CHAPTER 18

9.3K 522 136
                                    

KAELYNN's POV

Nasan ako? Bakit ang dilim dito?

Nilingat ko ang buong paligid pero wala akong ibang na kita kundi ang kambal na mahigpit na nakakapit sa damit ko.

"Akane, Aoi ayos lang ba kayo? Humawak lang kayo kay mama hahanap tayo ng ilaw," tumango sila.

Patuloy kami naglakad at naghanap ng ilaw pero wala kaming na kita ni isa, pinagtataka ko lang sa lugar na 'to ay bakit wala akong ibang makita kundi itim at malinaw naman ang imahe ng dalawa kong anak?

Parang 'yung ilaw ay mismong kami mag iina, kaso kahit anong madaanan namin ganoon pa din at kulay itim.

"Mimi na tatakot na ato," sabi ni Akane at nagsimulang umiyak. Umeko ang iyak niya sa buong lugar na para ba kaming nakakakulong sa isang madilim na walang katapusan na silid.

"Mama ti papa." bigla akong napalingon sa tinuturo ng anak kong lalaki at na kita ko ang likod ni Danrious, kulay pula ang buong imahe niya sa paningin ko.

Para bang itim at pula lang ang kulay na pwede mong makita sa kwarto na 'to bukod saming tatlo.

Sinigaw ko ang pangalan niya at mabilis na binuhat ang mga anak ko para tumakbo.

"Dan! Dan!" Sigaw ko sa kaniya at bahagya siyang tumigil sa paglakad samin.

Natuwa ako dahil inaantay niya kami pero kahit anong bilis kong tumakbo ay hindi ko siya maabutan.

Para bang palayo siya ng palayo kada lalapit ako sa kaniya. Naiyak na ko kasabay ng pag-iyak ng mga anak ko.

Kahit pagod na pagod ako at hirap na hirap sa pagbibit sa dalawa kong anak ay pilit kong hinabol ang imahe niya at panay sigaw ng pangalan niya.

"DANRIOUS!" Dahan-dahan siyang humarap samin at halos tumigil ang pagtibok ng puso ko ng makita ko ang nakakatakot niyang mukha.

Puno ito ng dugo sa bibig, pulang pula na akala mo ay mga rosas, ganun din ang kaniyang mata at may halong itim ito.

Napaurong ako at ibinaba ang dalawang anak ko, hayok na hayok siyang tumakbo papalapit samin at para bang bumaliktad ang lahat.

Siya naman ang gustong makarating samin pero hindi para iligtas kami kundi para kagatin at siilin ang mga leeg namin.

Tumakbo ang dalawa kong anak at ako iniintay lang na patayin ng lalaking mahal ko, sa mga sandaling 'to na isip ko ayos lang ako.

Dahil si Danrious 'tong na sa harap ko, pumikit ako at mapait na tumulo ang mga luha ko.

Kasabay ng papalamit niyang imahe sakin ay ang biglang paghila sakin ng isa pang Danrious na kilala ko.

"Hindi ako ang alam mong nakikita mo," sabi niya at bigla akong na karamdam ng paghila sakin at.

"Mama tantali na! Dumiting ta na tase tantali na!" Naalimpungatan ako at kinusot ang mata ko.

"Mimi papatok na ti tito tidd no ta ba?" Mabilis akong tumakbo sa CR at nagmumog sabay ayos kaunti ng buhok at buhat sa dalawa kong anak.

Na madali kaming pumunta sa kusina para ipagluto ng umagahan ang tito Kidd nila kaso huli na.

Na kita ko siyang nakaupo sa harap ng pagkainan at iniintay na lang kami bumaba kasama ng pinaghain niyang pagkain.

"Good morning," bati niya at ngumiti ng malambing sakin.

"Good morning," bati ko at tumakbo ang kambal sa tito nila at humalik.

"Dudmownin tito Tidd," sabay nilang bigkas at yung mukha ni Kidd parang satisfied na satisfied sa buhay niya hahaha, ang cute ba naman ng mga anak ko eh. Okay na talaga kunin ni lord pagnilalambing ka ng kambal na 'to.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now