Chapter 24: EndMira vs. Cold Bloody Warriors

3.5K 104 4
                                    


Chapter 24: EndMira vs. Cold Bloody Warriors


Xairene's POV


Pagbalik namin ng Room nanduon na si Shaira pero mukha siyang di mapakali dahil parang balisa siya at pinagpapawisan.


"Anong nangyayari sakanya?" Tanong ni Brendon saamin.


"Ewan. Tara." Sabi ko kaya nilapitan namin si Shaira.


"Shai,ayos ka lang?" Tanong ni Maxima ng makalapit kami kay Shaira.


"A-ah. O-oo" utal utal na sabi niya at di siya makatingin sa amin.


"Sure ka?" Paninigurado ni Brendon. Concern ang loko.


"Oo. A-ayos lang ako." Sabi niya pa at ngumiti ng pilit.


Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating ang prof namin.


"Basta magsabi ka lang kung may problema." Sabi naman ni Lindsey kaya tumango lang siya bilang tugon.


Naupo narin kami sa mga upuan namin.


*


Shaira's POV


Hanggang nagyon di parin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung sasabihin ko ba kela Xai o hindi.


Ano nga ba ang nangyari?


*Flashback*


Nagpaalam ako kela Xai dahil pinatawag ako ni Mrs.Esquivel sa office niya. Hindi ko alam kung bakit.


Pagdating ko sa opisina niya kakatok na sana ako pero may narinig akong nag-uusap kaya di ko naituloy ang pagkatok na gagawin ko sana.


"Grabe Mr. Black! Ang ha-high quality ng mga drugs na 'to! Tamang tama 'to sa gagawin nating experimento!" Parang natutuwang sabi ni Mrs. Esquivel.


Bigla naman akong natigilan sa narinig ko.


D-drugs? At a-anong experimento?


Nasagot ang mga katanungan ko ng biglang magsalita si Admin.


"Haha! Tama ka diyan Mrs. Esquivel. Lalo na at sariwa pa ang mga bangkay na page-experimentuhan." Sabi naman ni Admin at nagtawan sila na parang mga baliw.


"Saan nga pala gagawin ang page-experimento,admin?" Maya mayang tanong ni Mrs.Esquivel kay Admin.


"Mamayang gabi. Sa may bakanteng Room ng Bldg E." Sabi ni Admin.


Carmen University (COMPLETED)Where stories live. Discover now