Chapter 20

23.2K 1K 473
                                    

Prank Bounced Back

--

"Para kang lutang."

"Hindi." Nakangiting sagot ko kay North sa kabila nang weird na pagkakatitig niya sa akin.

Kanina pa nga nakatingin sa akin yung mga ibang professors na nandito sa loob ng faculty. At nandito ako sa faculty nina bespren. Eh, wala. Wala naman akong ka-close doon sa ibang faculty.

Hindi rin ako lutang. Sadyang masaya lang ako. Sa sobrang saya ko ay wala nang makakasira ng araw ko. Except na lang kung ang mismong dahilan ng kasiyahan ko ang sisira no'n. Na madali lang niyang magagawa. Sino pa ba?

Edi si South.

"Hindi ka pa ba aalis?" Tanong niya sa akin na parang kating-kati nang palayasin ako. Hinila niya ako ng kaunti palapit. "Kulang na lang kainin ka ng mga lalaki rito," bulong niya.

Nag-pout lang ako at nagkibit ng balikat. Hindi na naman bago sa akin na marami talagang nagkakagusto sa akin. Hindi ako nagmamayabang pero iyon ang totoo. Maganda rin naman si North pero sa sobrang strict at professional niya ay walang nangingiming lapitan ang kaibigan ko. Kalog naman si North, ang kaso ay inborn na sa kanya ang pagiging strikto.

Hindi ko pinansin yung mga tinging nakukuha ko sa ibang mga tao, tinaasan ko lang ng kilay si North. "Hirap talaga maging maganda."

"Mas mahirap maging baliw."

"Bad ka, Baby North." Nagtatampo kunong reaction ko. "Tanghali na, oh. Kain na tayo."

Tumingin siya sa relo niya. Kinuha niya yung phone niya at nakita kong tine-text si South. Hala, wala pa nga pala akong number niya.

Mabilis pa sa alas-cuatro na pinakatitigan at kinabisado ko ang numerong nasa screen. Inulit-ulit ko ito sa isip ko at nag-victory smile dahil tumatak na yung number sa akin. Mai-text nga siya mamaya.

"Hoy, Jade," Napatingin ako sa kanya. Nakatago na yung selpon niya at mataman nang nakatingin sa akin. "Okay ka lang ba talaga? Para kang nababaliw."

"Mean talaga." Kinabig ko siya sa braso at hinila na paalis. "Kain na tayo. Gutom na me."

Excited na ako kumain! Nabasa ko kasi yung text ni Northy na ini-invite niyang kumain ang kapatid. Knowing that kid, hindi iyon tatanggi sa pagkain lalo na't mala-alien sa katakawan iyon. Yay.

Hay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa niyang pag-kiss sa noo ko, to think na ilang araw na ang lumipas. Kinikilig pa rin ako! Gosh, ang tanda ko na para do'n! Ayon nga lang, wala akong nagawa kung hindi maghilamos. Kawawa naman personal hygiene ko kung hindi. Gagawa na lang ako ng paraan para maulit iyon. Sana sa lips naman.

Naabutan namin along the way si Bata. Napangiti siya pagkakita sa kapatid pero nang mapatingin siya sa akin ay, ehem, wala. Edi poker faced.

Parang paslit itong yumakap sa nakatatandang kapatid. "Ate."

North patted her head at nakita ko ang mabilis na pag-smile nito. Napangiti na rin tuloy ako kasi ang sweet nilang magkapatid. "Kamustang klase mo? Okay na ba 'yang paa mo?"

Tumango si South. Naka-crutch pa rin kasi siya hanggang ngayon. Ayos na ang paa niya pero hindi pa rin pwedeng biglain.

"Kain na tayo?" Mabilis na tanong nito at saka ako binalingan ng tingin. Umangat ang kabilang dulo ng labi niya. "Libre mo ba, Ma'am?"

"Hin—"

"Halika na. Gutom na ako."

Wala na kaming nagawa nang mauna itong maglakad kahit pa gumagamit ito ng saklay. Napatingin sa akin si North at ngumisi. "Oh, libre mo raw, best friend."

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Where stories live. Discover now