"Oh, son.  You are really in love.  It's the same feeling that I felt when I first saw your mom."

"So, can we end this conversation?  She is waiting for so long right now.  And I am still trying to get her kids' attention."

"Alright.  When I can meet her?"

            "I'll let you meet her some other time.  I will end this call and I'll see you in your office later.  Okay?"

            "Alright.  Goodluck with your date." Natatawang sagot ni dad at pinatayan na ako ng telepono.

            Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang pabalik ako sa loob ng restaurant.  Kilala ko naman si daddy.  Alam kong kapag nalaman niyang mayroon akong kinahuhumalingang babae ay nabubuhayan ito ng loob na makakapag-asawa ako at hindi tatandang mag-isa.  At alam kong mas lalo siyang masaya ngayon kasi first time kong nasabi sa kanya na mayroon akong babae na gusto kong pakasalan. 

            Totoo naman kasi na sa dami ng babaeng naka-steady ko, sa dami ng babae na dumaan sa buhay ko, never kong naramdaman ang feelings na nararamdaman ko para kay Rosey.  Literal na parang pinana ni kupido ang puso ko.  I wanted to be with her kahit para siyang laging pinapaso na kasama ako.  I know she was just thinking about the welfare of her kid.  Kahit sino naman siguro mag-iingat din kung naloko na ng minsan.  Pero hindi ko gagawin sa kanya ang ginawa ng tatay ng anak niya.  I won't leave her.  I'll stay with her whatever happens.

            Pero agad ding nawala ang ngiti sa labi ko ng pagpasok ko sa restaurant ay walang taong nakaupo sa harap ng mesa na inookupa namin.  Wala si Rosey at ang anak niya.  Ang tanging nandoon ay ang waiter na nagliligpit ng iniwan naming pagkain.

            "W–wait.  Wait.  Stop it.  Where are they?" Agad kong sinaway ang waiter na naglilinis ng mesa.  Rosey's food has not been touched a bit.  Tanging pagkain lang ni Enzo ang naubos doon. 

            "Sino po, Sir?" Tanong ng waiter sa akin.

            "The woman and kid that was sitting here, where are they?  And I didn't pay for our food yet.  We are not yet finished eating," nag–uumpisa ng umakyat sa ulo ko ang inis ko.

            "Ah, 'yung mag–nanay, Sir?  Umalis na po.  Binayaran na po 'nung babae 'yung bill." Sagot niya sa akin at itinuro ang naiwang resibo sa mesa.  I looked for it and she paid the two thousand seven hundred peso bill of our food. 

            "Fuck." Mabilis akong lumabas at sinubukan ko silang habulin sa labas ng restaurant.  Palinga-linga ako sa pagbabakasakaling makita ko silang mag-ina pero kahit anino nila ay hindi ko makita.

            What the hell was wrong with that woman?  Bakit lagi na lang niya akong tinatakasan?

            "Shit!" Malakas na mura ko ng makasakay ako sa sasakyan ko.  "Fuck!  Fuck! Fuck it!" Pakiramdam ko ay sasabog na talaga ako sa sobrang galit.  Ano ba ang palabas ng babaeng iyon?  Malapit ng maubos ang pasensiya ko sa kanya.

            Napabuga ako ng hangin at sumandal sa driver seat ng kotse ko.  Inis kong dinukot ang telepono ko sa bulsa at hinanap ko sa net ang pangalan ng eskuwelahan na pinapasukan ng anak ni Rosey.  Hinanap ko ang telephone number at sinubukan kong tawagan ang eskuwelahan.  Nagpanggap akong tatay ni Enzo para makuha ko ang mga detalye nila pero sa malas, ayaw kong i-entertain ng school.  Hindi daw sila basta-basta nagre-release ng mga personal details ng kanilang mga estudyante.

"Shit!" Napasigaw na ako at inihagis ko sa dashboard ang telepono ko.

Think.  Think, Carmelo.  Where would I find that woman?  Pilit kong kinalma ang sarili ko para makapag-isip ako ng maayos.  Kinuha ko ulit ang telepono ko at idinayal ko ang number ng hotel.

            "Mr. Mercado, Carmelo here.  Do you have a staff named Yasmin?  I don't know her surname just Yasmin.  Yas something like that.  If you do have, please send her to my office.  I am on my way now."

            "Yasmin?  Wait, Sir." Saglit na wala akong narinig mula kay Mr. Mercado.  Nang bumalik siya ay nakakarinig ako ng parang mga papel na iniisa-isa.

            "We have a staff named Yasmin Basa.  She is under housekeeping and she is staying with the company for almost two years.  Why, Sir?  Something happened?  I can fire her immediately." Seryosong sagot ni Mr. Mercado.

            "No.  Don't say anything to her.  Just send her to my office.  I'll be there in fifteen minutes."

            "Alright, Sir.  I'll send her immediately once you arrived."

            Hindi na ako sumagot at pinatayan ko lang siya ng telepono.  Pahagis kong ibinalik sa dashboard ang telepono at seryosong itinuon ang pansin sa kalsada.  Halos paliparin ko ang sasakyan ko para mabilis kong marating ang hotel.  Panay ang busina ko sa mababagal na sasakyan na nasa harapan ko.

            I know I will find you, Rosey.  And the next time we meet, I will not let go.  I will not let you go.

            Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang nakatitig sa kalsada.  Ang dami-daming senaryo, ang dami-daming possibilities ang nasa isip ko kung bakit parang bula na laging naglalaho si Rosey.  Pero iisa lang ang gusto kong mangyari.  I wanted to be with her, and I wanted her to be mine kahit na sino pa siya.

Maid for you (COMPLETE)Where stories live. Discover now