Chapter 21: Agent Dark?

3.5K 112 2
                                    


Chapter 21: Agent Dark?


Pierce/Dark's POV


Nang masigurado kong wala na si Xairene at nakabalik na sa Dorm nila bumalik ako sa field kung saan matatanaw dito ang mga kahong ipinapasok sa loob ng Administration Office.


"Bilisan niyo ang pagpasok!" Rinig kong sabi ni Admin Black,tatay ni Zeke.


Pinagbutihan kong maagi ang pagmamasid. Baka may makita pa akong pwedeng maging ebedinsya.


Maglalakad na sana ako ng may marinig akong boses sa likod.


"Mamaya ka na lumabas. Baka makita ka nila." Sabi niya kaya napangisi ako. Sabi na eh. Nandito siya.


"Yo Bro!" Bati ko kay Nixon. Oo si Nixon or si SSG President.


"Tss." Tanging sagot niya at tumingin sa mga truck na papaalis na.


"Kelangan nating makakuha ng ebedinsya para matapos na ang lahat ng 'to." Sabi ko sakanya.


"At para narin matapos na ang trabaho natin. Gusto ko ng bumalik sa dati ang buhay natin." Seryosong sagot naman niya.


Yun din ang gusto kong mangyari,ang bumalik sa dating tahimik ang buhay namin.


"Tara" sabi niya ng makitang nakaalis na ang dalawang truck.


Dahan dahan kaming pumunta sa may administration office. Nagtago muna kami sa isang gilid dahil nasa loob pa si Admin Black at ang mga kasamahan niya o ang mga staff ng paaralang ito.


"Haha! Halatang high quality ang mga Ito!" Natatawang sabi niya.


"Oo nga boss eh. Halatang bagong gawa" sabi naman ni Mr. Rick


Lalo akong nacu-curios sa pinag-uusapan nila. Pero may hinala na akong Droga ang laman ng mga kahong iyon.


Maya maya lang din ay umalis na sila.Siniguradong walang nakakita sa ginawa nila.


Nagpalipas muna kami ng ilang minuto at siniguradong wala na sila bago lumapit sa pinto ng administration office.


Tumingin tingin ako sa paligid para mag manman kung may tao bang darating at si Nixon naman ay binubukasan ang pintuan.


Nang mabuksan ni Nixon ang pintuan dahan dahan kaming pumasok.


Pagkapasok namin pinindot ko ang switch ng ilaw at tumambad sa amin ang halos dalawampung kahon.


"Sht. Ang ramin nito!" Sabi ko at nilapitan ang isang bukas na kahon.


Carmen University (COMPLETED)Where stories live. Discover now