Chapter 8: Drag Racing (Part 2)

4K 136 6
                                    


Chapter 8: Drag Racing (Part 2)


Xairene's POV


Sumunod ako kela Prince sa gitna. Yung mga kasama kp nandun sa gilid. Mag che-cheer daw sila. -.-


"So ganto ang Rule. Kung sinong mauuna syempre siya ang mananalo. At ang mapapanaluhan ay ang pinusta ng dalawang natalo. Agree?" Si Prince (Nixon) Bigla akong napangisi sa aking isipan.


"Agree!" Sabi naming tatlo nila Fire (Zeke) at King.


"Anong ipupusta mo Fire?" Tanong ni Nixon


"50 thousand pesos" sabi ng nakangising si Fire at tumingin sa akin.


"Ikaw King?" Baling na tanong naman ni Prince kay King.


"150 thousand pesos" seryosong sagot naman ni King na parang walanh pakealam sa paligid.


"At ikaw naman?" Tanong niya sakin..


"Two Luxury Car" seryoso kong sabi at itinaas ang dalawang susing kapit ko.


Napangisi silang lahat dahil sa pusta ko.


"So,maliwanag na? Simulan na natin!" Sabi ni Prince kaya pumunta na kaming tatlo nila Fire at King sa kanya kanya namin kotse..


Bigla nanamang nag-ingayan ang paligid.


"KING!KING!KING!"


"FIRE!FIRE!FIRE!"


"KING!KING!KING!"


"FIRE!FIRE!FIRE!"


Yan ang maririnig mo sa buong paligid syempre di diyan magpapahuli ang mga kasama ko.


"QUEEN!QUEEN!QUEEN!"


Kahit tatlo lang silang nagsisigaw eh ang lakas lakas.


Bigla akong napangisi ng maalala ko yung pinusta ko.

.

Mga uto-uto. Saan naman ako kukuha ng dalawang luxury car? Eh itong kotse ngang gagamitin ko eh nakuha dahil tinakot yung may-ari eh yung Luxury Car pa kay?! Haha. Susi ng Dorm at C.R yung ipinakita ko sakanila na kunwari susi ng Luxury Car.
Tsk. Kaya sana manalo ako dito. Lalo na at matagal tagal narin akong walang practice.


Ang pwesto ng mga kotse namin ay ako ang nasa gitna,sa kanan si King at sa kaliwa naman ay si Fire.


Pagputok na pagputok ng baril eh nag-unahan agad yung dalawa. Ako? Mabagal lang ang pag-papaandar dahil pinapainit ko muna ang makina para mamaya mas mabilis at madali ko na siyang magamit.

Carmen University (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon