Ganito naman talaga. Hindi ko rin naman kayang magtanong sa kanya kahit na gising pa siya.

"Kahit sinaktan mo na ako sa ginawa mo, bakit hindi kita maiwan-iwan? Kahit hindi mo ako kailangan."

Ganito ba talaga kapag mahal mo yung isang tao? Parang kahapon lang, desidido na ako na ipahinga yung puso ko para sa kanya. Na huwag nang umasa. Kasi pagod na ako, eh. Pagod na ako na masaktan dahil sa kanya. Pagod na ako na paulit-ulit siyang sabayan sa pagtakbo kahit na palagi niya akong iniiwanan.

Pero no'ng makita ko siyang magising, noong mapatingin siya sa akin...wala, eh.

Biglang back to zero ulit ako kasi yung naisip ko na gagawin ko, parang gusto ko na lang atrasan. Naisip ko, ah, bahala na.

Bahala na talaga.

Pwede na siguro akong parangalan bilang dakilang martir ng taon. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit may mga klase ng tao na kahit nasasaktan na, eh, hindi pa rin sumusuko.

Hay, ang masokista ko naman.

Nilapit ko yung palad niya sa labi ko para kintalan ng mumunting halik. "South... You're a sadist."

"Oh."

Natigilan ako. Parang nanigas yata yung tuhod pati na rin yung kalamnan ko nang marinig yung boses niya.

Shit!

Ano 'yon? Nag-i-imagine ba ako?

Parang ayokong lingunin si South. Pero wala. Napatingin din ako sa kanya.

Ang galing ng timing.

Ang bilis-bilis ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kanya. Gising na siya! At talaga namang ayaw niyang alisin ang tingin sa akin! "G-gising ka na?"

Sa kabila ng kalagayan ay nagawa niya akong pagtaasan ng kilay. "Hindi." May halong sarcasm na sagot niya sa kabila ng paos na boses. "Tulog pa ako."

Napairap ako. Panira ng moment! Talaga namang iyon talaga yung unang isasagot niya sa akin. Kakagising lang nambabara na agad.

Hay, South.

Bibitawan ko na sana yung kamay niya nang kumapit siya pabalik. Napatitig ako sa kanya. She shook her head, silently telling me to stay still.

"Kamusta na yung pakiramdam mo? Ma masakit ba sa'yo? Tubig? Gusto mo ng tubig?" Tinanguhan niya ako. Kukuha na sana ako ng tubig kaso ayaw naman niyang bitawan yung kamay ko. "South."

"Ayoko na pala." She said firmly.

Kumunot yung noo ko. "Pero—"

"Upo."

At dahil matigas ang ulo niya, wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Tahimik lang naman na pumikit ulit siya. "Inaantok ka?"

"No."

Okay...

Walang nagsasalita sa amin. Hindi naman awkward pero medyo nawiwirduhan lang ako.

Una sa lahat, ayaw niyang bitawan yung kamay ko. Pangalawa, medyo—as in medyo mabait siya ngayon. Hindi ako ini-snob, eh.

Oh, baka naman epekto lang yun ng nangyari? O kaya baka dahil sa gamot? Or dahil sa ambiance ng kwartong 'to? Hindi ko alam.

"South?"

"Hm?"

Huminga ako ng malalim. "Anong nangyari?"

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang ako sa mukha niya but she didn't dare to open her eyes. Biglang bumigat yung pakiramdam ko. "Alam mo ba kung gaano kasakit sa amin yung ginawa mo? Alam mo ba kung gaano kadami yung iniyak namin nang dahil sa'yo?"

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang