Ika-apat na Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

"Enrique !!!" sigaw ni Kathryn. Tatakbo na sana siya pero pinigilan siya ni Lucas. Kinuha naman ni Julia ang kanyang espada na ginagamit sa fencing pero naunahan na sila ni Victoria.

Gumapang paakyat kay Enrique ang babaeng zombie. Wala na itong isang mata at ang ibabang panga ay natapyas na. Kulang-kulang ang mda daliri at ang kalahating katawan ay wala na. Kita mo ang bituka nitong naka lawit. Hindi na ito madugo at medyo maitim na. Senyales na matagal na itong patay.

Sinubukan ni Enrique itong tanggalin pero nandidiri siyang hawakan at masyadong mataas ang sikat ng araw. Malabo ang paningin niya at hindi niya pa mabuksan ng buo ang kanyang mata. Hindi kinakabahan si Enrique. Sa totoo nga ay gusto niya na ito mangyari sa kaniya dahil wala na naman siyang aasahan sa buhay niya.

Wala na ang kanyang magulang. Ang kanyang mahal na babae ay namatay sa kanyang harapan. Para sa kaniya, ganitong sitwasyon na lang ang iniintay niya.

Na aamoy na ni Enrique ang mabahong hininga ng bangkay na gumagapang palapit sa kanyang mukha. Gustuhin man niyang makagat siya nito ay hindi rin pwede, hindi ganun kadali dahil wala na ang ibabang parte ng panga.

*GRRRUH*

Malapit na ito sa mukha niya. Nararamdaman niya ang mapurol nitong kuko sa mga braso niya. Pumikit na siya at handa ng mag paalam.

Subalit... hindi ito natuloy.

Nagulat siya ng bumagsak ang ulo nito sa dibdib niya. May panang naka tama sa gilid ng ulo nito. Agad niya itong itinulak palayo sa kaniya. May humarang na imahe sa sikat ng araw. Tinakpan niya ang bandang itaas ng kanyang mata para makita ng malinaw kung sino ang nag ligtas sa kaniya. Nakita niya ang taong nag mamaneho ng motorsiklo.

Tinanggal ni Victoria ang kanyang helmet at nalaglag ang kanyang buhok. Tumayo agad si Enrique ng makitang babae ang nasa harapan niya. Tinitigan niya itong mabuti.

Kasing tangkad niya ito at naka boots na itim. May suot siyang black na jacket na may dalawang holster para sa kaniyang baril. Pulang v-neck shirt ang pang loob niya. Naka dark green siyang shorts at may isang knife holster ulit sa kanyang kanang hita. May kulay itim ang kanyang mga kuko at madaming abubot sa may pulso. Maputla ang kulay nito, yung kulay ng mga albino. Yung talagang sobrang puti na pag dumikit sa snow ay hindi mo na makikita. Kulay tsokolate ang kanyang mga mata at medyo maitim ang ilalim nito na para bang kulang sa tulog. Katamtaman lang ang payat nito. Medyo wavy ang bagsak niyang buhok at napansin ni Enrique ang tatlong highlights nito sa buhok sa may bandang ibaba : pink, violet at orange.

"May sira ka ba sa ulo?!" tanung ni Victoria. Kumunot ang noo ni Enrique sa tanung nito. Tumakbo sila Julia palapit sa dalawa. Humawak si Kathryn sa braso ni Enrique.

"A-anu?" tanung ng binata. Pinunas ni Victoria ang palad niya sa kanyang mukha at umiling.

"Nakita ko kung anu ang ginagawa mo kanina..." tinuro ni Victoria ang patay na babae na gumapang kay Enrique, "pinapabayaan mo itong lumapit sa mukha mo. Pinapabayaan mo itong kunin ang isang bagay na gusto ng marami : ang iyong buhay."

"Hindi mo ba naisip na may mga tao ngayon na nag hihingalo. May mga tao diyan na nahihirapan. May mga taong handang gawin ang lahat mapunta lang sa mga pwesto natin, sa pwesto mo. Ang buhay natin ang pinaka importanteng bagay ngayon. Not food. Not water. Not shelter. Just life and everything will be okay."

Napa tingin lang silang apat kay Victoria at nagulat ng biglang inilapit niya ang mukha niya kay Enrique. Seryoso ang mukha nito.

"Kung gusto mong sayangin ang buhay mo, its fine with me. Its all fine with us. Pero wag mo itong gawin sa harapin natin. Or don't even give us an idea about it. Dahil once na gawin mo yan ulit, ako na mismo ang kukuha ng buhay mo."

Already GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon