rin ako dito.

Isang matangkad na lalaki. Hindi ako namamalikmata! Ito ang nilalang na kumain ng kaluluwa ng isang estudyante. Kinakabahan ako. Ano nang gagawin ko? Pinapaligiran na nila ako.

Tumakbo ako palayo sa kanilang dalawa pero sa pagtakbo ko ay may mga humarang sa akin. Hindi lang iisa kundi nasa isang daan ang mga ito kung tama sa nakikita ko ngayon. Pinalibutan ako nang mga ito, sari-sari ang mga nilalang na ito at lahat sila ay may kakaibang presensya at lakas na pinapakita. Lahat sila ay nakatingin sa akin at sabik na sabik sa kaluluwa ko. Ano nang gagawin ko?

Wala akong magagawa dito. Metria nasaan ka na ba?

Hinawakan ko ang kwintas ko dahil alam kong ligtas ako sa bagay na ito. Pumikit ako at hinawakan ito "Vaoepo laceo, only hope, power of one, give your strength and protect one greatness." At napadilat na lamang ako sa mga salitang binigkas ko.

Ilang segundo kong pinakiramdaman.

Walang nangyari. Lahat sila ay palapit na nang palapit sa akin. Napaupo na lang ako sa sahig. Akala ko pa naman ay maiiligtas ako ng kwintas ko na ito sa lugar na ito pero nagkamali pala ako hindi pala.

Lahat sila ay nagsilubusan na sakin at ako naman ay walang magawa kundi tingnan ang mga mukha nilang sabik na sabik sa akin. Pero may bigla akong naramdaman na hindi ko alam. May kung anong sa sistema ko na hindi ko mapigilan. Uma-aray na ako sa nangyayari ngayon sa akin hanggang sa magsisigaw-sigaw na lang ako sa nangyari sa akin.

Tumayo na lamang ako at matatalas ang mga tingin ko sa mga nilalang na palapit sa akin.

Parang isang iglap lamang ay sinusugod ko na lang silap pero hindi ko alam pero bigla bigla na lang din inatake ng katawan ko ang mga nilalang na ito.

Lahat sila.

Lahat ng nilalang na ito.

Walang naitira ni isa man lang.

Napahawak ako sa noo ko at pakiramdam kong mawawalan ako nang malay. Huminga ako nang malalim at pagkalabas ko nang hangin sa aking bibig at tuluyan na akong bumagsak sa lupa.

Sabi ko sa inyo, kaya ko ang sarili ko... 

The Life Taker (Published by LIB)Where stories live. Discover now