Chapter 8

27K 955 121
                                    

Piqued

--

"South, gising."

Tinapik ko ng mahina ang pisngi niya, good thing dahil hindi siya mahirap gisingin. Tumingin lang siya sa'kin tapos yumuko. Ang seryoso naman nito.

"Tapos na yung thirty minutes." Bulong ko sa kanya.

"Oo." Medyo paos na sagot niya. Isa 'yan sa napansin ko sa kanya, medyo hoarse ang boses niya kapag bagong gising lalo na kung umaga. Nakuwento rin sa'kin minsan ni East na mabilis mapaos si Bata.

"Jacket mo, oh." Sabi ko habang inaabot yung jacket nang makatayo siya pero inilingan niya ako.

"Sa'yo muna."

Hindi na 'ko kumontra at sinuot ulit ito, nilalamig din naman ako. Sinundan ko siyang maglakad hanggang sa makalabas kami sa woods-like property na 'yon na pinasukan namin. May nilapitan siyang bike na naka-park. Sumakay siya do'n at tumingin sa'kin, "Angkas na."

"Wait," Kumunot ang noo ko. "'Yan ang sasakyan natin?"

"Hindi ba halata? Mukha ba 'tong Ducatti?" Sarcastic na sagot niya.

Sungit talaga. Edi aangkas na.

Nag-pedal na siya ng tahimik. Mabuti na lang suot ko 'yong jacket niya, tumatama kasi 'yong hangin sa'min kaya malamig. "South, 'di ka nilalamig?"

"Nope."

"Sure?"

"Oo. Nakayakap ka naman, eh."

Pakiramdam ko nag-init ang mukha ko. Nakayakap nga pala talaga ako sa kanya, ayoko namang bumitaw kasi baka mahulog ako. Ang bilis pa naman niyang mag-bike. "Makakauwi ba tayo na bike lang?"

"Hindi."

Napairap na lang ako sa kapilosopohan niya. Hindi na nga 'ko magtatanong!

After a few more minutes ay hindi na rin ako nakatiis. Matutuyo na laway ko dito lahat-lahat pero tahimik pa rin siya. "South."

Walang sagot. Ah, baka hindi narinig. Napa-ismid ako.

"'Uy, South."

"Bakit?"

"May crush ka?" Very good, Jade, napakahusay mong magtanong!

"Bakit?"

"Tanong lang."

Mga ilang seconds din ang lumipas na hinintay ko. "Wala."

Ay, wow, "Totoo?"

"Don't ask kung hindi ka maniniwala." Masungit na sagot niya sa'kin kaya tumahimik na lang ulit ako.

Eh, sa hindi kapani-paniwala, eh. Ako nga may crush, kahit si North baby meron, tapos siya wala? Ang sarap lang niyang parangalan ng Kamanhidan Award.

Sumandal na lang ako sa likuran niya at hinigpitan pa ang pagkakayakap. Ang bango naman ni South. Saka in all fairness naman talaga, sobrang flat ng stomach niya. Yay, sexy! Pumikit ako as I savor the moment. Minsan lang 'to!

Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na nagpe-pedal at kung gaano na rin ako katagal na nakayakap sa likod niya, basta namalayan ko na lang na nakauwi na kami. Hay, bitin.

Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay at sinalubong kami ni North at no'ng kambal.

"Ate South!" Lumapit sa kanya si East at niyakap siya, I saw her smiled at niyakap pabalik ang bunso. Ang ganda talaga ng ngiti.

Bumitaw na siya upang kumurot naman sa pisngi ni West na wala namang reaction. And at last, parang bata siyang yumakap kay North at sumiksik dito. "Inaantok na 'ko."

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Where stories live. Discover now