CHAPTER 5

10.9K 550 64
                                    

Dedicated to: MafiaReader20

KAELYNN's POV

Nagising ako bigla at parang naalimpungatan sa ingay na narinig ko mula sa sala.

Napabangon ako sabay tingin sa orasan.

"4 A.M," bulong ko sa sarili ko at tumingin sa mahimbing na pagkakatulog ng kambal ko.

Napangiti ako kaso bigla akong nakarinig ng kaluskos at ingay galing sa sala kaya tumayo na ko at ako na mismo ang sumilip sa sala.

Bukas ang ilaw kaya na bigla ako at hindi ko pa man nakikita kung sino ang taong na doon ay tumulo na ang luha ko.

"Danrious?" Tanong ko sakaniya at na bigla siya sakin.

"Na gising ba kita? Pasensya na ngayon lang ako," sabi niya at tumakbo na ko papunta sakaniya saka siya niyakap.

Niyakap niya din ako ng mahigpit at na gulat ako ng bigla niya kong hinalikan sa labi na una ay agresibo pa at parang sabik na sabik sakin.

Hindi ko na naisip ang dapat kong gawin at ginantihan na siya ng halik.
Halik na sa mga sumusunod na minuto ay tumatamis.

Una akong bumitaw at niyakap siya ng mahigpit.
"Bwisit ka asan ka ba galing?" Iyak ako ng iyak sa kaniya at hindi siya makasagot agad at panay lang ang patahan sakin.

"Sorry magpapaliwanag ako mamaya," sabi niya at humiwalay na ko ng yakap.

"Nakakainis ka alam mo bang ilang buwan na ang lumipas at lagi kang hinahanap ng mga anak mo?" Tumango siya.

"Sorry, talaga kinailangan ko 'yung gawin para sa inyo. Please maniwala ka," sabi niya sakin ng seryoso at tumango na lang ako dahil kilala ko siya.

Alam ko may dahilan siya para gawin samin ng mga anak niya 'yun.

Umupo siya at inalok ko siya ng maiinum.
"Wag na tabihan mo na lang ako ditto," sabi niya at hinila ako sa bisig niya.

Hindi siya umiimik at hindi rin ako makaimik dahil sakanya, yakapy-akap niya lang ako habang na kaupo ako sa harap niya at na kabaon ang baba niya sa leeg ko.

Mukhang pagod siya at malalim ang iniisip, gusto ko man magtanong kinakabahan ako sa maari niyang sabihin.

Pero hind naman pwede 'yun kaya nilakas ko na ang loob ko at kinausap siya.

"Dan saan ka ba galing?" Tanong ko sa kaniya at umayos ako ng upo sa tabi niya.

"Nagtrabaho ako promise," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Maniwala ka. Pero Runo may sasabihin ako sayo," sabi niya ng seryoso at yumuko sa harap ko.

Ilang minuto pa siyang tumahimik at lalo tuloy bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa katahimik niyang 'yun.

"Maghiwalay muna tayo," tumingin siya ng seryoso sakin at ako parang na istatwa sa kinauupuan ko.

Dumating na sakin ang kinatatakutan ko, hindi pa nga kami kasal maghihiwalay na agad kami? Anong klaseng pamilya ba 'to?

"Wait don't get the wrong idea," sabi niya at biglang hinawakan ang mukha ko at pinokus ang tingin ko sa mga mata niya.

"Maghiwalay muna tayo sa ngayon, pero pangako ko babalik ako," sabi niya sakin ng seryoso.

"Bakit? Ano ba kasing ginagawa mo? Bakit kailangan ilihim mo sakin 'to? Pwede naman natin sabay na harapin 'to kung may problema man di ba?" Tumango siya sakin.

"Kaya ako umuwi para sabihin 'to sayo, may inayos lang ako saglit para maitago kayo nila Aoi at Akane," sabi niya sakin at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now