CHAPTER 19

8.4K 467 70
                                    

Dedicated to: FancyyyChescaaa♡★ 

KAELYNN's POV


Ano ba talaga? ako ba ang ikakasal o ako ang titigil sa kasal? KasI sa dalawang 'yun wala ako, pero kung ayusan ako ni ate Ash todo-todo.

"Ate Ash okay na ko, simplehan mo lang baka mag mukha akong kontrabida," sabi ko sa kaniya habang patuloy niyang inaayos 'yung buhok ko.

Kinulot niya 'to at itinali sa kabilang gilid, 'yung make up ko naman pang night make up talaga 'yung tipong smoky eye ang eye shadow at red na red ang lipstick.

"Hayaan mo na para makita ni Danrious ang sinayang niya," medyo na hiya ako doon.

"Pero ate pupunta ako para batiin sila at maging masaya na hindi 'yung guluhin pa ang kasal nila." sabi ko at 'yung mukha niya sa salamin ay nagbago ng timpla na para bang na iirita.

"Alam kong mabait ka talaga Kaelynn pero hello mas ibang level na 'yang pagkamartir mo." diniinan niya 'yung hawak niya sa buhok ko kaya medyo na pangiwe ako.

"Remember this, ikaw ang niloko so why not na kahit ngayon lang makaganti ka man lang." Siguro nga kahit sa huling pagkikita man lang namin ni Danrious ay mag iwan ako sa kaniya ng magandang itsura ko hindi 'yung lagi niya na lang ako nakikita na losyang at walang kaayos ayos

.

"Okay ate pero hindi ako mang gugulo dun," ngumiti siya saka hinigpitan ang ribbon sa likod ko.

Pinasuot niya sakin ang itim na sandals na hindi kataasan ang heels para naman mabalance ko at iyon nga dumaretsyo na kami papunta sa venue.

Kasama ang lahat pwera lang ang kambal, ayoko kasi makita nila ang papa nila na ikinakasal sa iba.

Okay na 'yung alam nilang tatay nila si Dan pero ayoko muna guluhin ang mura nilang kaisipan sa mga sitwasyon ngayon.

Tumingin sakin si Darenn na para bang gusto magtanong kaya nginitian ko siya.

"Ate okay ka lang?" Naglean ako sa kaniya saka pinat ang ulo niya.

"Oo naman maging masaya ka din sana para sa kuya mo." nagbuntong hininga siya at medyo na iinis.

"Nakakainis siya ang hirap maging masaya para sa kaniya," ginulo ko ang buhok niya.

"Hayaan na natin lahat naman tayo may karapatan pumili eh kaya maging masaya na lang din tayo sa na pili niya mahalin." medyo malungkot siyang tumango sakin at na aasar.

"Sana makahanap ka din ng magmamahal sayo ng totoo habang buhay ate." tumango ako.

"Sana nga."

Nagpatuloy sa pagdidrive si Kidd at si Daniel naman ay parang hindi mapakali sa kinauupuan niya.

"Mas tense ka pa ata sa kakambal mo?" Tanong ko at iritang irita siyang ginulo ang buhok niya.

"Hindi kasi ako makapaniwalang dadalo ako sa kasal ng kakambal ko na hindi ikaw ang kasama niya." tinawanan siya ni Kidd.

"Dude kasal na sila hindi ba? Sa reception na tayo papunta." lalo siyang na irita at hindi mapakali sa inuupuan.

Hanggang sa makarating kami sa venue at parang ayaw ko nang bumaba ng sasakyan.

Pano ba naman paboloso at puro mayayamang tao ang mga dumalo ng kasal nila.

Unang bumaba ay sila Darenn at Daniel saka ako sumunod at si Kidd. Na una pumasok ang magkapatid at parang tinatanong if okay lang ako saka ako tumango sakanila.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now