Madeleine Yrenea ni Isabel Beatriz

Start from the beginning
                                    

"Malabo iyan. Ang sabi sa akin ng kaibigan kong si Teresa ay may iniibig na iyang si Jose." sagot ni Yrenea.

Nagdadalawang isip man ay tinanong pa rin ni Isabel ang nasa isipan nya.

"Kung wala ba syang ibang iniibig ngayon, magugustuhan mo rin ba sya?" tanong ni Isabel. Natatakot sya sa maaaring isagot ni Yrenea ngunit hindi nya malalaman ang sagot kung hindi sya magtatanong.

"Maayos naman si Jose. Kahit sinong babae ay mapapaibig nya ngunit hindi ako kabilang roon. Hindi kami maaari. Sa tangkad pa lang ay parang hindi na kami pwede." sagot ni Yrenea.

"Pati pala katangkaran ay kasama sa iyong mga pinagpipilian. Napakapihikan mo naman. Ano ba ang katangkarang iyong hinahangad para sa iyong magiging katipan?" tanong ulit ni Isabel. Gusto nyang malaman ang mga gusto ni Yrenea.

"Ang nais ko ay yung kasingtangkad ko. Ayaw ko ng masyadong matangkad o masyadong maliit." sagot ni Yrenea

Parang nabuhayan naman ng loob si Isabel. Tila ba nagpaparinig si Yrenea sa kanya! (A/N: Panahon pa lang ng Kastila, medyo conceited na itong si Isabel. 😂)

"Ahh. Mabuti nga 'yan. Tama nga naman." yan lang ang tanging naisagot ni Isabel. Mali man ang umasa ngunit gusto rin naman ito ni Isabel.

Pumasok na sila sa kanilang silid aralan.

A/N: Fast forward.. (Ano ba sa Filipino yang fast forward? 😂)

Makalipas ang ilang buwan ay naging mas malapit pa ang dalawa. Tila ba'y nakasanayan na nila ang presensya ng isa't isa palagi.

Dapit hapon na at naglalakad ang dalawa pauwi. Nakatingin sila sa papalubog na araw.

"Yrenea, may nais sana akong sabihin. Alam ko na ikaw ay maaring magalit at lumayo ngunit wala akong pagsisisihan kung mangyari man iyon." pag uumpisa ni Isabel.

Napagdesisyonan nyang sabihin na ang lahat kay Yrenea. Pagod na syang magtago.

"Kung ano man iyan Isabel, baka naman maintindihan kita. Sabihin mo lamang ang iyong nais. Handa naman akong makinig." saad ni Yrenea

Huminga ng malalim si Isabel.

"Yrenea, hindi ko alam kung normal lamang ba itong nararamdaman ko. Tila ba'y mahal na kita. Alam kong hindi ito normal sapagkat parehas tayong dilag ngunit ano ba ang magagawa ko? Iniibig na yata kita at kung lumayo ka man sa akin, mauunawaan ko. Hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa iyo." nakayukong saad ni Isabel.

"Si Jose." umpisa ni Yrenea

Parang nawalan naman agad ng gana si Isabel. Akala nya ba ay hindi magugustuhan ni Yrenea si Jose?

"Wag ka munang mag isip ng kung ano. Si Jose, tama sya." pagpapatuloy ni Yrenea

"Ano ang ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Isabel

"Si Jose. Kinausap nya ako noong nakaraang buwan. Sinabi nya sa akin na mukhang wala ka rin naman daw balak sabihin sa akin yung totoo kaya sya na lang ang nagsabi. Sinabi nya na alam nyang mahal mo ako. Nahalata nya ito noong una natin syang nakita. Hindi ako naniwala noong una ngunit ipinaliwanag nya lahat sa akin at ngayon, alam ko na. Totoo nga." pagtatapos ni Yrenea

Nagulat naman si Isabel sa narinig.

"Ano? Ngunit bakit di mo ako nilayuan? Hindi ka ba nandidiri?" tanong ni Isabel

Umiling naman si Yrenea

"Bakit naman ako mandidiri kung una pa lang ay 'yun na ang pangarap ko? Matagal na kitang iniibig Isabel." saad ni Yrenea

Laking gulat ni Isabel sa narinig.

"Totoo ba iyan, Yrenea?!" - Isabel

"Oo, Isabel. Akala ko nga ay di ko na masasabi sayo ang mga salitang ito. Mahal kita, Isabel Beatriz." saad ni Yrenea

IMAGINES ft. BeaDdie [EDITING]Where stories live. Discover now