Chapter 40

24.1K 1K 224
                                    

Reconciliation

--

Napabuntong-hininga na lang ako habang tuluy-tuloy lang si South sa pagkaladkad sa akin.

Siguro nga'y idea ko lahat kung bakit may lakad siya pero kailangan ba talagang kasama ako lalo na't hindi naman magiging significant yung presence ko kung sakali? Pero masaya na rin ako kasi napapayag ko siyang i-meet sina Race ngayong araw pagkatapos ng ilang oras ko ring pangungumbinsi sa kanya.

"South—"

"No."

Napakamot ako sa leeg ko. Pang-ilang beses na niyang pagtanggi ito sa akin.

Sinabi ko kasi sa kanya na nakausap ko na sina Race at Dennis, na alam ko na lahat ng tungkol sa past relationship niya. Noong una, halos saksakin niya ako sa sama ng tingin niya. Pero maya-maya lang din ay naging expressionless na naman ang bata.

"Chance mo na 'to para maayos yung gusot ninyo," Pangungumbinsi ko pa lalo, nakakaubos din pala ng powers pilitin itong babaeng 'to. "Ayaw mo ba 'yon?"

"What for?" MedyoI meanmataray na tanong niya. "Tsaka lumayas ka nga rito sa kwarto ko."

"Sama mo naman." Sabi ko pero hindi naman ako umalis sa kama niya. Nakasandal siya sa headboard, may tina-type na kung ano sa cellphone. South, kailan ba matutuon yung attention mo sa akin na walang distraction? It hurts! Hay.

"Alam ko. Now, get out."

"South," Oh, 'di ba, ang kulit ko. "Try mo lang naman, eh. Kung hindi magw-work out ng maganda ang mangyayari, at least sinubukan mo."

"I feel..."

Hinintay ko kung may sasabihin siya pero hindi naman na siya nagsalita. "Ano?"

Umiwas siya ng tingin. "I feel naked."

Natahimik kami. Unti-unti siyang namula. Ramdam ko na nag-iinit din yung mukha ko. Nat-touch ako na kinikilig.

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Where stories live. Discover now