Chapter 17: That Girl

3.5K 100 0
                                    


Chapter 17: That Girl


Xairene's POV


Nakatingin lang ako ng masama kay Zeke at agad na nilapitan at kwenilyuhan.


"Pag may nangyaring masama sa kaibigan ko pagbabayaran mo 'to!" Nangagalaiting sabi ko sakanya.


"Kung kaya mo." Nakangising sagot naman niya.


Akmang susuntukin ko sana siya ng biglang may pumigil sa kamao ko. Tinignan ko kung sino ang taong uun at nakita ko yung babaeng nagbalita saamin kanina.


"A-ate. Tama na. M-mas kelangan ka ng kaibigan mo" sabi niya bago tuluyang ibinaba ang kamao ko.


Tinignan ko muna si Zeke ng masama at uluyang naglakad palayo at sumunod kila Brendon papuntang clinic.


Kung di lang nasa masama ang kalagayan ni Maxima nagulpi ko na sana ang hayop na Zeke na yan!


'Ano ba kasing problema niya at pati kaibigan ko idinadamy niya?!" Galit na sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang clinic.


Pag dating ko ng clinic nakita ko sila Brendon na binabantayan si Maxima.


"Kamusta na ang kalagayan niya? Ok na ba siya?" Nag-aalalang tanong ko sakanila.


Tumingin saakin si Lindsey.


"Sabi nung Nurse OK na daw ang kalagayan ni Maxima. Nalagyan na din siya ng paunang lunas at mabuti daw at nadala agad dito sa clinic." Paliwanag ni Lindsey.


Bigla akong nakahinga ng maluwag dahil sa narinig ko.


"Buti naman." Napapabuntong hiningang sabi ko.


Natahimik kami saglit pero agad din yung nabasag ng biglang mag salita si Tyler.


"Sino ba kasing tarantado ang may kagagawan nito?" Tanong niya kaya napatingin ako sakanya.


"Zeke Black" seryosong sabi ko naman na mukhang ikinagulat nila.


"Ano/What?!" Gulat na tanong nilang tatlo saakin.


"Siya ang may kagagawan ng lahat ng ito." Sabi ko sakanila.


Bigla namang napatayo sa pagkaka-upo si Tyler.


"Tarantado talaga ang lalaking yun! Makita ko lang talaga siya!" Galit na sabi niya.


"Wag muna ngayon Ty. May tamang panahon diyan." Nakangising sabi ko sakanya kaya napatingin siya sa akin.

Carmen University (COMPLETED)Where stories live. Discover now