DS CHAPTER 6

1K 64 25
                                    

DANIEL's POV

Nang magising ako siya agad ang bumungad sa paningin ko, na mayat siya at puno ng pasa ang katawan.

Natutulog siya sa tabi ko habang nakaupo at nakadantay ang ulo sa gilid ng braso ko.

Ah siya 'yung babaeng pinakamamahal ko.

Noon.

"Hmmm." nakatingin lang ako sa kaniya at siya na gulat at biglang bumangon.

"Okay kana? Waaah Niel!" sabi nito at masayang lumabas ng kwarto saka nagsisigaw na gising na ako.

Dumating ang iba pati ang hinayupak kong kambal at sila kuya Daryl.

"Hey are you fine, do you hear me?" Kabado siguro siya na baka hindi ko na sila kilala o may diperensya na ko dahil sa muntikanan ko nang pagkamatay.

"Yep," sabi ko at pilit na umupo, inalalayan ako ni Ash at si Dan Rious parang kabado pa din lumapit sakin.

"Niel," sabi ng kambal ko at na pansin kong hawak-hawak ni Kaelynn ang kamay niya ng sobrang higpit.

Napangiti na lang ako, nakatulog lang ako okay na sila hahaha.

Tinignan ko si Rious at na ngingiyak ngiyak na 'to, kinukha ko 'yung unan at binato sa nakayuko niyang ulo kaya bigla siyang napaangat ng tingin at kagat labing tumingin sakin.

"Ano magagalit ka? The hell bro kulang pa 'yan." na tatawa-tawa kong sabi sa kaniya at inaya siyang lumapit sakin saka kaming sabay na nagyakapan.

Umiyak siya sa bisig ko at ganun din ako sa kaniya. Mukha kaming tanga dito at nag ngangawa at dahil doon okay nakaming dalawa.

Yumakap din si kuya at hirap na umakyat ng kama si Darenn, sumiksik siya saming tatlo at yumakap din.

Medyo masakit ang katawan ko pero wala nang mas gagaan na feeling pagkayakap mo ang mga mahal mo sa buhay.

Nakakatawa lang nakailangan pa bang may mag agaw buhay at may makapatay para lang magyakapan kaming apat?

Sa totoo lang unang beses kong na ramdaman ang init ng yakap ng mga hinayupak kong kapatid.

"Oo alam kong yummy ako pero guys magkakapatid tayo tama na tyansing." bigla silang bumitaw pwera lang kay Darenn na nakayupyop pa din sakin.

"The hell niel matulog ka na lang nga ulit," sabi ni Rious na medyo natatawa at si kuya Daryl naman ay nahihiya pagtapos niyang marealize na ng yakapan kaming apat.

"Ang sweet kaya," sabi ni Ash at na tatawang nakatingin samin si Kaelynn.

"Oo nga dapat lagi niyong ginagawa 'yan." tumingin si kuya Daryl sa kaniya at bigla siyang tumahimik.

Hahaha wala talagang makakapalag sa mga tingin ni Daryl Lockhart.

"But lets go back to the problem," sabi ni kuya Daryl at busy face na naman ang mukha.

Pwede bang wala munang problema dahil kakagising ko lang? Pwede bang pagloadingin niyo muna ang utak ko bago niyo lagyan ng panibagong problema.

"Yeah, I know you need to rest but let me remind you that dad is coming back," sabi niya at nagcross arm.

"Dahil sa ginawa mo, Cross Family is canceling our deal, nakarating ito kay papa same goes with the problem about you Rious." tumingin siya ng seryoso samin ni Rious.

"Be prepared lahat tayo damay-damay dito." alam ko this week na siya uuwi at alam ko sa araw na 'yun ay ang araw na pagsisihan ko na na buhay pa ko sa mundo.

Kung makikita ko lang sana ulit si Gabs okay na ko eh.

Ah tama si Gabs!

"Ah, si Gabs kuya 'yung girl sa school ano kamusta siya?" natataranta kong tanong sa kaniya at tumaas ang kilay niya.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now