Chapter 24

23.4K 912 64
                                    

Messy Thoughts

--

Napalingon ako kay North. Inabot niya sa akin yung coffee ko bago maupo. "Ang laki ng eye bags mo. Okay ka lang?"

"Hm?" Pasimple akong napalunok. Nag-flashback na naman sa isip ko yung ginawa ng kapatid niya. Umiling-iling lang ako. "Ano ka ba, okay lang ako."

"Sure?"

Humigop ako sa inumin. "Hundred percent. Ikaw talaga," Kinindatan ko ang best friend ko. "Grabe 'yang concern mo sa'kin. Iba na 'yan!"

Inirapan niya ako at hindi na pinansin. Sa loob-loob ko, eh, nakahinga ako ng maluwag kasi hindi na siya nang-usisa pa. Dahil sa totoo lang, hindi ako okay. Shit, sinong magiging okay pagkatapos kang halikan ng taong gusto mo? Fine, gusto ko yung kiss. Kung pwede nga lang maulit, eh. Pero ang problema ko, bakit niya ako hinalikan? And here I thought she's straight. Or...

Knowing South, masyadong magulo yung ginagawa niya, sinasabi niya. Ni hindi ko nga maipaliwanag kung anong tumatakbo sa utak niya.

Bakit siya gagawa ng bagay na hindi niya dapat gawin? More on, anong dahilan? Ano 'yon, napatitig lang siya sa lips ko tapos na-tempt na siyang humalik? Imposible. Hindi kaya nahahalata na niya ako? Na may gusto ako sa kanya? Hindi kaya gusto niyang kumuha ng sagot sa tanong niya? Ano yung tanong niya? Pero sabi niya, kaibigan na ang tingin niya sa akin. Hinahalikan niya ba lahat ng friends niya? Hindi naman siguro.

Nakaramdam ako ng familiar na paninikip ng dibdib na sa kanya ko lang nararamdaman. Maisip ko pa lang na may hinahalikan siyang iba, nagseselos na ako. Napaka-selosa ko naman! Hindi ako ito, eh! Paano ba ito mapipigilan? Itong feelings ko? Lalo na't nagsisimula na akong mag-assume na baka, baka...may pag-asa ako. At kasalanan 'yon ng ginawa niya!

Dahil sa halik niya, napuyat ako kakaisip! Paulit-ulit na nagf-flashback iyon sa isip ko. Para na nga akong tanga kakahawak sa labi ko.

"Jade?"

"B-bakit?" Automatic na bumilis yung heartbeat ko. Bigla akong kinabahan. Nakakahalata na rin kaya siya? Hindi ko kaagad na-realize na nag-spaced out na pala ako.

"Sa totoo lang, nakahinga ako ng maluwag." Bumuntong hininga siya at tahimik na ininom ang kape. Bumalik ang mata niya sa akin. Pansin kong parang nawala yung tense sa katawan niya, parang ang gaan na ng aura niya. "I'm glad because nothing happened to South."

Hindi ako sumagot pero alam kong alam niyang naiintindihan ko 'yung pinupunto niya. Tama. Na-mention niya yung nangyari noon sa araw mismo ng kaarawan ng tatay nila.

Minsan talaga, reckless si South. Totoo ngang may pagka-impulsive ang batang iyon. Though tingin ko, feeling ko, napag-isipan na niya yung mga bagay-bagay bago niya pa 'yon gawin.

"Morning..."

Automatic na bumilis yung heartbeat ko nang marinig ko yung inaantok niyang boses. Shit. Kotang-kota na ako sa pagmumura dahil sa kanya! Bakit ako ang kinakabahan? Wait, ano bang ine-expect ko? Walang something na mangyayari.

"Good morning, South!" Masiglang bati ni North sa kapatid. Ni hindi ako makalingon dahil alam kong nasa likuran ko siya. Feeling ko mas lalong magwawala yung halu-halong emotion ko kapag hinarap ko siya agad. "Hug mo naman si Ate."

"Hmm..."

Parang naging sobrang sensitive ng pakiramdam ko, halos dama ko yung paglapit niya, yung pagdaan niya sa gilid ko. At huli na para magbaba ako ng tingin dahil nakita ko na siyang yakap-yakap ng best friend ko ng mahigpit.

Pansamantala akong natigilan nang makita yung ngiti ni North. Iba, maganda, panatag. Para bang matagal niyang hindi nayakap si Bata.

"I love you, South."

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Where stories live. Discover now