Chapter 10: SSG President

3.8K 116 1
                                    


Chapter 10: SSG President


Pierce's POV


Matapos ang nangyari tahimik parin ang buong cafeteria. Gulat sa kanilang nasaksihan..


'Kakaibang babae ka talaga Xai' sabi ko sa isipan ko.


Napatingin naman ako kay Zeke na hanggang ngayon nakaupo parin sa sahig.


Bigla akong napangisi.


'Babae lang pala ang katapat mo' sabi ko pa sa isipan ko.


Nagulat nalang ang lahat ng biglang sumigaw si Zeke.


"DAMN THAT GIRL!" Galit na sigaw niya sabay alis sa cafeteria.


Pagkaalis ni Zeke bigla na ulit nag-ingay ang paligid.


"Grabe! Napatumba si Zeke ng isang babae?!"


"Bat di lumaban si Zeke?"


"Rank 3 pa naman ang gang nila tapos napatumba siya ng ganun kadali?"


Yan ang maririnig mong bulungan sa buong cafeteria.


Malaking kahihiyan yun para kay Zeke. Bakit? Simple lang,sila ang nasa RANK 3 at matatalo siya ng ganun ganun lang na babae? Tsk. Haha.


Napailing nalang ako. 


Maglalakad na sana ako paalis ng biglang may lumapit sakin.


"Whoa! Nice tol!" Natatawang sabi ni Darius ng makita ang itsura ko.


Tinignan ko lang siya ng masama pero lalo lang silang nagtawanan.


"Sige na. Maya nalang tayo mag-usap usap. Baka may makakita pa satin." paalam ko sakanila.


"Ge" sabi naman nila.


  Umalis na ako dun at naglakad na patungong C.R. 

 

Di kami masyadong nag-uusap-usap kapag maraming tao. Baka magtaka sila na kakilala ko ang Dark Phantom at Rebel Blood Gang.


*


Pagkatapos kong mag ayos ng sarili dumiretso na rin ako sa Room. Tsk. Di na ako nakakain. -.-


Pag dating ko ng Room napansin kong wala si Flat kaya nilapitan ko si Lindsey na isa sa mga kaibigan niya..


"Nasan si Flat?" Tanong ko sakanya pero mukhang naguguluhan.


Carmen University (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ