CHAPTER 15

9.3K 514 151
                                    

Dedicated to: @iloveyoursmile06

KIDD's POV

*KRRRRINGGGGGG*

"Tito Tidd dising na!" minulat ko ang mata ko at pinatay ang alam clock sa side table ko.

Mabilis na nagsipasukan ang kambal sa loob ng kwarto ko at nagsimulang yugyugin ako, si Akane panay ang pisil sa pisngi ko at si Aoi naman ay talon ng talon sa kama ko.

"Uy gising na ang tito niyo tama na 'yan Haha." na pangiti ako sa maganda bungad niya sa umaga ko.

Kinamot ko ang ulo ko saka inayos ang buhok ko.
"Ayos lang atleast kahit walang alarm magigisng ako hahaha." dinamba ako ni Aoi sa likod at pinasan ko 'to.

"Tito tidd tedy na kaw sa work," sabi niya at hinila naman ng maliit na kamay ni Akane ang dalawang daliri ko.

"Nagruto na si mimi ng breeeekpat mo po." na tawa na lang ako at hinayaan silang dalhin ako sa kusina. Binuhat ni Kaelynn si Akane at ako naman ay bakay si Aoi sa likod pababa ng hagdan papuntang kusina.

Binati kami ng mga maids ko sa mansion at nakangiti din ang mga ito. Sobrang aliwalas ng Mansion simula ng dumating sila dito dalawang linggo na ang nakakalipas.

Na sanay din ako sa routine namin na gigising ako ng kambal at ipagluluto ako ni Kaelynn ng umagahan, siya ang nagluluto ngayon dahil ayaw niyang maging pabigat sa mansion.

Kahit daw pag aasikaso lang sakin at pagluluto basta may maitulong lang siya kaya pumayag na din ako, isa pa masarap ang luto niya na ngayon ko lang na tikman.

"Tito tidd wat time ka uwi maya?" Pagtapos ko maghilamos ay umupo ako sa tabi nila.

"Ah ganoon na pa din 7pm para mas maaga why?" Tanong ko sa kaniya.

"Dali mo ah kasi manood tayo ng power render!" tawa ako ng tawa sa pagkakabigkas niya at nakaramdam na lang ako ng batok sakin.

"Kumain kana at malelate kana Kidd," sabi ni Kaelynn saka nilagyan ng sinangag ang plato ko.

Napangisi ako sabay tingin sa kaniya. Tinaasan niya ko ng kilay na pawang nagtatanong.

"Bakit?" Umiling ako at sabay subo.

"Woolomm," sabi ko habang may laman ang bibig.

"Hihihi." mahinhin na hagikhik ni Akane sabay subo din ng pagkain.

Kumain kaming apat sabay at saka ako pumasok, hinatid pa nila ako sa sasakyan at inantay makaalis.

Sa totoo lang wala na kong mahihiling pa, parang ayaw ko na matapos pa ang mga araw na kasama ko sila.

❦❦❦

Pumasok ako sa office ko at nagtrabaho, katulad pa din ng dati. Patuloy ko pa ding pinapatakbo ang kompanya namin ni papa dahil nga pinamana niya na sakin 'to ng mawala siya at wala naman si kuya Greed para tulungan ako sa kompanya dahil independent na siya simula pa lang ng magbinata siya, kaya ito ako sariling handle ng mga na iwan ni papa.

Pero hindi ko siya alintana ngayon, excited ko ngang tinatapos lahat ng paper works ko para makauwi agad at makabonding ang mag iina. Simula ng dumating sila sa mansion nagkabuhay 'to at sumaya.

Dati kasi ako lang mag isa, wala na si mama at ganun na din si papa, si kuya naman ay panalik balik lang ng bansa kaya tanging mga katulong at guard na lang ang kasama kong tumira doon.

Tamad akong umuwi sa bahay dahil ang ginagawa ko lang naman doon ay matulog pagtapos papasok na naman sa work kaya parang hindi siya bahay para sakin.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now