Special Chapter

3.6K 80 4
                                    


A/N: Oh. Para sa mga naghahanap kay Zeke mylabs. Eto na siya,ginawan ko ng SPECIAL CHAPTER. HAHA!

Special Chapter

Zeke's POV

Matapos ang lahat ng nangyari,naging maayos na ang lahat. Parang bumalik na sa normal,wala ng gulo na nangyayari.

Sa ngayon,masaya ako at may mga kaibigan ako na kagaya nila Xai. Yung tanggap ako kahit pa marami akong atraso sakanila.

Tsaka,tanggap ko narin na sila na talaga ni Pierce. Stay strong nalang sakanila. HAHA!

Si Dad at Kane? Ayun,nakakulong na sila. Pagkatapos nung nangyari hindi ko pa sila nakaka-usap kaya naman napag-isipan ko na dalawin sila sa presento.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Brendon saakin.

Nasa iisang bahay kaming nga lalaki nakatira. Yep. IISANG BAHAY. Pinagawa namin 'to 4 months ago.

"Sa presento.." sabi ko sakanya. Napatingin naman saakin sila Nixon.

"Sure ka na ba?" Tanong ni Pierce.

"Yep. Eto narin siguro ang tamang panahon para makapag-usap kami ng maayos." Sabi ko sakanila.

Ngumiti naman sila at tinapik ako sa balikat.

"Go. Kaya mo yan,good luck!" Sabi naman ni Tyler. Ngumiti naman ako at nagpaalam narin sakanila.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa kotse.

Patulog lang ako sa pagmamaneho ng biglang may tumawid na babae!

"WADAPAK!" Malakas na mura ko sa loob ng sasakyan.

Mabuti nalang at mabilis akong napa-preno kaya hindi ko nasagasaan ang babae!

Dali daling akong bumaba ng sasakyan!

"MAGPAPAKAMATAY KA BA?!" Singhal ko sakaniya.

Agad naman siyang tumayo sa pagkaka-upo at tinignan ako ng masama.

"HINDI PA NAMAN! ANG TANGA MO KASI AT SASAGASAAN MO AKO!" sigaw naman niya saakin!

"HA! SINO BA KASI 'TONG TATANGA-TANGA NA TATAWID SA GITNA NG HIGHWAY? HA?!" Sigaw ko pa sakanya.

Bigla naman siyang ngumisi,at mabilis na lumapit saakin.

Napakurap-kurap naman ako.

"Sayang,gwapo ka pa naman sana,ang sungit mo lang. Tsktsk." Bulong niya at agad na hinalikan ako sa LABI!

WADAPAK?! o____O!

"Bye!" Nakangising sabi niya at dali daling tumakbo paalis.

Ako naman,tulala dahil sa nangyari. Nagulat nalang ako ng biglang may bumusina at doon lang ako nakabalik sa katinuan!

"SHIT!" Mura ko pagkapasok sa loob ng sasakyan at napa-kapit pa sa labi!

"Patay ka saking babae ka kapag nakita kita!" Nanggigigil na sabi ko sa sarili ko.

Ipinagsawalang bahala ko na muna ang nangyari at dumiretso na sa presento.

"I'm sorry,Zeke. Sorry sa lahat ng ginawa ko sayo, anak." Sabi ni dad habang naka-yuko sa harap ko.

"Anak? Ha! Bakit ba kahit ang iligtas ang mommy at kuya ko ay hindi mo nagawa? Nasaan ka ba ng mga panahong yun? Ha?!" Tanong ko sakanya.

"Sorry. Nung mga panahon na yun nasa hospital ako. Sinugod kasi ng mga oras na yun si Kane sa hospital dahil inaapoy siya ng lagnat." Paliwanag niya.

"Wow! Sarili mong pamilya,hindi mo nagawang iligtas ni ang madala sa hospital! Pero yung anak mo sa labas,nagawa mo?! Wow! Just wow dad!" Sabi ko at agad na tumayo at tumalikod sakanya.

"Sorry. I'm so sorry,son! Sana mapatawad mo ako." Rinig kong sabi niya pero umiling nalang ako.

Siguro nga,hindi pa ito yung tamang panahon para mapatawad ko sila ni Kane pero alam kong darating din yung time na mapapatawad ko sila.

Hindi ko na nagawang maka-usap si Kane.

Lumabas ng presento at dumiretso sa Mall. Magpapalamig muna ako ng ulo.

Pagkapasok ko sa Mall dumiretso muna ako sa Time Zone. Naglaro muna ako ng ilang saglit at umalis narin ako.

Habang naglalakad,nagulat ako ng may bumangga saakin!

"Araaay!" Sabi nung babaeng nakabungo ko.

'Pamilyar ang boses ah?'

"Ano ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo?!' Singhal niya saakin at agad na tumayo sa pagkaka-upo.

"IKAW?!" Sabay na sabi namin.

Bigla naman siyang napangisi.

"Ikaw ha! May gusto ka ata saakin? Kanina mo pa ata ako sinusundan ah?" Nakangising sabi niya. "Pero sorry,wala pa akong time para makipag-date sayo lalo na ngayon at may mga humahabol saakin. Kaya next time nalang! Bye!" Sabi niya at mabilis akong hinalikan sa labi bago tuluyang tumakbo papalayo!

'Nakakadalawa na yun ah!'

"CRISTINA RAFAEL! BUMALIK KA DITO!" Rinig kong sigaw nung lalaki sa tapat ko at agad na hinabol yung babaeng humalik saakin.

"Cristina Rafael huh? Patay ka talaga saakin kapag nahanap kita." Nakangising sabi ko sa sarili ko at agad na umalis ng Mall.

----------------*

A/N: Owkaaay! Hanggang diyan nalang siya! Hehe. ^^v Okay ba? HAHA.


PLEASE DO VOTES,COMMENTS AND FOLLOW!! :)

- Tim <3

Carmen University (COMPLETED)Where stories live. Discover now