"Huy Espanto!" sigaw niya habang hinahabol ako pero hindi ko ito nililingon.

Naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod kaya napatigil ako.

"Masyado ka namang matampuhin." sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.

"Bitawan mo nga ako." inis kong sabi sa kaniya habang tinatanggal ang kamay na nakapulupot sa akin.

"Ayoko." tugon nito.

"Abrianna!" sigaw ko dito pero tumawa lang siya.

"Naniniwala ka din pala sa spark." sabi niya habang tumatawa pa din.

"Shut up, Abby." inis kong tugon.

"Aw. Na-shut up pa ako." sabi nito pero tumatawa pa rin.

"Bitawan mo na kasi ako." saway ko ulit dito.

"Okay. Sabi mo eh. Sige bibitawan kita ah. Pero hindi ibig sabihin nun, papakawalan na kita." tugon niya sabay bumitaw na mula sa pagkakayakap sa akin.

"Huh? Hindi ko gets." nagtataka kong sabi nang makaharap siya.

"Alam mo, ang dami mo pa kasing sinasabi. Bakit mo na lang idiretso diba?" sabi niya.

"Paano ko idi-diretso---"

"Sabihin mo lang kaagad na gusto mo ako. Ganun lang. Wala nang patumpik tumpik pa." sabi nito na ikinabigla ko.

"A-Abby?"

"Kasi ako, gusto din kita. Hindi ko na kailangan pang simulan pa sa kung kailan kita unang makita hanggang makaramdam na ako nang kakaiba. Kasi simula pa lang nang makita kita sa covered court ng school natin habang suot suot at ang puting sumbrero habang nakatungo, alam kong ikaw na...ikaw na talaga." sunod sunod niyang sabi na dahilan para mas matigilan ako.

Iba din talaga ang fighting spirit nitong babaeng 'to! Kaya ko 'to nagustuhan eh.

Magsasalita pa sana siya nang bigla ko siyang niyakap nang mahigpit. Alam kong nabigla din siya pero yumakap din naman ito kaagad pabalik.

"I love you." bulong ko dito habang nakayakap sa kaniya nang mahigpit.

Tahimik lang siya habang nakayakap sa akin at hindi nagrespond.

"Huy. Wala ka man lang sasabihin? Wala man lang I Love You Too?" tanong ko dito.

"Tsaka na yun, kapag tayo na." natatawa niyang tugon.

"Huh? Bakit? Hindi pa ba tayo?" nagtataka kong tanong dito.

"Aray!" reklamo ko matapos niyang mahinang suntukin ang tiyan ko.

"Hindi ka pa nanliligaw noh. Anong akala mo sa akin, easy to get?" tugon niya.

Natawa lang ako at mas hinigpitan pa ang yakap ko sa kaniya. Ang sarap nung feeling na mayakap mo ang taong kumumpleto sa nasira mong puso.

Nakita ko si Macey na nakatingin sa amin at nginitian niya ako. Nagthumbs up naman ako at nginitian rin siya pabalik.

Narinig kong nagtitilian at nagsisigawan na ang mga kasama namin at pumapalakpak pa. Natawa lalo ako at the same time, nahiya dahil pinagtitinginan na rin kami ng iba pang tao sa park. Pero hindi ko dapat ikahiya ang taong yakap yakap ko ngayon.

"Pwede mo na akong bitawan." rinig kong sabi niya at sinunod ko ito.

"Muntik na akong hikain dun ah." sabi niya nang matapos kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Baliw." natatawa kong sabi at ginulo ang kaniyang buhok.

"Darren..." sabi niya.

"I love....myself, too!" pang-aasar niya sabay ginulo ang buhok ko at tumakbo.

"Hay naku, Abrianna!" inis sabi sabay hinabol siya.

• • •

Thank you po sa 6k reads! Labyu all! 💚

TW/IG: @tsinigowden
YouTube: Tsini Gowden

EscapeWhere stories live. Discover now