Chapter 45

25.2K 1.2K 376
                                    

Whisper

--

Magaan sa pakiramdam na nakikita kong nakangiti na ulit sina North habang nakamasid kay South na himbing na himbing sa pagtulog. Saglit lang kasi itong nagising.

Natingnan na siya kanina ng Doctor, mabuti na lang at okay na siya. Kaunting pahinga na lang at pwede nang ma-discharge si South.

"Pwede na ba tayong umuwi kapag nagising na siya?" Tanong ni East kay North.

Nagkibit-balikat naman ito at ngumiti, "Depende."

"Sana pwede na!"

Natawa ako. Hyper na naman si East samantalang si West ay nakakangiti na.

"Ang mabuti pa, umuwi muna tayo." North said, "Kumuha na tayo ng damit para may pamalit si South kung sakali."

"Sinong maiiwan dito?"

"Edi si Jade." My best friend answered na para bang natural lang na iyon ang isagot.

Natigilan tuloy ako saglit. "Ako?" Tinuro ko ang sarili. "Bakit ako?"

"Eh, alangang ako?" North raised an eyebrow. Nagsisimula na naman siyang magtaray.

"Malamang. Kapatid ka ni South, eh."

"Ayaw mong makausap yung kapatid ko? Ayaw mong bantayan?" She asked. Yung tono ng boses niya parang nanay na kailangan mong sagutin ng maayos. "Akala mo ba hindi ko napapansin?"

Napaiwas ako ng tingin. Alam ko yung ganoong klase ng tingin niya. Alam ko naman napapansin niya na parang ilag ako. Oo nga at nandito ako, pero siguro halata niya na talaga noong una pa lang na hindi ako lumalapit sa pwesto ni South.

Ayoko naman din kasing umuwi. Pero ayokong lumapit. Sobra na nga yung nakikita ko siya, eh. Pakiramdam ko lalo akong manlalambot kapag lumapit ako. Baka magbago bigla yung isip ko sa naging decision ko.

"Samahan ko na lang si Jade na—"

"No, West." Umiling siya. "Kailangan mo na ring umuwi. Wala ka ring pahinga. Namamayat na kayong dalawa." Pagpuna niya sa kambal Tumingin siya sa akin. "Maiwan ka rito, Jade. Okay? Magdadala na lang din kami ng damit mo."

Napabuntong hininga ako. "Sige. Sige."

Kung kailan naman gusto kong idistansiya yung sarili ko saka pa 'to gagawin ni North. Mabilis silang nag-ayos. Tinanong pa ng kambal kung may gusto ba akong pagkain na pwedeng dalhin pero tumanggi na ako. Hindi rin naman kasi ako gutom, tsaka may canteen naman.

Pagkatapos no'n ay umalis din sila at siyempre, hindi nakalimutan ni North na ibilin sa akin si South. Napabuntong-hininga ako nang makaalis sila. Ako na lang ang narito.

Napatingin ako kay South. Hindi na ako makapagpigil. Gustung-gusto ko na siyang lapitan. Bakit ba ang hina ko pagdating sa kanya?

Napapikit ako at napasandal sa kinaupuan.

Self-control, Jade. Ayaw mo nang umasa, 'di ba? Hindi ka makakaalis sa situation mo kung hindi mo magagawang tiisin si South.

Paano ako makakalayo sa kanya kung ngayon pa lang na kami lang dalawa ang magkasama, gusto ko na siyang sugurin ng yakap?

Napatingin ako sa babaeng dahilan kung bakit para akong nap-praning na kinakausap ang sarili. Napa-face palm ako at tumayo. "Huwag ka munang magigising."

Lumipat ako ng pwesto. Sa tabi niya. Hinawakan ko yung kamay ni South at pinisil ng marahan. I miss you...

"Nakakainis ka. Bakit hindi kita matiis?" Tanong ko kahit na alam ko namang wala siyang maisasagot.

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Where stories live. Discover now