"She's fine unless makilala siya ni papa," sabi niya at naglakad na palabas ng kwarto ko.

"Rest well we need to prepare," sabi niya at lumabas na ng pinto.

Kasunod nun ay ang pagpasok ni ate Sol na may dalang cart na puno ng pagkain at dugo.

"Eat up!" sabi Rious at kinuha 'yung tray saka umakmang susubuan ako.

Ngumanga naman ako at nag inarteng babae para maingit si Kaelynn pero walang effect tumawa lang ito at pinanood kami.

Nakapagpahinga naman na ako at mabilis naghihilom ang mga sugat ko matapos ang pag inum ng dugo.

Hindi nga lang lahat dahil may malalalim na tama ako lalo na 'yung bandang puso ko.

Habang nagpapahinga ako hindi ko makalimutan 'yung mga sinabi ni kuya.

Alam kong pagdating ni papa hindi ko na pwedeng makita pa si Gabs.

At alam kong mas makakabuting layuan ko na siya para din sa safety niya.

Matutulad lang siya kay Kaelynn at hindi ko gustong maulit ang nang-yari kay Lira sa kaniya.

Si Lira na ngayon ay malamig na bangkay na, hindi nga siguro pwede ang pag-iibigan ng mga mortal at bampira.

Malaking hadlang ang uri namin sa isat isa, napaka-opposite at kung makakaya man namin lagpasan, sure ako napakadami pa naming dadaanan.

❦❦❦

Nasa loob ako ng kwarto at kasama ang dalawang ito na sobrang sweet, yakap-yakap ni Rious si Kaelynn at naglalambingan samantalang ako ito hindi pa din okay at miss na miss na si Gabs.

"Oy pwede ba tigilan niyo 'yang kasweetan niyo? Na iingget ako eh ako 'yung gustong tumakbo saka tumalon sa dagat dito dahil sa pang iingit niyo." na tawa silang dalawa sakin at ako inis na inis, akala nila nagbibiro ako? Pagod na ko umupo dito at gusto ko nang kausapin si Gabs hanggat may oras pa bago siya dumating.

Ngayon na kasi ang araw nang pag-uwi ni papa at sure ako ito na din 'yung huling beses at pagkakataon kong pwede makausap si Gabs pero pano? Hindi ako makalabas.

Pumunta kami ng sala at umupo sa sofa. Lahat ng tao sa mansyon ay puno ng tensyon dahil bawat isa samin takot sa taong darating ngayon.

"Andito na po si Sir. Danilo." pumasok sa pinto ng sala 'yung isang maid at pinag buksan ng pinto si Papa. Tumayo kaming lahat at sinalubong siya.

"Mga anak ko." binati namin siya isa isa pwera lang kay Darenn na takot lumapit sa ama namin.

Mahigpit 'tong nakakapit sa palda ni ate Sol at nagtatago sa likod nito. Lumapit si Papa sa kaniya at pinantayan siya ng upo.

"Bakit ayaw akong batiin ng bunso ko?" Ngumiti si papa pero iwas sa kaniya si Darenn, lumipat ang atensyon niya kay Kaelynn at halata dito na natatakot na siya kay papa.

"Dan Rious siya ba ang mapapangasawa mo?" Tumango si Rious sa kaniya.

"Opo papa." sagot nito at tumingin kay Kaelynn,
" Rious mana ka talaga sakin ano? Hahahaha, anong gagawin mo sa kaniya pagtapos." ito na nagsisimula na ang sermon niya.

"Pagtapos po? Edi magkakaanak ulit kami tapos titira sa iisang bahay." matapang na sagot ni Rious kay papa at tumingin kay Kaelynn.

"Ganun? Sige mamaya ulit kita kakausapin, mapunta tayo sa magaling kong anak." tumingin siya sakin at hindi ko inaasahan na mabilis na tatama ang palad niya sa mukha ko.

Hindi pa ko lubusang magaling kaya naman mabilis akong tumilapon sa hasig sa lakas ng pwersa niya.

"Mahal kong anak, ito ba ang isasalubong mo sakin paguwi?" Hinawakan ko ang mukha ko na puno ng dugo dahil sa ginawa ni papa.

"Alam mo ba malaking parte ng kompanya natin ang mawawala dahil sa katangahan mo?" nakangiti pa din siya habang sinasabi 'yun sa sakin. Ngiting hindi ka matutuwa.

"Pasensya na po papa." inalalayan niya sako tumayo at hindi binibitawan ang kamay ko.

"Ayos sana eh kung hindi lang tanga ang kuya Daryl mo." akala ko aalalayan niya ko sa pagtayo pero inihagis niya ko kay kuya Daryl na kinatumba naming dalawa.

"Ate Sol ipasok mo si Darenn sa kwarto." utos ni kuya pero mabilis siyang pinigilan ni papa.

"Teka lang bakit mo naman ilalayo ang bunso ko sakin? Ito ang welcome party niyo sa ama niyo patapos ang lahat hindi ba? Maganda na 'yung bata pa lang siya ay alam niya na kung kanino siya susunod." nakangiti pa din siya habang sinasabi 'yun, hindi na wawala ang nakakatakot niyang ngiti sa mukha habang isa-isa niyang sinasaktan ang bawat isa saming mga anak niya.

"Daryl anak ko, akala ko matino ka? Bakit pumatol ka sa pinsan mo?" Napaiwas ng tingin si kuya Daryl.

"Asan na siya ngayon? Bakit hindi ako masalubong ng magaling kong pamangkin?" Walang umiimik samin kahit isa, alam kong pag-iinitan niya maige si Rious at Kaelynn.

"Miss Alberona tama ba?"

"Wala siyang kinalaman dito papa." depensa agad ni Rious kay papa.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, kinakausap ko ang munting binibini sa likod mo." kukunin sana niya ang kamay ni Kaelynn pero hindi siya pinayagan ni Rious.

"Lahat talaga kayo suwail ano? Lahat kayo nag mana sa mga mama niyo." tahimik lang kami at siya ay palipat lipat ang tingin sa bawat isa samin.

"Ikaw Daryl, para kang si Scarlet masyadong mataas ang pangarap at gusto lahat ay sa kaniya iyan tuloy maaga na wala lahat sa kaniya." umupo ito sa sofa at masayang ipinamukha sa bawat samin ang kamalian na akala mo naman ay mas madumi sa kaniya.

"Kayong kambal, mana din kayo sa ina niyo na walang ginawa kundi ang magpakasaya. Hindi niyo alam huling huli ko bawat galaw niyong dalawa." At tumingin siya kay Darenn na ngayon ay papaiyak na.

"At ikaw mahal kong bunso, mahal na mahal ko ang mama mo pero katulad mo sobrang ilap niya din sakin. Hahaha, kaya lahat sila pinatay ko." 'yung huling salita na 'yun.

Salitang umeko sa buong silid at nag bigay ng sobrang bigat na pakiramdam sa bawat isa samin.

Nanginginig si kuya sa galit na tumingin kay papa na mapang-asar lang na nakaingin samin.

"Ikaw ang pumatay kay mama?" Sumeryoso ang mukha ni papa at ngumite lang ulit.

"Ako nga, akala ko gusto mo din 'yun? hindi ba galit ka sa mama mo? Isa pa hindi niyo ba na hanap ang katawan niya sa hardin? Wag niyong sabihin hindi kayo lumalabas ng mga kwarto niyo?" Halos manlamig ang buong katawan ko, ayoko marinig ang mga susunod niyang sasabihin.

"E-e-eh si si ma-ma?" Nangangatog na tanong ni Rious at ako ay na payuko na.

"Ha? Akala niyo talaga nag layas ang mama niyo? Nasa atik lang siya ng mansion sa isang baul doon kasama ang ibang parte ng mga lalaki niya." nanlambot na ko at hindi na nagsi-sink in sa utak ko lahat ng mga na laman ko, ang bigat sa pakiramdam.

Hindi ko na alam ang mga sunod na nang-yari, na hihilo ako! Blangko ang isat ko at pati paningin ko ay parang nagdidilim.

Nabibinge ako sa mga emosyon na umiikot sa ulo ko, yumuko ako sa tabi at hinawakan ang ulo ko saka tinakpan ang mga tenga ko.

Napukaw ang tingin ko kay Rious na hila hila ang kamay ni tita Rose.

Kumunot ang noo ko, si tita Rose? Teka na hihibang na ba ko?

Saan niya dadalhin ang kakambal ko? Bakit siya lang ang itatakas niya sa mansiong 'to? Sa kulungan na 'to? Teka pano ako?

Wag niyo kong iwan!

Wag niyong kunin ang kakambal ko!

Isama niyo ko at itakas sa impyernong 'to.

To be continued

AN: doon po sa mga hindi na aalala ang scene na ito pabasa na lang po ng VP chapter 43 salamat.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now