Chapter 38

20.7K 831 33
                                    

Questions

--

Nakakapanibago rin pala na hindi makita si South sa klase ko. Medyo nakakalungkot. Isang linggo na simula nang magsimula ang second semester kaya medyo nangangapa pa rin ako dahil nasanay na akong makita siya sa isa sa mga klase ko.

Pero sa ngayon, tiis-tiis muna. Mamaya makikita ko rin ang batang iyon.

"Class dismissed."

Pagkasabi ko no'n ay mabilis na nagsitayuan ang mga bagong estudyante ko. Ang iba sa kanila ay bago lang sa paningin ko, may iba naman na naging student ko na noon at ang ilan ay pamilyar na ang mukha dahil madalas kong nakakasalubong dito sa campus.

Hinintay kong umalis lahat ng students ko bago mag-decide na lumabas na rin. Gutom na rin ako, eh. Pasimple kong sinilip yung relo ko, may oras pa naman dahil mamaya pa ang sunod na klase ko.

"Ma'am."

Natigilan ako at napangiti. Masigla kong pinagmasdan ang pinakamaganda at pinaka-moody kong manliligaw—este, nililigawan pala. Nilapitan ko siya pero wala naman itong naging reaction. "Gutom ka na?"

"Bakit, ililibre mo ako?"

"Eh—"

"Halika na." Hinawakan niya yung wrist ko at akala mo boss na hinila ako paalis. Itong batang 'to talaga, walang pinipili.

"Miss mo 'ko, 'no?" Assuming na tanong ko. Hinihintay ko yung sagot niya pero wala siyang sinabi ni isang word. Edi hindi. Nagtaka ako nang hindi kami sa canteen dumiretso. Palabas na kami ng campus. "South? Saan tayo?"

"Sa labas," sarcastic na tugon niya. Napairap naman ako. Talaga naman. Hindi na lang ako sumagot pa ulit at hinawakan na lang yung kamay niya mismo.

I don't actually care kung may makakita man sa amin o wala.

Basta ako, susulitin ko 'tong oras na ito na kasama ko siya kahit na most of the time ay sinusungitan niya ako.

Sa McDo kami napunta. Naghanap siya ng puwesto. Punuan kasi ngayon dahil lunch time na rin halos. Karamihan ng nandito ay mga estudyante. Umupo kami sa isolated na part ng lugar. Typical South.

"Order ka na." Utos niya sa malamig na boses. Hindi ko na nga halos marinig yung boses niya sa hina. Ang ingay pa naman.

"Bakit ako?" Kumunot ang noo ko. "Ikaw humila sa'kin dito, eh."

"Bilis na kasi."

Tiningnan ko lang siya. Nakatingin lang din siya sa akin, at ang bossy ng pagkakatingin niya. "Um-order ka na."

Bumuntong-hininga siya. "Hindi ako marunong."

"Seryoso?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Mukha ba akong nagbibiro?"

Napailing na lang ako at walang nagawa kung hindi ang sumunod. "Anong order mo?"

"Kung anong sa'yo, iyon na rin ang akin." Sabi niya.

Ehem, pwede bang sa'yo na lang din ang puso ko? Korni.

"At oo nga pala," Humalumbaba siya sa lamesa. She tilted her head a little. "Libre mo."

Napakamot ako sa ulo at walang imik na umalis. Ano pa nga ba, ako yung manliligaw, eh. Sa takaw ng batang 'to baka naman sa buong panahong nanliligaw ako sa kanya ay maubos ang sweldo ko.

Ilang minuto rin akong nagtagal sa counter bago makapag-order. Kumain din naman kami agad pagdating ng mga foods. Nakakagutom. Para talagang sundalo kumain si South, ang bilis. Akala mo nagmamadali.

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Where stories live. Discover now