35 • Mutual

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sige." tugon nito.

Huminga ulit ako nang malalim. At inisip kung paano sisimulan. Bakit ganun? Nung nagconfess naman ako kay Macey, hindi naman ganito kaba ko ah.

"Naaalala mo pa ba yung mga panahon na kinukulit kulit mo pa ako nung una pa tayong magkita? Nung palagi kitang sinusungitan, yung mga pagkakataon na gusto kitang iwasan at ipagtabuyan dahil sa kakulitan mo----"

"Huy teka, grabe ka! Hindi naman ako masyadong makulit ah!" sabat niya.

"Ssshhh. Diba sabi ko, bawal ka pang magsalita hangga't hindi ko sinasabing pwede ka nang magsalita?" paalala ko dito.

"Eh kasi nama----"

"Walang kasi kasi. Patapusin mo muna ako please. Baka mamaya wala na akong lakas ng loob." sabi ko dito.

Tumahimik na lang siya at parang nag-aabang na ipagpatuloy ang sinasabi ko.

"Aaminin ko, noong una...ayoko talaga sa'yo." pag-amin ko.

"Wow. Mas ayaw ko naman sa'yo lalo noon." inis na sabi ni Abby.

"Abby naman eh." saway ko dito.

"Okay. Sorry na. Sige, ituloy mo na." aniya at nanahimik na ulit.

"Pero nung nagtagal, nagugustuhan na kita---I mean, ano...Yung nasasanay na ako sa kakulitan mo...yung tipong kapag hindi mo ako kinulit sa isang araw, namimiss kita agad---ibig kong sabihin, namimiss ko agad yung kakulitan mo, ganun." nauutal kong sabi.

Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko itong tumawa nang mahina.

"B-Bakit?" nagtataka kong tanong dito.

"Wala. Natatawa lang ako. Sige na, ituloy mo na." natatawa niyang tugon.

"Bakit ka natatawa?" tanong ko.

"Wala nga. Ituloy na nga!" sagot niya na halatang pinipigilan pa rin ang pagtawa.

Umiwas na lang ulit ako ng tingin dito at ipinagpatuloy ang gusto kong sabihin.

"Nung nakilala kita, yun din yung panahon na down na down pa rin ako dahil sa pagkawala ng parents ko. Dagdag pa na iniwanan ako ni Macey noon. Wala nga dapat akong balak na pumasok sa school eh pero hindi ko din alam kung bakit ko naisipang pumasok...baka dahil sa'yo." seryoso kong pagkukuwento.

Tumingin ako sa kaniya at nakatingin lang ito sa akin nang seryoso rin.

"Naalala mo yung sumemplang ka sa bike mo dati? Nung tinulungan kita...may naramdaman akong kakaiba dun eh." pagpapatuloy ko.

Nakita kong kumunot ang noo nito at halatang nagtaka sa aking tinuran.

"Yung s-spark? Hindi mo b-ba naramdaman? A-Ako lang ba ang nakaramdam?" tanong ko sa kaniya.

"Wala naman akong naramdaman na spark nun ah. Tsaka naniniwala ka sa spark?" natatawa niyang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin. Diba dapat kinikilig siya? Bakit iniinis niya pa ako?

"Bahala ka nga diyan." inis kong sabi sabay tayo.

"Huy! Ang pikon mo naman." rinig kong sabi niya pero hindi ko 'to pinansin at naglakad palayo sa kaniya.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon