CHAPTER 14

8.9K 460 115
                                    

Dedicated to: @YourHighness28

KAELYNN's POV

Isang linggo ang ginugol namin sa paglalakalap ng inpormasyon tungkol sa balitang 'yun. Sa mga araw na lumipas unti unting sumasarado ang puso ko sa pag-asa na hindi totoo ang nalaman ko.

Pero nitong araw na laman naming lahat na walang kinalaman si Sir Danilo sa mga bagay na nang-yayari, wala siya sa bansa at isa pa si Danrious mismo ang nagpropose sa babaeng iyon.

Ewan ko ba, 'yung puso ko nung na laman ko ang balita na 'yun ay parang patay na. Ni hindi man ako na iyak nung na laman ko ang balitang siya mismo ang gumawa nun at walang kinalaman ang papa niya.

Parang puro galit na lang ang na raramdaman ko ngayon, hindi ako na aawa sa sarili ko kundi sa mga anak ko. Parang puro puot na lang ang na sa puso ko.

Matapos namin tiisin na wala siya samin, matapos namin sundin lahat ng utos niya dahil akala namin ay gagawin niya lahat para lang mabuo ang pamilya namin pero hindi may iba pala siyang pakay doon.

Ano? Inilayo niya kami dahil sagabal kami sa pagmamana niya ng kompanya ng ama niya?

Bakit? Kasi sawa na siya dahil na kuha niya na ang lahat sakin? Bakit? Kasi hindi niya na kami mahal ng mga anak niya?

Sawa na ba siyang maging ama sa mga batang 'to? Sawa na ba siyang magtrabaho at maging mahirap dahil sa pinili niya kami at ang buhay na 'to?

Kaya ba ngayon babalik siya sa puder ng ama niya para maranasan ulit ang kayaman? Ang sarap ng walang iniintinding sagabal?

'Yung walang nakatali sayong kadena dahil wala kang responsibilidad bilang asawa at ama sa mga anak mo?

Gusto ko mag mura! Gusto ko siyang saktan. Pero na isip ko hindi pa ko handa sa bagay na 'yun.

Gusto ko gumanti sa paraan na doble ang babalik na sakit sa kaniya, 'yung mapapamukha ko sa kaniya ang sinayang at binaliwala niya.

Hinding hindi ko ipapakitang na apektado ako sa ginawa niya at ipapangako kong hinding hindi siya makakalapit sa mga anak ko.

Halos madurog na ang puso ko sa mga ginawa niya samin, wala na kong ibang maramdaman.

Pumikit na lang ako at pinakinggan ang pagtatalo nila ate Ash at Daniel dito sa sala.

Tama andito si Daniel at kuya Daryl sa japan, byumahe sila dito pagtapos mabasa ang lahat sa news. Mukhang alam na din ni Sir Danilo ang lugar namin dahil dito pero wala na siyang balak pa kunin ang mga anak ko dahil sa balitang kinalat ng walang hiyang anak niyang si Danrious.

"Pero isipin mo na lang ate Ash, hindi ba't na walan na ng gana si papa sa kambal ng malaman ang balitang ikakasal si Rious? Baka naman pakana lang talaga to ni Rious? Kaelynn! Maniwala ka sa kakambal ko mahal ka nun!" sabi niya at wala akong ganang tignan siya.

"Niel miske ako kinakalaban na ni Rious about sa company. May balak siyang agawin lahat at lahat ng ginugul kong oras sa pagpapatakbo nito at mukhang mababali wala dahil sa kaniya." sabi ni kuya Daryl na lalong nagpakulo ng dugo ko.

Pati pala kapatid niya balak niya pangkalabanin, aangkinin niya lahat para sa sarili niya ni hindi niya man na isip ang mga kapatid niya?

Si Daniel na lang ang tanging umaasa kay Danrious pero lahat kami dito wala ng ganang paniwalaan siya.

Una dahil akala ko ako lang ang tinalikuran niya iyon pala pati ang mga kapatid niya, kinakalaban niya si kuya Daryl para makuha ang mga company na hawak nito.

Sunod ay ang pagpapakasal sa babaeng 'yun, balak niya iyon para makuha naman ang tiwala ng ama nila at ipamana sa kaniya lahat.

Hindi niya kinokontak ang mga kapatid niya kung may balak ba siya, talagang pinagplanuhan niya 'to para mawala lahat ng hadlang sa mana na makukuha niya.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now