CHAPTER 13

8.5K 403 73
                                    

Dedicated to: @JustYourTypicalGirl8

KAELYNN's POV

Binuksan ko ng bahagya ang bibig ko para sa pagkagat ko sa laman niya at nang mainum na ang dugo niya ng biglang na tauhan ako at mabilis na inilayo ang sarili ko sa kaniya.

"Kidd sorry, sorry talaga." tinakpan ko ang bibig ko, ano ba 'tong pinag gagawa ko? Muntikan na kong uminum ng dugo niya.

"Bakit hindi mo tinuloy? Ayos lang naman sakin eh." umiling ako.

"Hindi, iinum na lang ako ng dugo galing sa donation sa hospital or kahit 'yung gamot na lang, salamat na lang Kidd sorry talaga." nagbuntong hininga siya at umupo sa tabi ko.

"Okay hanggat kaya mo," sabi niya at sabay pindot ng remote at bukas ng TV.

Tahimik kaming dalawa at pawang awkward sa isa't isa pero pinipilit kong wag maramdaman 'yun dahil kaibigan siya, gusto niya lang tumulong sakin kanina.

Huminga ako ng malalim, muntikan na ko doon, ipinangako ko din kasi kay Danrious na sa kaniya lang ako kukuha ng dugo na buhay. At saka ayoko na magkaroon ng utang na loob dito kay Kidd.

Sinandal ko ang likod ko sa sofa at pumikit kaso hindi pa ko nakakampante ng biglang marinig ko ang tawag ni Aoi.

"Mama!" Rinig na rinig ko ang sigaw ni Aoi sa taas kaya na patayo ako at daredaretsyo pumunta ng kwarto.

Gising na siya agad?

"Aoi bakit?" sumimangot siya sakin at tinuro ang kapatid niya na sarap na sarap sa pagtulog.

"Ti atane tase ang likot matulog eh tinipa ato." nakita ko si Akane na wala na sa pwesto niya at na sa sahig na.

"Pagpasensyahan mo na si Akane Aoi malikot lang talaga matulog ang kapatid mo," sabi ko sa kaniya saka inayos ng higa ang kakambal niya.

"Bid boy na tase ato dapat may iba na ato room." sumangot 'to at halatang halata na ang pangit ng gising niya.

Tinabihan ko siya at saka niyakap.
"Saka na pag na kauwi na tayo sa bahay natin." na dulas ako at na sabi sa kaniya 'yun.

"Telan ba tayo uuwi mama? Ti papa?" Iyan tuloy mas lalong lumungkot ang mukha niya at parang na miss ang papa niya. Kumirot ang puso ko, anong sasabihin ko sa kaniya? Anong palusot na naman ba ang sasabihin ko sa sa kaniya?

"Ah hmmm, kasi nak hindi ko alam kung kailan eh pero siguro malapit na, intayin lang natin ang papa mo." ngumiti ako sa kaniya at siya naman medyo na wala na ang pagkabad mood.

"Otey mag iintay ti Aoi mama." ngumiti siya ng malambing na nagbigay sakin ng kaunting pag asa para kay Danrious.

Sabay namin iintayin ang papa niya, aasa kami kahit gaano pa katagal basta makasama lang ulit namin siya.

Kaya bahang nag iintay kami aalagaan kong mabuti ang mga anak namin dahil iyon lang ang tanging alam kong paraan para tumulong sa kaniya.

❦❦❦

Muli kong pinatulog si Aoi at tinabihan muna silang dalawa. Kinuha ko 'yung laptop at binuksan 'to para maghanap ng balita kay Danrious.

"Ano bang news?" Bigkas ko habang nag iiscroll pababa sa mga head lines at biglang pumukaw ng pansin ko ang letrato ni Danrious at isang babae.

Tinitigan ko agad 'to at biglang huminto ang oras para sakin.

The Heirs of Lockhart Company, Danrious Lockhart is getting married with the daughter of the most famous CEO Company of the Philippines, Lorein Reyes.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now