"Pakitawagan naman ulit at paki sabi na si Gabs 'to." matapang kong sabi at nagtinginan lang ulit sila.

Umalis ulit 'yung isa at maya-maya ay lumabas na ulit 'to.

"Hindi daw po kilala, paalisin na daw po," sabi nito na lalong nagpainit ng dugo ko.

Matapos kong akyatin at sayangin ang pera ko para sa pamasahe ay hindi niya man lang ako haharapin o makausap man lang.

Ang matindi pa n'yan itinanggi niya pa ko!

"Hoy! Daniel Lockhart baka! Lumabas ka diyan aho!" sigaw ko with matching Japanese words pa na halatang nagpawirdo ng tingin sakin ng mga gwardya.

"Maam wag na po tayo mag iskandalo dito hindi ka din po nila maririnig." inabot ko ang kwelyo niya at dumakit ang mukha niya sa bakal ng gate nila.

"Wala akong pake kung isa ka sa kanila o kung malakas ka pa sakin pero ito sabihin mo sa amo mo ah, wala din akong kilalang Daniel Lockhart paghindi niya ko kinausap sa school!" sabi ko at binitawan ang kwelyo niya.

Lumingat lingat ako sa paligid at hinanap ang CCTV nila sa gate, tumingin ako dito at nag bad finger saka winagayway 'to.

"Tsk, sayang ang effort." bulong ko at padabog na umalis.

Nang makita ko ulit ang daan ay na lula ako at para bang mangiyak ngiyak na inisip na sayang lang lahat ng hirap ko kanina.

Ngayon naman ay dadausdos akong maige sa bwisit na daan na 'to.

Mukha along tanga nakabadongkabado at galit na galit habang dahan-dahan kong binababa ang katawan ko sa lintik na daan na 'to.

Untimg maling hakbang lang gugulong ako dito, bwiset na mga bampira ito pahirap talaga.

Mabilis akong nakababa dahil sa padausdos na ito pababa, muntikan na din masira ang nag iisa kong rubber shoes dahil sa ginawa ko 'tong preno pababa.

Inames na buhay ito puro kamalasan simula ng ipanganak ako!

Inis na inis akong umuwi sa apartment ko at sumalampak sa kama saka kinuha 'yung laptop kong bulok at na nood na lang ng anime na pinapasa ko pa noon sa tropa ko.

"Ba't ba kasi walang internet." inis kong bulong at pagbukas ko ng laptop saktong pa low ba't pa ito na lalong magpainit ng ulo ko sa inis.

"Ahhh! Ba't ba ang malas-malas ko? Bwisit na buhay 'to!" Sigaw ko at nagpagulong gulong sa kama.

Walang may pake sakin dahil wala si kuya Red at ate Nana dahil kakapasok lang nila, gabi na at pagod na pagod na ko sa lakad na 'yun tapos wala naman ako na pala.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng makakain doon saka nakita ang tirang ulam ni ate Nana sakin.

May note pa ito at sabing initin ko na lang."Hayyyy." napabuntong hininga ako at ginawa ang nakasulat sa lalagyan.

Pinainit ito at kinain saka, tinignan ko ang orasan at may 8 hours pa ko para matulog.

Kung hindi ko siya makikita sa bahay edi iintayin ko siya sa school. Titignan ko kung pumasok na siya tutal matagal na naman siyang magaling hindi ba, baka bumalik na siya sa school.

Ngumiti ako at pumunta na sa kwarto ko para matulog.

❦❦❦

Alas kwatro na ng umaga at andito ako sa tapat ng gate namin at nakahood, tinitignan ko ang bawat istudyanteng na labas sa school at kahit anong gawin tago ko sa mukha ko at napapansin pa rin nila ako dahil sa amoy ko.

Dahil ako lang ang mortal dito.

Malayo pa lang ay na tanaw ko na siya at mabilis akong pumasok sa loob ng school ng naka ID pero hindi nakauniform.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now