Chapter 43

21.7K 1K 172
                                    

Too Much

--

Nakatayo lang ako rito sa gilid. Nakahawak si North sa kamay ng natutulog pa rin na si South habang nasa kabila naman si East kasama ang kambal nito. Halos lahat kami, namamaga ang mga mata. Halatang hindi tumigil sa pag-iyak.

I sighed. Nang nalaman namin na ligtas na sa kapahamakan si South ay saka lang kami nakahinga ng maluwag. Mabuti na lang at naagapan namin. Ininom niya kasi yung beer na nakita ko para mapabilis yung effect nung sleeping pills na ininom niya.

Ang sabi ng doktor na nag-check sa kanya, hindi mataas ang dosage ng mga sleeping pills na available ngayon unlike before pero posible pa ring maging delikado ito lalo na kung sobra-sobra ang intake.

Posibleng malagay ang buhay niya sa bingit ng kamatayan kung hindi ko agad siya nakita, kung hindi namin agad siya naidala sa hospital. And I will forever blame myself if something worse than this will happen.

Hanggang ngayon marami pa rin akong tanong. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin kina North. Noong nagtanong sila, wala. Wala akong mabigay na explanation.

Ako yung huling kasama ni South sa office. Kung hindi ko lang sana siya iniwan, kung binantayan ko lang siya, kung sinabayan ko siya pag-uwi, siguro wala kami sa lugar na 'to ngayon. Maybe she's still in her room.

Hindi na baleng araw-araw niya akong padalihan ng mga mood swings niya, hindi na baleng ii-snob niya ako or sungitan, or iwan-iwanan. Huwag lang sana yung ganito na muntik niya na kaming iwanan ng permanente.

Nakakatakot.

Nakakatakot pala talaga na yung taong sobrang importante sa'yo, yung taong mahal na mahal mo ay makikita mo sa ganoong sitwasyon. Muntik ko nang makalimutan kung paano mag-isip. Kasi kapag nangyari na sa harap mo mismo, matitigilan ka na lang, eh. Para akong nasa state of shock. Parang kapag may lindol, panic mode agad.

Malilimutan mo yung precautionary measures. Pero wala namang gano'n kapag mahal mo na sa buhay ang usapan, eh. How can you stay calm when you're aware that you might lose someone in any moment?

Natigilan ako nang may malamig na kamay na humawak sa akin. Kay North pala. "B-bakit?"

"Okay ka lang?" Tanong niya. Hinigpitan niya yung kamay na nakakapit sa akin. Iginiya niya ako para maupo sa extra chair sa tabi niya.

Halos mahugot ko naman ang hininga nang makita siya ng malapitan. South looked so pale and...sad.

"Namumutla ka."

"I'm fine." Mahinang sagot ko. I intertwined our hands. Pinasandal niya rin ako sa balikat niya. Namumutla na rin naman siya pati yung mga kapatid niya at gaya ko, pare-parehas kaming may mga eyebags na. Mabuti na lang may ganito akong klase ng kaibigan. Sobrang mabait at understanding. "Sana magising na siya."

"I know she will." Sinilip ko yung mukha niya at napansin ang isang tipid ngunit hopeful na ngiti. "Si South 'yan, eh."

"Pero bakit niya 'yon ginawa?" Hindi ko maiwasang itanong. Bakit kasi gano'n? Ang okay naman ng lahat kahapon pero biglang...biglang ito na. Ang bilis naman yata.

Anong nangyari?

Wala namang kakaiba sa kanya noong araw na magkasama kami. O baka naman hindi ko lang napansin?

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Where stories live. Discover now