DS CHAPTER 2

1.9K 99 19
                                    

GABRIELLE's POV

"Sorry Ms. Gab, but I need to kill you." Nanlambot ako at hindi na magawang gumalaw pa.

Napaluhod ako sa takot dahil pati si sir Six ay kulay pula na din ang mata.

Umeko sa utak ko ang sinabi niya at halos mapaiyak na ko sa takot nang biglang hawakan ni Daniel ang kamay ko at agawin ito kay sir Six.

"Hey, she's in my care kaya wag na wag niyo s'yang makakantin." matapang niyang sabi habang tinatago ako sa likod niya.

"But you see alam niya na ang pagkatao natin at walang kasiguraduhan na itatago niya lahat ng na lalaman niya tungkol sa inyo at sa school." Tumango si Daniel.

"Pero hindi mo ba nakikita kung gaano siya na tatakot ngayon? Kung kaya nyo s'yang patayin hindi pa ba sapat 'yun para tumahik siya?" tumingin si Six kay Daniel at tapos n'on sakin.

"Will you shut your mouth Ms. Gabrielle?" pinisil ni Daniel ang kamay ko parang pinapahiwatig na tumango na lang ako kaya kahit kabado ako ay tumango ako sa kaniya.

Ngumiti ito at na wala lahat ng bakas ng pagkahalimaw niya.

"Okay, then wala na tayong problema basta hindi lang ipagsasabi ni Ms. Gabrielle ang mga na kita niya ngayon." Lumapit siya sakin sabay ngiti ulit.

"Dahil kung malaman kong kumalat ito, I will make you suffer." napakapit ako kay Daniel ng mahigpit at umalis na si sir Six.

"Wag na kayo mag away okay? Bye!" sabi niya saka kinaway ang kamay niya habang bumababa ng hagdan.

"Tsk." tinignan ako ni Kidd sa mata at ganoon din si Daniel saka sumunod ng pag alis kay sir Six.

"Piece of sh*t," sabi niya kay Daniel at tuluyan ng umalis.

"Hay." napabuntong hininga ako at halos mapaupo na sa sobrang pagkalambot.

"Are you okay?" Tumango ako pero hindi pa din mawala sa utak ko ang nakita ko kanina kaya iniwas ko ang tingin ko sakaniya.

"Ipangako mo lang na hindi nalalabas ang nakita mo ngayon at ipapangako ko ding poprotektahan kita," sabi niya at umalis na.

"Akala ko maiintindihan mo ang lahat." pahabol niya at umalis na din at iniwan ako doon mag-isa.

Napaisip ako, ako pa ba ang may kasalanan? Bakit ako na kokonsensya eh, siya 'tong halimaw at hindi lang 'yun.

Nirape ng kambal niya ang ate ko. Mga walang hiya at naiinis ako dahil wala akong na gawa.

Napayakap ako sa katawan ko na patuloy pa ding na nginginig.

Anong gagawin ko ngayon? Si ate Kaelynn kaya okay lang?

Kahit takot na takot ako ay pilit kong pinuntahan ang classroom nila Red at hinanap siya dito. Bawat istudyante na na dadaanan ko ay tinititigan kong maige.

Anong pinagkaiba nila samin? Pano ko malalaman kung sino ang normal na tao at sino ang bampira sa school na ito?

"Uy Gabs napadalaw ka sa room namin anong kailangan mo?" Malambing na bati sakin ni ate Nana sabay ngiti.

"Ah, a-ate si kuya Red ba hi-hindi pa din pa-pasok bu-bukas?" Nagtaka siya bakit na nginginig ang buong katawan ko at para bang na gulat siya.

"Ah-- eh ah, hindi ko alam pasensya ka na." umiwas siya ng tingin sakin at ewan ko ba ba't parang naluluha na ako.

Siguro kasi alam ko na, na isa din s'yang bampira katulad nila, 'yung pag-iwas niya ng tingin sakin at 'yung pag-aalala niya ay halatang halata na may tinatago siya at iniisip.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now