Chapter 5

30.7K 1K 141
                                    

Napatingin ako sa tapat na pinto ng kwarto ko. Kanino pa ba iyon, edi kay South. Naalala ko na hindi nga pala siya rito natulog. 5:00 am na rin, eh. Medyo maaga kaysa sa karaniwan ang gising ko ngayong Sabado, eh, kaso wala. Ayaw na 'ko pabalikin sa tulog ng kung sino mang espiritung gumambala sa'kin. Joke! Baka magkatotoo.

Kamusta na kaya 'yong batang 'yon? Tulog pa kaya siya? Ang tanong, nakatulog naman kaya siya ng maayos? Nag-enjoy ba siya doon kina Elli? Hindi ba siya nainip, na-out of place, o kaya—man!

Bakit ang dami mong tanong, Jade Asia? Puro ka na lang South, South, South! Tigilan mo na 'yong bata, maawa ka!

Natapik ko na lang ang sariling pisngi bago naglakad papuntang kusina. Pagdating ko ro'n ay halos mapamura ako nang makita ko si South na prenteng nakaupo at umiinom ng kape, nakatunganga rin siya sa cellphone niya na palagay ko ay Wattpad lang ang naka-display. Jusko, maaga akong mamamatay sa gulat, eh.

"Kanina ka pa?" natanong ko na lang.

Lumingon naman siya sa'kin. Pinanood ko pa muna siyang ipagtimpla ako ng kape at inabot ito sa akin na, well, tinanggap ko na rin dahil sayang, bago siya sumagot. "Hindi naman."

"Oh, okay." Dala ang kape ay umupo ako sa tabi niya at pinanood lang siya na makipagtitigan sa phone niya. Grabe, laspag na sa sobrang pagkakagamit. "Hindi ba lumalabo mata mo kakabasa niyan?"

"Malabo na. Actually nahihirapan na rin ako makaaninag lalo na sa dilim." Walang lingon na sagot niya.

"Oh. Eh, bakit ayaw mo pa magpasalamin?"

Kinunutan niya 'ko ng noo. As usual, lagi naman siyang ganyan sa'kin. Sus! Hindi pa ba ako masasanay. "Mas nakakasira ng mata kung magsasalamin."

"Ewan ko sa'yo."

Hindi na ulit siya nagsalita. Grabe lang 'tong babaeng 'to, napaka-antisocial! Maanong i-entertain man lang ako! Wala, mas mahal niya pa 'yong Wattpad niya, eh.

Oh, siya, sige. I'll just give her the privilege na mas makausap ako ng matagal. Ako na ang gagawa ng topic! Nahiya naman ako sa katahimikan niya. Humigop ako ng kape. "Kamusta nga pala yung pagpunta mo kina Elli?"

She shrugged. "Ayos lang."

What the. 'Yon lang? Ayos lang talaga ang kaya niyang isagot? Wow naman, halatang nag-effort siya.

Aalis na dapat ako dahil nagsasayang lang ako nang laway sa kanya nang hawakan niya ako sa braso. Tumingin ako sa kanya pero hindi naman siya nalingon sa'kin. So ayon, umupo na lang ulit ako.

Maya-maya lang din ay binaba niya ang phone at nagbaba ng tingin. Nilalaru-laro niya ang daliri pero hindi ko naman mabasa kung anong expression niya. "Mga bandang hapon nang pumunta kami kina Race, yung isa rin sa mga kaibigan ko."

"Oh, anong nangyari?"

Tumawa siya ng saglit lang. "Galit pa rin yata siya?" Tumawa ulit siya pero robotic na ang dating. "Ano pa bang inaano niya, nakapunta naman ako sa birthday niya no'n kahit napilitan lang ako."

Oh. Okay, ito yata 'yong naikwento sa akin ni North noon. Oh, well. "Hindi ka ba kinakausap?"

"Kinakausap naman. Pero distant siya. Aba, kulang na lang iwan ko sila ni Elli kasi sila lang halos ang nag-uusap, eh. Nakakahiya naman na nasingit ako sa usapan nila tapos ini-ignore lang ako." Napakamot siya sa leeg niya. Yung kamay ko naman ang hinila't pinaglaruan niya.

"Baka naman kasi may nagawa ka lang na hindi mo alam." Sabi ko na lang. Ang OA naman kasi kung parang 'yon lang, eh, magiging distant na 'yong si Race. Grabe naman siya magtanim ng sama ng loob. Oo nga't may pagka-insensitive itong si South pero tingin ko naman ay mabuti pa rin siyang kaibigan. Like, bakit siya pa ang kokontakin ni Elli at pakikiusapan nitong makitulog sa kanila kung pwede naman itong makiusap sa iba pa nilang kaibigan? Ibig sabihin, once in her life, naging mabait naman siya.

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora