Chapter 33: The End

3.4K 89 2
                                    


Chapter 33: The End

Xairene's POV

"Handa na ba ang lahat?" Tanong ko sakanila.

"Oo." Sabi ni Brendon "Pero hindi pa lahat ng studyante ay nakakalabas." Dagdag niya.

"Kung ganun,bantayan sila para hindi sila madamay sa gulo mamaya." Sabi ko naman.

Nagpaalam naman na din si Brendon dahil tutulong narin daw siya sa pagpapalabas sa mga studyante.

Wala paring alam si Admin at ang iba pa niyang kasamahan sa aming ginagawa. Mabuti narin yun para mapadali ang trabaho namin.

Lumapit naman saakin si Pierce.

"Handa ka na?" Tanong niya.

"Yep. Ikaw?" Balik na tanong ko naman sakanya.

"Yep. Handa narin ako." Sabi niya. "Mag-iingat ka mamaya,papakasalan pa kita." Bulong niya pa.

"Tss" tanging nasabi ko at siniko siya.

Diko mapigilang hindi mapangiti. Mula ng magka-aminan kami,naging ganyan na siya saakin. Hindi ako sanay. -.-

Mabilis na lumipas ang oras.

Maya maya pa ay tumawag na si Dad.

"Naka-pwesto na kami. Handa na kayo?" Tanong ni Dad.

"Yep dad." Sagot ko sakanya.

"Nailabas na ba lahat ng mga studyante?" Tanong niya pa.

"Hindi pa lahat dad." Sabi ko. "Sige na dad,paparating na yung mga Drug Lords,pwe-pwesto narin kami." Sabi ko.

"Sige anak. Mag-iingat kayo." Sabi niya.

"We will dad. Ikaw rin." Sabi ko sakanya at ibinaba na ang tawag.

Tumingin ako sa mga kasama ko na naghahanda.

"OK na ba lahat?" Tanong ko sakanila.

"Ok na!" Sagot nila.

"Kaya natin 'to. Kahit anong mangyari,walang susuko.Nandiyan rin naman ang mga pulis at FBI para tulungan tayo at nandiyan rin naman ang mga kasamahan ni Nixon at Pierce." Sabi ko sakanila.

"Let's go!" Sabi ko at lumabas na ng Room na yun.

Bago ako makalayo,lumapit saakin si Pierce at hinalikan ako sa noo.

"Mag-iingat ka." Bulong niya.

"Ikaw rin" sabi ko sakanya.

Pagkatapos nun ay umalis na ako. Magkaka-hiwalay kasi kami.

Maya maya pa ay dumating na nga ang mga bigating mga drug lords. May mga kasama silang mga armadong lalaki.

Agad silang pumunta sa bldg. E at pumasok. Kung titignan ay bantay sarado ang mga drug lords.

Mahigit kasi sa lima ang mga drug lords ang pumunta at marami din silang kasamang mga armadong lalaki.

Nag-usap-usap sila nila Admin tungkol sa mga drogang dala nila. Masasabi mo talagang mga high quality ang mga drugs na dala dahil kung mapapansin mo ay galing ibang bansa ang mga ito.

Maya maya lang ay nakarinig na kami ng putok ng baril na siyang naging hudyat na magsisimula na ang laban.

Lumabas narin kami sa pinag-tataguan namin at agad na nakipag-laban sa mga armadong lalaki.

Nahirapan kami dahil ang rami nila. Maya maya pa ay nakaharap ko na si Admin.

"HAHA! Sana pala pinatay na talaga kita!" Sigaw nito saakin.

"Wala eh,di mo nagawa!" Nakangising sabi ko sakanya sabay tutok ng baril. Ganun rin siya.

"Tsk. Di ko akalaing kakampi sainyo ang wala kong kwentan anak! HAHA! Tama lang yan,magsama-sama kayong mga walanh kwenta!" Sabi niya.

Magsasalita pa sana ako ng may biglang sumigaw.

"Dad!"

Tinignan ko kung saan nanggaling ang boses at doon nakita ko si Kane Starr na tumatakbo papunta sa ama niya!"

Pero bago pa siya makalapit ay agad siyang naharang ni Pierce!

"Ops!" Sabi ni Pierce at agad na itinutok ang baril kay Kane.

"Son!" Sigaw ni Admin kay Kane "Diba sabi ko sayo kahit na anong mangyaro ingatan mo ang mga ka-business partners ko?!" Sigaw nito kay Kane.

"Pero mas importante ka dad!" Sigaw naman ni Kane!

"Drama." Sabi ko at agad namang napatingin saakin si Admin!

"Papatayin kita!" Sabi nito saakin.

"Kung magagawa mo!" Sabi ko sakanya at ngumisi.

Agad naman siyang sumugod saakin at pinaputukan ko naman siya.

Si Kane at Pierce naman ay naglalaban narin at ganun narin ang iba.

"Ahhhhhhh!" Rinig kong sigaw ni Kane. Paano kasi pinaputukan siya ni Pierce sa dalawang binti.

Maya maya pa ay may mga pulis ng dumating at agad na pinosasan si Kane.

"Xai! Salo!" Sigaw ni Pierce at agad na ibinato saakin ang baril niya na agad ko namang sinalo at pinapitukan si Admin sa dalawang binti na siyang ikinaluhod niya. Pareho na sila ng itsura ng anak niya.

Agad na lumapit sakany ang mga pulis at pinosasan siya.

Maya maya pa ay dumating narin sila Dad.

"Roberto Black ikaw at hinuhuli sa kasong Human Trafficking!" Sabi ni dad at may kung anu-ano pa siyang sinabi.

(A/N: Jokie jokie lang yan ah! HAHA. Wala akong maisip eh.T_T)

"Hays. Natapos rin." Rinig kong sabi ni Maxima. Tinignan ko siya at nakita kong may pasa ang mukha niya.

"Oo nga. Buti naman." Sabi naman ni Lindsey na may tama ng baril sa balikat."

"Dad." Rinig kong sabi ni Zeke sa Daddy niya.

Tinignan siya ni Admin.

"I'm sorry,Zeke. I'm so sorry kung hindi ako naging mabuting ama sayo. I'm so sorry kung dahil saakin kaya namatay ang Mommy at Kuya mo. I'm so sorry kung hindi ko nagawang mag bago para sayo. Sorry sa lahat ng nagawa ko. I'm so sorry,Zeke." Umiiyak na sabi ni Admin sa anak niyang si Zeke pero tinignan lang siya ni Zeke at maya maya pa ay dinala na sila sa pulisya.

"Tara na?" Sabi ni dad saamin. Tumango naman kami at nagsimula nang maglakad paalis ng paaralang ito.

Agad na lumapit saakin si Pierce at niyakap ako sa beywang habang naglalakad.

"Paano ba yan? Liligawan na kita officially pagkalabas natin sa paaralang Ito." Sabi niya saakin ng nakangiti pero sinuklian ko lang yun ng ngiti.

Masaya ako na natapos na ang lahat. Hindi na ulit namin hahayaang may mangyari ulit na ganito.

Masaya kaming nilisan ang paaralang ito.

Sa wakas,natapos narin ang lahat!

---------------------------------------*

PLEASE VOTES,COMMENTS AND FOLLOW! :)

- Tim <3

Carmen University (COMPLETED)Where stories live. Discover now