CHAPTER 21

9.8K 466 139
                                    

Dedicated to: YoonminTrash9395

KIDD's POV

Asan na ba siya? Kanina pa ko paikot ikot dito pero hindi ko siya makita, isa pa pareho silang na wawala ni Danrious.

Pero mukhang kami-kami lang ang nakakapansin at hindi ang mga bisita.

Nag-usap na ba sila? Nagkita at nagkaayos? Medyo masakit sa dibdib 'tong na iisip ko pero anong magagawa ko?

Hindi ko hawak ang puso ni Kaelynn at lalo na ang desisyon na pipiliin niya. Kagabi bago ang paghahanda namin sa party na 'to ay kinausap ako ni kuya Daryl.

Sinabi niya sakin ang tunay na plano ni Danrious, medyo na inis talaga ako nung una dahil sinakaniya niya lahat ng problema. Hindi niya kami sinabihan at pinagkatiwalaan pero para nga mas pulido ang pag acting niya ay kailangan pati kami madala at mainis sa kaniya.

Oo sa totoo lang humanga ako sa kaibigan ko, pero na inis din ako dahil sinaktan niya ang asawa niya at ganun na din ang kambal.

Sinarili niya lahat ng 'to at hindi man lang humingi ng tulong galing samin. Pati sila Daniel ay wala pa ding alam tungkol dito.

Tanging ako lang at si kuya Daryl.
Siguro kaya sakin sinabi ni kuya 'to para malaman ko ang lugar ko.

Palihis na kasi ako ng palihis, unti-unti na kong nilalamon ng pagmamahal ko sa kaniya at hindi iniisip ang lugar ko.

Best friend ako ni Danrious at asawa niya si Kaelynn. Panget tignan kahit saang angulo pero wala tayong magagawa, mahal ko siya higit pa sa tingin ko sa sarili ko.

Sa ngayon na alam ko na ang buong kwento hahayaan ko na lang 'tong na raramdaman ko, katulad noon itatago ko na lang 'to at iintayin dumating ang tamang tao na para sakin.

Hindi ko alam if kailan saan o anong oras at araw pero bahala na. Mag iintay ako ng taong matatawag kong akin.

Sa sobrang frustration ko lumabas ako ng hotel at naglakad lakad, hahayaan ko na muna silang dalawa.

Sawa na kong makisingit at makihati pa kaya sana sa paglelet go ko na 'to ay maging masaya naman sila.

Kasi pag hindi baka tuluyan na naman akong umasa. Naglakad ako papuntang parking lot at pinaandar ang sasakyan ko.

Siguro naman ihahatid siya ni Danrious sa bahay namin kung hindi sure akong uuwi mag isa 'yun si Kaelynn dahil andun ang mga anak niya.

Pag umalis sila sa bahay lulungkot na naman ang mansion na yun, tatahimik at wala nang mga batang naglalaro at gigising sakin tuwing umaga.

Ayoko muna umuwi, baka maiyak ako pagnakita ko ang kambal na palabas ng pinto at sasalubungin ako.

Ayokong makita sila sa susunod na araw na aalis na sa bahay ko, ayokong makita sila na nagpaalam sakin.

Kahit sana sakin muna ang kambal eh o hindi kaya sana andito 'yung kapatid ko or pamangkin na makakasama pero wala eh.

Lagi ako mag isa, iniiwan nila.

Mangiyak ngiyak na ko sa sasakyan ko at halos manlabo na ang mata ko habang umiiyak. Pinarada ko muna ang sasakyan ko sa isang park at binuksan ang bintana nito para pumasok ang preskong hangin.

Huminga ako ng malalim at hinayaang umiyak doon ang sarili ko, wala naman tao dito at madilim kaya okay lang na ilabas ko lahat ng raramdaman ko dito.

Katulad sa lugar na 'to mag isa na naman ako. Siguro nga kailangan kong matuto mag isa at umasa sa sarili ko.

Hahayaan ko na lang na mag isa ako.

*tok tok*

Papasinghot na ko at pataas na ang timbre ng iyak ko ng biglang may na rinig akong kumatok sa pintuan ng sasakyan ko.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon