Chapter 19: Kyle Mikael

3.6K 106 0
                                    


Chapter 19: Kyle Mikael


Xairene's POV


Nasa room na ako pero hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko kung sino ang pumatay kay Tricia.


Sino nga ba ang gagawa nun? Sino nga ba ang taong nasa likod ng pagkamatay niya?


Yan ang mga katanungang bumabagabag sa akin. Oo, alam ko na hindi kami close at lalong hindi kami magkakilala ni Tricia pero utang namin sakanya ang buhay ni Maxima dahil kung hindi niya sinabi nung araw na yun ang nangyari kay Maxima panigurado akong patay na sana ngayon si Maxima. Kaya nga ngayon gumagawa kaming lima ng paraan para malaman kung sino nga ba ang pumatay sakanya.


At ngayon ngang may natangap akong sulat nagbabakasakali ako na totoo yun at hindi prank.


"Ayos ka lang?" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa gilid ko kaya napalingon ako bigla. Nagulat ako ng makita si Nerd sa tabi ko at nakatingin sa akin kaya bigla akong napaiwas ng tingin dahil sa mga tingin niya..


"Ahh. Oo. Ayos lang ako" sagot ko sabay ayos ng upo at tikhim.


"Buti naman. Akala ko kasi may problema ka eh" sabi niya pero di ko na siya pinansin at nagkunwaring nagsusulat.


Sht. Kelan pa ako nagka-interes na magsulat? -.-


"Nabalitaan ko yung nangyari kanina dun sa studyanteng pinatay. Sino kayang g*g* ang gumawa nun noh? Walang puso. Tsssk." Kwento niya pa saakin.


Wala talagang puso ang gumawa nun. Dahil di mo mababasa ang isip ng mga studyante dito. Di mo alam kung sino sakanila ang maaaring may gawa nun.


Di ko ulit siya pinansin kahit salita pa siya ng salita diyan sa tabi ko.


Wala ako sa mood para makipag-usap sakanya.


"Uy Flat. Pansinin mo naman ako" pangungulit niya pa.


Fvck. Bat ba kasi ang kulit ng NERD na 'to?! Argh!


"Siguro galit ka kasi di ako pumasok kahapon at di nagpaalam sayo? Sorry na. May ginawa lang akong importante eh." Paliwanag niya sa akin.


Bat ba siya nagpapaliwanag?! Eh di ko naman kelangan ng paliwanag niya?! Argh!


Dahil sa inis nilingon ko siya.


"Ano ba?! Di ka ba titigil diyan sa kadadaldal mo?! Alam mo bang kanina pa ako naririndi?!" Sigaw kp sakanya..


Bigla akong napatingin sa mata niya.


Shit. Bat ang ganda ng Dark eyes niya? Kaya ba 'Dark' ang codename niya eh dahil sa mga mata niya?


Carmen University (COMPLETED)Where stories live. Discover now