Chapter 31: The Truth (Part III)

3.3K 112 1
                                    


Chapter 31: The Truth (Part III)

Zeke's POV

Umalis na ako kung nasaan si Daddy. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Gusto ko ng umalis dito. Tsk.

"DAMMIT!" Inis na sigaw ko.

"Zeke" bigla akong napatingin sa taong tumawag sa pangalan ko.

"Nixon" bangit ko sa pangalan ng taong tumawag sa akin.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong nito saakin. Nagtatakang tinignan ko naman siya.

"Tungkol saan naman?" Balik na tanong ko.

"Tungkol sa nangyayari." Tipid na sabi nito.

Alam ko na ang tinutukoy niya.

"Sige" Sang-ayon ko.

Naglakad siya papunta sa dorm nila ni Pierce at sumunod naman ako.

"Alam kong ayaw mo sa mga nangyayari ngayon,lalo na ang ginagawa ng daddy mo,kaya hhihingi sana ako sa ng pabor." Panimula niya.

"Pabor?" Takang tanong ko sakanya.

"Maaari mo bang sabihin saamin ang mga nalalaman mo sa mga gawain ng Daddy mo?" Tanong niya at pagkatapos ay lumapit sa Laptop niya at parang may tinatawagan.

"Agent Eagle,kasama ko ngayon ang anak ni Roberto Black na si Zeke Black." Sabi nito at inilapag ang Laptop sa table.

Bigla naman akong napatingin sa lalaking nasa screen. Biglang napakunot ang noo ko ng makilala kong sino ang lalaking ito.

"PO1 Almir Brint?" Kunot noong tanong ko dito.

"Ako nga,Zeke." Nakangiting sabi nito.

"Anong...?" Di'ko na natapos ang sinasabi ko dahil biglang nagsalita si Mr.Brint.

"Alam kong nagtataka ka kaya hayaan mo akong magpakilala. I'm PO1 Almir Brint. At kilala ding Agent Eagle sa Blue Agency. At ngayon,maaari ko bang mahingi ang kooperaasyon mo sa kasong 'to?" Paliwanag niya saakin at ilang sandali pa bago ako nakapag-salita.

"Opo. Tutulong ako sainyo." Sabi ko sakanya. Buo na ang desisyon ko. Tutulong ako sakanila at para narin matapos na ang kahibangan ni Daddy.

Ilang minuto pa kaming nag-usap ng biglang may pumasok sa kwarto at nagulat ako sa nakita ko..

"Queen?"

Xairene's POV

"Grabe. Hindi ko alam na ganito pala kasama si Admin!" Bulong ni Maxima habang nakatingin sa loob ng Bldg. E.

"Kaya nga diba ang sabi 'Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo?' Kaya dapat hindi muna tayo maniwala sa mga nakikita natin!" Bulong naman ni Lindsey.

"Paano yan? Paano natin mapipigilan ito?" tanong naman ni Tyler.

"Hindi muna ngayon. Kelangan pa nating pagplanohang mabuti ang gagawin natin." Sagot naman ni Brendon.

"Tara na." Sabi ko sakanila. "Kelangan na nating umalis at baka may makakita saatin dito." Dagdag ko pa at tsaka kami dahan dahang umalia doon.

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ni Tyler.

"Babalik na tayo sa dorm at magpapanggap na wala tayong nakita,wala tayong alam." Sabi ko sakanila.

Aalis na sana kami ng may makita kaming dalawang tao sa unahan namin.

"Shaira?" Gulat na sambit ko. Pero mas lalo akong nagulat ng makita kong sino ang naka-alalay sakaniya.

Carmen University (COMPLETED)Where stories live. Discover now