Chapter 16: What Happened?

3.8K 109 1
                                    


Chapter 16: What Happened?


Xairene's POV


Pagdating ko sa Dorm wala parin sila Maxima kaya pumasok muna ako ng banyo at naligo..


Habang naliligo nasa banyo narandaman kong nandiyan na sila Maxima dahil sa lakas ng boses nilang dalawa..


Nang matapos na akong maligo lumabas na ako ng banyo at nakita ko nga ang dalawa na nagkwe-kwentuhan habang nakahiga..


"Xai! Kanino galing 'to?" Biglang tanong ni Lindsey kaya napatingin ako sakanya. Nakita kong kapit niya yung Bloody Note na galing Zeke.


"At sinong Z.B?" Nagtatakang dagdag na tanong naman ni Maxima. Kahit kelan talaga napaka- chismosa ng dalawang 'to. -.-


"Zeke Black" tipid na sagot ko sakanila at ibinalik ang tingin sa salamin at ipinagpatuloy ang pagsusuklay..


"Ano?!/What?!" Sabay at gulat na sigaw nung dalawa at napapa-upo pa sa kama..


"Si Zeke nanaman?!" Di makapaniwalang tanong ni Lindsey kaya tumango nalang ako.


"Tsk. Talagang di ka pipigilan ng gunggong na yun ano?" Komento naman ni Maxima.


"Siguro. Hayaan niyo nalanh siya. Asa namang mapapatay niya ako. Eh ang masapak nga di niya magawa saakin eh" sabi ko naman sakanila kaya napailing nalang sila pareho.


"Ewan sayo Xai. Basta mag-iingat ka sa g*g*ng yun!" Dagdag pa ni Lindsey.


"Oo naman noh. San pa at naging 'Queen' ako diba?" Sagot ko naman sila at mabilis na nilingon at kinidatan.


"Tsk. Yabang! Edi kaw na Queen -.- " sabi naman ni Maxima at muling nahiga sa kama kagaya ni Lindsey. Napailing nalang ako sa inista ng dalawa.


Ganya kami kapag kami kami lang ang magkakasama. Kahit ako 'Queen' sa Gangster World wala silang pakealam dahil isa lang ang nakatatak sa isip ng mga yan yun ay ang 'Magkakaibigan tayo at walang magbabago dun kahit na anong mangyari'.


"Oo nga pala! Napansin niyo ba si Pierce nung wala siyang salamin kanina?" Biglang tanong ni Lindsey. Kaya napatingin ulit ako sakanya.


"Oo naman noh! Bakit?" Sagot naman ni Maxima.


"Alam niyo. Mukha siyang pamilyar. Di ko lang alam kung saan ko siya nakita." Sabi pa ni Lindsey. Mukha namang napaisip si Maxima na mukhang may inaalala.


"Hmm."


"Ikaw Xai? Pamilyar ba siya sayo?" Biglang baling saakin ni Lindsey kaya napatingin ako sakanya..


"Oo..." sagot ko sakanila habang umuupo sa kama.


Carmen University (COMPLETED)Where stories live. Discover now