Chapter 14: Basketball (Part II)

3.9K 113 3
                                    


Chapter 14: Basketball (Part II)


Xairene's POV


Pagkaalis ng Rebel Blood ay nag-usap usap kami tungkol sa mangyayaring laban ng Basketball mamaya.


"Ano naman kayang plano ng Rebel Blood at hinamon tayong mag basketball?" Nagtatakang tanong ni Lindsey. Ano nga ba?


"At bakit sa dami daming pwedeng kalabanin eh tayo pa?" Nagtatakang tanong naman ni Maxima


Wala ng makikita sa pagmumukha nila kundi 'pagtataka'. =_=


"Hindi natin alam kung ano ang plano nila. Basta ang importante maging handa tayo sa mga mangyayari mamaya." Sabi naman ni Tyler.


Tama siya. Di namin alam ang pwedeng mangyari kaya dapat maging handa kami.


"Pero kulang tayo ng isa. 6 on 6 ang laban mamaya." Singit ni Lindsey.


Bigla akong napatingin kay Pierce na tahimik na kumakain.


"Nerd." Seryosong tawag ko sakanya.


"Oh?" Sagot naman niya at sabay tingin saakin.


"Marunong kang mag basketball?" Tanong ko ulit.


"Ahm. Oo. Bakit?" Nagtatakang tanong niya.


"Payag ka bang ikaw ang magiging ika-anim naming kagrupo?" Tanong ko sakanya.


Bigla namang napatingin sakin sila Maxima..


"Seryoso ka Xai?"


"Yang Nerd na yan?"


"Eh baka mamaya niyan lampa lampa yan!"


Komento nung tatlo. Habang si Brendon nakatingin lang sakin.


"Tsk. Mukha ba akong nangbibiro? Sa tingin niyo may iba pa tayong kilala na bukod sa nerd na ito na makakatulong para maging anim tayo ha?" Tanong ko naman sa kanilang tatlo.


"Sabagay. May point ka." Sabi ni Maxima na patango-tango pa.


"Tss"


Bigla ulit akong napatingin kay Nerd.


"Ano? Payag ka na?"
Tanong ko ulit kay Nerd na ngayon ay nakatingin lang sakin.


"Hoy! Tinatanong ka ni Xai!" Sabi ni Lindsey kay Nerd na tulala kaya nagulat siya..


Tinignan niya muna yung apat bago ako.

Carmen University (COMPLETED)Where stories live. Discover now