Chapter 3

5.1K 141 1
                                    


Chapter 3: Bloody Hellcome


"Xai! Gising na! Maglilibot pa tayo oh!" Si lindsey.


Nagising ako dahil sa ingay nung dalawa. Asar.


"Aish! Mamaya na. Antok pa ako!" Sabi ko sabay talukbong ng kumot..


Pero hinihila nila pababa..


"Xai,8am na oh! Kaya bangon na~" Si Maxima habang hinihila ang kumot ko..


"Oo na! Oo na! Aish!"


Wala na akong ibang nagawa kundi ang bumangon at pumunta ng banyo para maligo..


"Yes! *apir*" rinig kong sabi nung dalawa. -____-


Pagkatapos kong mag-ayos ay umalis narin kami. Saktong paglabas nakita namin yung dalawa na nasa labas ng kwarto,naghihintay.


"Ang tagal niyo. Tsk." Reklamo ni Brendon. Agang-aga mainit ang ulo -.-


"Eto kasing si Xai eh antagal kumilos. Tulog mantika pa." Pagsusumbong naman ni Maxima kay Brendon.


"Tss. Tara na nga" aya ni Brendon kaya ayon naglibot lang kami..


Ang ganda talaga ng School na 'to. Tahimik. Walang masyadong studyante ngayon kasi di pa naman pasukan. Sa susunod na araw pa kasi yun..


Habang naglilibot bigla naramdaman kong parang may nakatitig sakin kaya napahinto sa paglalakad at nilibot ang tingin..


Bigla kong naihinto ang tingin ko sa isang parang lumang building kung saan ko nakita yung lalaki.


Nagkatitigan kami. Pero naputol ito ng tawagin ako ni Lindsey.


"Hoy Xai! Anong tinitignan mo diyan?" Tanong niya at lumapit sakin.


Napatingin ulit ako dun sa building na may nakaasulat na 'C.B.W'


"Ah. Wala wala. Tara na? Cafeteria tayo? Gutom narin ako eh" Aya ko sakanila at umalis narin..
Inabot kami ng halos tatlong oras paglilibot eh at halos nalibot na namin lahat..


Pagdating sa Cafeteria umorder agad sila Tyler at Brendon at maya maya pa dumating din at nagsimula na kaming kumain..


"Grabe no? Anlaki ng school nila!" Biglang sabi ni Maxima.


"Tama ka diyan! Pero may napansin ako sa mga lumang building dito eh." Napapaisip na tanong niya..


"At ano naman yun?" Tanong naman ni Tyler. Ako nakikinig lang..


"Kanina kasi napapansin ko na may mga nakasulat sa mga pader. Gaya nung 'R.B', 'D.P' at 'C.B.W'.. kwento niya..

Carmen University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon