Tumabi ito sa akin at tinapik tapik ang aking balikat.

"Alam kong mahirap. Pero kailangan mong kayanin. Pwede bang ipagpaliban mo muna 'yang nararamdaman mo, at tsaka na lamang balikan kapag tapos na ang contest?" tanong niya.

"Kung pwede nga lang ipagpaliban ang sakit, edi sana matagal ko nang ginawa." sagot ko.

"Happiness is a choice. Kung gusto mong maging masaya, magiging masaya ka. Kung gusto mong makulong sa sakit na nararamdaman mo, choice mo din yun. Sa panahon na ito, dapat piliin mo ang maging masaya." paliwanag nito.

Sarkastiko akong napatawa dahil sa kaniyang tinuran.

"Masaya? Namatay ang ate ko, tapos gusto mo akong maging masaya?" inis kong sabi dito at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan lamang.

Nagmadali akong umalis ng bahay at tumakbo sa kung saan ko gustong pumunta. Naririnig ko ang sigaw ni Tito sa akin pero wala na akong pakialam. Ang gusto lang ngayon ay mapag-isa.

Tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito mula sa aking bulsa.

From: Abrianna
Nasaan ka na, Darren? Natapos na kami sa last practice pero wala ka pa din. Magsisimula na yung contest, ikaw na lang ang hinihintay. Sabihan mo lang ako kung hindi ka na pupunta. Magreply ka naman.

Magrereply na sana ako pero parang may pumipigil sa mga daliri ko.

Inilagay ko na lamang ulit ang aking cellphone sa aking bulsa at nagpatuloy sa paglalakad.

I'm so sorry, Abrianna.

× × ×

Abrianna's POV

"Oy ano na?" tanong ni Kessel.

"Wala pa ding reply." sagot ko.

"Nakita niyo ba si Sir Chris? Hanapin kaya natin?" suhestiyon ko.

"Baliw! Sa dami ng tao dito, mahahanap natin yun?" tugon ni Mikee.

Oo nga. Ang daming tao ngayon dito sa school namin. Lahat ng teachers namin dito sa school ay nandito at may mga ilang teachers na galing sa iba't ibang school dahil sila ang magiging judges. Lahat din ng Grade 10 students ay nandito. May mga magulang, kapatid at kung sino sino pa. Mas lalo tuloy akong kinabahan, dagdag pa na hindi nagpaparamdam si Darren.

"Hala, eto na." halos pasigaw na sabi Dhaylene nang biglang nagsimula nang magsalit ang emcee sa stage.

"Shete. Nasaan na si Darren?" inis na sabi ni Mikee.

"Finding Darren na pala, hindi na Finding Nemo." banat ni Kessel pero walang tumawa.

"Corny mo na naman." sabi ni Dhaylene sa kaniya sabay hampas.

Sinubukan ko ulit tawagan ito pero wala pa ding sumasagot. Anong trip nun? Kagabi naman, okay pa siya tapos ngayon biglang ganito?

× × ×

Natapos nang magperform ang mga dancers. Hindi lang kasi ito purong singing contest lang. May contest din para sa sayaw at sila ang nauna. 8 contestants sila at by group. Akalain mo yun, natapos ang walong grupo na yun pero wala pa din si Darren?

EscapeWhere stories live. Discover now