Chapter 23: Fall?

3.5K 114 6
                                    


Chapter 23: Fall?


Shaira's POV


Kung kailan iniiwasan ko ang grupo ni Xai,lalo naman akong napalapit. Tsk. 'Bat kasi kelangan pa akong ilipat sa seksyon nila? Eh kontento na ako dun sa dating seksyon ko. Haays!


Wag lang sana talaga akong maging malapit sakanila dahil baka madamay ako. At baka di ko maiwasang sabihin sakanila ang nalalaman ko.


*


Xairene's POV


Tapos na ang klase at oras na para sa Lunch. Palabas na sana kami ng Room ng mapansin ko si Shaira kaya tinawag ko siya.


"Shaira! Halika. Sabay ka na saamin. Total wala kang kasamang kumain" sabi ko sakanya kay gulat siyang napatingin sa akin.


"Ah-eh. Wag na. Nakakahiya." Sabi naman niya at napayuko.


"Sige na. Kaming bahala sayo." Nakangiting sabi naman ni Maxima.


"Oo nga Shaira. Kaya pumayag ka na." Sabi naman ni Lindsey.


"Ah-eh s-sige." Sabi niya. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag dahil narin mapilit sila Lindsey at Maxima.


"Damn Xai. Na love at first sight yata ako." Parang wala sa sariling bulong ni Brendon sa akin habang nakatingin kela Shaira na nauna ng maglakad.


Napatawa nalang ako.


"Sige lang. Susuportahan kita." Nakangiting sabi ko sakanya.


Napailing nalang siya.


"Tara na nga." Sabi niya kaya sumunod na kami kela Lindsey.


Ngayon lang siya nagkaganyan kaya nakakatuwang isipin.


[Cafeteria]


Pagkatapos naming mag-order naghanap na kami ng bakanteng upuan.


Tahimik lang kaming kumakain ng biglang basagin ni Maxima ang katahimikan.


"Shaira,alam mo may kamukha ka? Si Tricia Martinez?" Sabi ni Maxima kay Shaira kaya napatigil ito sa pagkain.


"A-ahm. Marami ngang nagsasabi na kamukha ko siya. Well,actually pinsan ko siya." Sabi niya kaya nagkatinginan kami nila Lindsey.


"Ha? Di nga?" Nagtatakang tanong naman ni Lindsey.


"Yep. Magpinsan kami sa mother side" sabi niya.


"Nakakalungot nga kasi wala na siya. Di manlang nalaman nila Tita na wala na siya. At di ko alam kung nakarating ba kela Tita ang katawan niya." Malungkot na sabi niya at napayuko.

Carmen University (COMPLETED)Where stories live. Discover now