"Miss Estrella, where's Darren?" tanong ni Ma'am Sherly sa akin sa backstage.

"Hindi ko po alam, Ma'am. Nakita niyo po ba si Sir Chris?" tanong ko sa kaniya.

"Naku, hija. Malabong makita ko pa yun dahil sa dami ng tao dito ngayon." tugon niya.

"Mukhang hindi na makakarating si Darren." sabi niya at halatang may pagkadismaya ang tono ng pananalita nito.

Hindi na lamang ako sumagot at tumingin na lamang ako sa sa salamin na kaharap ko ngayon. Tapos na akong mag-retouch. Handa na ako physically but mentally, hindi.

Kung kailang kailangan kita, dun ka pa mawawala.

× × ×

"Ma'am, hindi ko po talaga kaya." pagtanggi ko dito.

"Abrianna? Mapapahiya ang section mo at ang section ni Darren kapag hindi ka nagperform." sabi nito.

"Pero duet po ang kailangan, hindi solo. Paano po kung ako naman po ang mapahiya?" patuloy na pagtanggi ko dito.

"No ifs, no buts. Kailangan mo nang tumuntong sa stage ngayon. You have no choice, Abrianna. Kaya mo 'yan!" tugon niya iginaya ako papuntang stage.

"Let's all welcome, Ms. Abrianna Estrella and Mr. Darren Espanto!" anunsyo ng emcee.

Nagsigawan ang lahat at pumalakpak. Biglang nawala ang kaingayan nang pumunta na ako sa gitna ng stage.

Nakatingin sila sa akin at para bang nagtatanong kung nasaan ang partner ko. Napatingin ako sa limang judges na nasa gilid ng stage. Nakatingin sila sa akin at nagtataka sila siguro kung bakit ako mag-isa.

Darren, nasaan ka na? Kapag talaga nakita kita, masasapok talaga kita. Ugh.

Nagsimula nang tumugtog ang banda pero bigla itong napatigil nang may biglang isang taong paparating.

Biglang parang may kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao ko nang may isang taong pamilyar sa akin ang dumating.

Nang dahil sa pagdating niya, nagsigawan ulit ang mga tao.

Papalapit na ito sa akin at umakyat ng stage.

"Sorry, I'm late." sabi niya.

Napatitig lang ako sa kaniya. Napakagwapong nilalang ang nasa harapan ko ngayon.

"Bwisit ka. Pinakaba mo ako, akala ko hindi ka na dadating." inis kong sabi kay Darren.

"Pero dumating ako." sabi niya sabay ngiti.

Parang may iba sa ngiti niya ngayon, parang pilit at hindi totoo.

Nagsimula na ang tumugtog ang banda at tumahimik na ang paligid. Nagsimula na siyang kumanta.

Bakit ngayon ka lang
Bakit ngayon kung kailan ang aking puso'y mayron nang laman

Huminga muna ako nang malalim bago kumanta.

Sana'y nalaman ko
Na darating ka sa buhay ko
'Di sana'y naghintay ako

EscapeWhere stories live. Discover now