Chapter 21

22.1K 948 142
                                    

Going South

--

South's

"Bruha, ano na?"

Kumunot ang noo ko. I looked at my long time friend, Rubio. "Anong ano?"

Sukat doon ay binatukan niya ako ng pagkalakas-lakas at inirapan. Hindi ako nag-react kahit na ang sakit ng ginawa niya. Ang bigat ng kamay.

"Hindi ka ba nakikinig?"

Tumingin ako sa harap. Oras ng klase namin ngayon, nataon namang si Ma'am ang nagtuturo.

Kapag oras ng klase ay parang hindi si Jade ang nakikita ko. She's...professional—kahit na papaano. Pero hindi ko maiwasang hindi matuwa kapag naaalala kong nag-text siya at nagpanggap na ibang tao, unaware that I already know who she is. Good enough I managed to get her contact from my sister. If not, then there'll be no reply.

She's really something. Odd.

"Tinatanong kita kung makakasama kang gumala this Saturday," Rubio said.

Napatingin sa amin si Jade but she didn't say anything. Tiningnan ko lang siya at nagtaka ako nang mag-iwas ito ng tingin at nagpatuloy sa pagdi-discuss.

Nagsimula akong mag-drawing sa yellow paper. "Sinu-sinong pupunta?"

"Sina Race at yung boyfriend niya, si Elli, tsaka yung iba rin. Pati nga rin pala yung boyfriend ko." Humagikhik ito na animo'y kinikilig at napahampas pa sa braso ko.

"Corny," I whispered. I don't understand why does she need to act like that. That's just her boyfriend, there's nothing significant about it. To think na malapit na silang mag-tatlong taon.

Sooner, their relationship will gets cold and out of thrill.

"Maghanap ka na kasi ng boyfriend nang maging corny ka rin." She answered and pouted her lips. Now she looked like a cat. I just stared at her. Mukha namang hindi siya nailang sa ginagawa ko. "Wala ka bang nagugustuhan? Wala ka nang nakukuwento, eh."

Sumilip ako sa bintana. Maaliwalas ang langit. Mabining gumagalaw ang mangilan-ngilang ulap. Sinundan ko ng tingin ang dumaang eroplano at binilang ko ito.

It's my one hundredth airplane...

Now I got my sign. I'm sure na magiging busy ako sa mga susunod na mga araw. Ipinagpatuloy ko ang pagd-drawing.

"Hey, South." Rubio called.

"Hm?"

"Seryoso ako, hindi ka na nagkukuwento." Bakas sa boses niya ang tampo.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen. They can't read what's on my mind, even my expression. And I feel bad somehow. But I have to suppress every thoughts and emotions I have. Too much distraction is hazardous.

"May nagugustuhan ka na ba?"

Gusto?

Isang imahe ng lalaki ang pumasok sa isip ko. That man.

A gentleman, a well-raised person. The man I loved—too loved that I even forgot how romance actually blooms. But stupid enough I still remember how love can strike pain. And I'm still in pain. Pain because of different reasons. Pain not just because of that man.

"Wala akong gusto."

"Boring," Walang buhay at monotone na sagot niya sa akin. Hindi ako nag-react at nagpatuloy lang sa pagguhit.

Boring? I mentally smirked. She didn't know how occupied I am. With all the monsters inside...

"Pero crush mo pa rin si Race kahit may boyfriend na?"

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon