Chapter 11: Rebel Blood Warriors vs Cold Bloody Warriors

4.1K 121 1
                                    


Chapter 11: Rebel Blood Warriors vs Cold Bloody Warriors


Xairene's POV


Matapos ang klase nauna na akong lumabas ng Room para hanapin si Zeke.


Habang naglalakad bigla akong napatigil ng marinig ang usapan ng tatlong studyante na nakakuha ng atensyon ko..


"Girl! May laban daw mamaya ang Rebel Blood at Cold Bloody Warriors?!"


"Oo daw eh! Nuod tayo?!"


"Waaah! Makikita ko ulit si King! *o*"


"Oo nga eh! Pero teka! Saan daw ba gaganapin?"


"Edi san pa? Edi dun sa Secret Arena ng School na 'to!"


'Secret Arena huh?' Sabi ko sa aking isipan.


"Talaga?!"


"Oo! Kaya tara na! Balik na tayo sa Dorm"


Aalis na sana sila ng bigla akong humarang sakanila.


"Saan ang Secret Arena?" Tanong ko sakanila.


"Huh?" Nagtatakang tanong nung isang babae.


"Saan kako ang Secret Arena na sinasabi niyo?" Ulit ko sa tanong ko at tinitigan siya. Mukha naman siyang natakot kaya sinabi din.


"A-ah eh.. Dun yun sa may likod ng gym" sabi niya kaya binitawan ko na at dali dali naman silang tumakbo paalis.


Naglakad narin ako paalis para pumunta sa Dorm at wag ng hanapin si Zeke.


Habang naglalakad di ko maiwasang mapaisip..


'Kakaiba talaga ang paaralang ito. Di ko inaakala na may Arena pala dito. Hmm. Ano pa ba ang meron dito bukod sa mga natuklasan ko na?'


Habang naglalakad papuntang Dorm nakita ko si Mr.President.


"Hey Mr.President." bati ko dito pero di ako pinansin kaya naglakad nalang ulit ako.


"Sungit.Tsk." bulong ko pa.


Nakita ko si Tyler kaya tinawag ko siya.


"Ty!" Tawag ko sakanya.


"Bakit Xai?" Tanong niya ng makalapit ako sakanya.


"May lakad tayo mamaya. Dating oras at dating tagpuan." Sabi ko sakanya kaya nagtaka naman siya.

Carmen University (COMPLETED)Where stories live. Discover now